Chapter 43

1.2K 55 11
                                    

A.N of PV: Thank you po sa flood votes :D


Hyacinth's POV


May nagsabi ba sa kanya? Tumingin ako kay Terrence at napansin ko ang ngisi niya at ang pagtaas-baba ng kilay niya.


"Hoy kayong dalawa, anong ginagawa niyo dito? Wag kayong makikialam dito"sita ng lalaking pulis sa kanila ni Terrence.


"What the fvck, itigil niyo na ito. Hindi niyo ba alam na makasasama ito sa kanya?"pagalit na tanong ni Wallace at tinuro ako.


Medyo nilalamig na ako dito ang lakas ng ulan eh kaysa naman mainit diba, eh nagpipintura kami dito, sarap maglaro sa ulan :D Parang nag-aalala sa akin si Wallace.


"Okay lang, masaya naman eh tsaka naulan, masarap maligo kaya ko to huwag ka nang makipagsagutan sa pulis, baka madamay ka pa"nakangiti kong sabi, kasi parang nawala ang lahat ng pagod ko nang makita siya, korni ba?


Eh ganun talaga kapag inlababo(in love), nakakabaliw parang drugs hohoho :D


"Manahimik ka na lang diyan, hindi naman ikaw yung napaparusahan tsaka kung makapagsalita ka ha, mas matanda itong kausap mo at binata ka pa lang"sabi ng babaeng pulis na halatang naiinis na.


"No, kapag may nangyari sa kanya, anong gagawin niyo ha?!"pagalit na tanong ni Wallace.


"Wala, wala namang mangyayari sa kanila eh, matagal mamatay ang mga masasamang damo at hindi naman nakakamatay ang pagpipintura ah. Anong karapatan mong taasan kami ng tono ng pananalita, hindi mo ba alam kung paano rumespeto?!"pagalit na sagot ng lalaking pulis na parang gusto nang manapak.


Masamang damo ba kamo?! Kami ba yung tinutukoy niya?! Kami nga ata, bwisit porket nandito lang sa Compound masamang damo na tsaka kung makapagsalita sila parang mga mabubuti sila. Bakit hindi si Kenzie ang sabihan nilang masamang damo pati na rin yung tatlong bruhilda dito?


"Alam ko po kung paano rumespeto, pero sa mga ginagawa ninyo nawawalan na po ako ng respeto sa inyo. Anong karapatan mo para manghusga at bumitaw ng masamang salita sa ibang tao porket nasa loob lang ng lugar na ito. Alam naman naming ang katotohanan kung sino talaga ang masama dito, lalo na kayo, dahil kayo ang mas nakakaalam. Hindi niyo na namamalayang hindi niyo na nagagawa nang maayos ang mga trabaho niyo nang dahil sa pe—"


"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo, nakakabastos ka baka gusto mong makatikim!"panduduro ng lalaking pulis kay Wallace.


"Kung gusto mong ibahin ang usapan at hindi na ito palakihin pa, patigilin niyo na siya sa pinapagawa niyo. Kung kayo ang nasa lugar niya at siya ang nasa lugar niyo, siguradong mapapagod din kayo at magagalit. Itigin niyo na ito!"namumula na siya sa galit na nakakuyom ang mga palad ni Wallace.


Hindi ko alam kung anong reaksyon ko, halo-halo kasi eh, saya kasi worried siya sa akin. Pero may halong lungkot kasi baka mapahamak siya dahil sa mga sinabi niya at sa ginagawa niya ngayon.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now