Chapter 42

1.3K 52 20
                                    

A.N of PV: Kakatapos lang ng exam, maaga ang uwian kaya napaaga ang update.


Hyacinth's POV


Si Lauren pala, akala ko kung sino na.


"Huwag niyo siyang sasabihan nang ganyan, mga b_tches and attention whores. Mga papansin pa at huwag niyo na siyang sasaktan kung ayaw niyong makatikim sa akin "malamig na sabi ni Lauren nang may pagbabanta.


Wooh ang taray ng sagot niya, pero bigla kong naalala yung 2 taong nagligtas sa amin noong muntikan na kaming marape, yung isang lalaki at babae. Naalala ko iyon nang dahil sa boses ni Lauren, parang kapareho ng boses ng babaeng nagligtas sa amin noon, pati din si Terrence kapag nagsasalita with a cold voice, match din sa lalaking kasama ng babaeng nagligtas sa amin ni Yeisha. Hindi kaya silang dalawa yun o nagkakamali lang ako? Si Terrence kasi pwede pa pero si Lauren? Palagi lang siyang nasulpot dati pero hindi kami magkaibigan.


"Ayusin mo yang tono ng boses mo, wag mo kaming pagbabantaan. Hindi kami b_tch at attention whore tulad ng babaeng yan, g@ga ka!"sigaw ng babaeng sasampal sana sa akin.


"Umalis na kayo kung ayaw niyong mayari sa mga pulis, sino kaya ang g@ga sa atin?"monotone na sagot ni Lauren at napansin kong hinigpitan niya ang hawak sa braso ng babaeng mukhang babalu.


"Bwisit! May araw ka din sa akin kung sino ka man"ani ni babaeng espasol.


"Babalikan namin kayo!"sabay na sabi ng dalawang babae.


"Sana hindi ko na makita yang mga pagmumukha niyo, mga malalandi, alis na!"sigaw ko at lumakad na ang tatlo, may kasamang hair flip pa, hilahin ko yan eh.


"Salamat nga pala, Lauren sorry kung sakaling madadamay ka pa"nakangiti kong sabi.


"No problem tsaka wag kang magsorry, wala ka namang ginawang masama sa mga g@ga. By the way, I know Wallace likes you and you two look good together. Mag-iingat ka Hya"lagi talagang monotone ang gamit niyang boses, parang robot.


"Hehehe salamat"sagot ko.


"Okay, bye"sabi niya sabay ngiti ng mukhang creepy at lumakad na siya palayo.


(Kinabukasan)......


Kahapon pa na amoy pintura ang simoy ng hangin dito sa compound kasi pinipinturahan ang buong pader ng compound pero hindi pa tapos ngayon. One-fourth pa lang yung napipinturahan, sa lawak ba naman nitong Compound eh. Ikinuwento ko kahapon ang nangyari kay Yeisha kaya lagi niya akong kasama ngayon kasi kung sakaling umulit pa daw sila, papatulan din daw niya.


"Ikuwento kaya natin kina Wallace yung nangyari?"tanong ni Yeisha, kakatapos lang ng tanghalian namin.


"Wag na, baka kung anong mangyari, mga matatalas pa naman yung radar (pandinig) ng mga bruhilda, baka nga ngayon nasunod sila para mang istalk kina Harrence at Wallace eh"sagot ko.

Her First Love in Jail [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon