Chapter 45

1.2K 47 10
                                    

A.N of PV: Thank you po pinkalone. Noong April pa lang po nagstart itong story  na ito pero malapit na po itong matapos. Thanks po sa mga nagvote, nagreads, nagcomment, nag-add nito sa Reading List at Library. :D

Hyacinth's POV


Nagulat ako sa presensiya ni Kenzie dito, pagbukas ko ng pintuan siya ang bumungad.


"Bakit anong pake mo?"tanong ko nang nakataas ang isang kilay.


"Sorry, kung nandoon ako kahapon, sasawayin ko ang mga pulis para hindi ka na pahirapan. O di kaya kahit ako ang pumalit sa pwesto mo, hindi yang si Wallace. Alam ko na kung anong nangyari sa kanya, sinamantala mo talagang magkaroon ng sakit para makasama si Hya dito sa room niya nang matagal"sabi niya na halatang naaasar kay Wallace.


"Tumahimik ka diyan, ako ang nadedesisyon pake mo ba, dito pa nga siya natulog kagabi eh bakit may angal ka?"sagot ko nang nagtataray.


"What the heck, may ginawa ba siya sa iyo kagabi? Baka pinagsamantalahan ka niya sa kama!"galit niyang sigaw.


Wala akong pake sa reaksyon niya. Naiimagine ko tuloy yung Fifty Shades of Grey nang dahil sa word na kama!


"Shut the f*ck up, sa tingin mo ba magagawa ko iyon sa kanya, hindi ako mapagsamantala tulad mo"bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Wallace.


May sakit pa naman siya tapos iinisin niya, bwisit to.


"Layas ka na dito, ang dami mo nang sinasabi. Wag mong aasahang may magagawa ako sayong maganda. Layas shoo!!"pagtaboy ko sa kanya ng parang aso.


Nabigla ako sa paghila ng asong si Kenzie at niyakap ako nang napakahigpit.


"HOY BITAWAN MO AKO! Aso ka BITAW!"halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya leche talaga.


"Huwag mo akong ipagtabuyan please, just call me what you want kahit na ang sakit"malungkot niyang sabi, ang drama mo, tse!


Sarap magmura, ang sarap niyang murahin!!


"Tigil-tigilan mo ako sa pagdadrama mo huwag---"


"You @sshole bitawan mo siya!"sigaw ni Wallace at bigla akong hinila palayo kay Kenzie.


Tapos tinulak niya si Kenzie nang malakas, napahiga tuloy si Kenzie, parang planking. Lampa talaga, may sakit pa sa lagay na yan yung nanulak sa kanya, paano kaya kung walang sakit si Wallace edi bagok na siya?


Napasandal sa akin si Wallace at napahawak siya sa pader. Naku baka lumala pa lagnat niya nang dahil sa bwisit na si Kenzie.


"Anong problema mo, nagseselos ka ba ha?! Sabi na nga ba kapag ginawa ko ito magseselos ka, wala kang karapatang tulakin ako dahil hindi pa naman kayo ni Hyacinth! Nagpapanggap ka lang na may sakit para alagaan ka ni Hyacinth."galit na galit na sabi ni Kenzie habang bumangon at pinagpagan ang suot niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now