Chapter 57 (Part 1)

1.1K 51 11
                                    

Terrence's POV


Binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa amin ang kamuntikan nang maganap na kababalaghan. Si Hya ay nakasandal sa pader pero walang malay at may dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya na humahawak sa kanya habang hinahalikan siya sa leeg. Si Tiffany ang pasimuno sigurado na nakatayo sa tabi. Lahat sila ay napalingon sa amin at ramdam ko na Super Saiyan mode na si Vaughn.


Buti pa ako nanatiling kalmado ngayong segundo, standin, chillin, breathin, chillin, because patience is a virtue :D.


 Pinipigilan ko lang kasi magiging padalos-dalos ako kung hindi ako magpipigil. Lumakad na kami papasok at  sinugod naman ni Super Saiyan Vaughn ang dalawang lalaki pero nang makaiwas silang dalawa ay tumakbo agad sila palabas pero hindi ito hinabol ni Vaughn. Nakapokus ngayon ang atensiyon ni Vaughn kay Tiffany na pinapatay niya sa tingin.Kulang na lang magsitaasan ang buhok ni Vaughn para Super Saiyan na talaga. XD


"Anong ginawa mo kay Hya?"tanong ni Vaughn na may tono ng pagbabanta.


"Hindi ko alam, naabutan ko na lang kanina na may ginawa sila kay Hya. Magsusumbong na sana ako pero pinagbantaan nila ako, muntik na nga nila akong isunod"natatakot niyang sagot na umiiyak.


Maniwala sayo tanga.


"Sinungaling, pinlano mo ito at may iba ka pang kasabwat"sabi ko nang umiiling.


Nilapitan agad ni Vaughn si Tiffany at hinawakan nang mahigpit sa magkabilang balikat sabay sandal o hampas niya sa kanya sa pader. Napasigaw pa si Tiffany na takot na takot na.


"Tumahimik ka"maotoridad na sabi ng pinsan kong Super Saiyan.


Pero hindi na tama ang ginagawa ni Vaughn ngayon, sinasakal niya si Tiffany na halos ibaon niya ang kuko niya sa leeg ni Tiffany kaya nakialam na ako at inilayo si Vaughn kay Tiffany na napaluhod at umuubo habang naiyak.


"Kumalma ka lang, makakagawa ka ng bagay na ikapapahamak mo. Wag kang padalos-dalos mag-isip"nakahawak ako sa magkabilang balikat ni Vaughn at iniharap ko siya sa akin.


Tinignan ko siya nang diretso sa mata at nakita kong kumalma na ang ekspresyon niya. Tumango siya at ginulo ko ang buhok niya. Kahit noon ginaganito ko siya kasi kapatid na ang turing ko sa kanya hindi lang pinsan.


"Ulitin mo pa ito at ako mismo ang puputol sa sungay mo"pagbabanta ni Vaughn


"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Buksan mo ang iyong isip at wag ka lang magfocus sa bagay na hindi mapapasaiyo. Tandaan mo ito dahil hindi maganda ang mga pinaggagawa mo"sabi ko kay Tiffany na naiyak pa rin at namumutla.


"Anong nangyayari dito?"may sumulpot na dalawang pulis na lalaki. Lumapit si Vaughn kay Hya at binuhat siya.


"Mamaya ko po ikukwento, kailangan lang po namin siyang dalhin sa Clinic, sumunod na lang kayo"sabi ko.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now