Chapter 57 (Part 2)

1.2K 47 6
                                    

Hyacinth's POV


"Mukhang hindi mo na kailangang umattend sa counseling o di kaya sa treatment. Pwede na kayong bumalik sa dorm niyo"sabi ng doctor.


Maglalakad na sana ako nang bigla akong buhatin ni Wallace.


"Nakakapaglakad naman ako eh"sabi ko.


Nang pagkagising ko ay naalala ko ang mga naganap at ang una kong naisip ay nababoy na ako ng dalawang lalaki. Baka buntis na ako at masira ang kinabukasan ko kaya napaiyak ako sa takot. Mabuti na lang at hindi pala. Ikinuwento niya kung paano niya ako nakita doon sa bakanteng bahay pati na rin ang ginawa niya kay Tiffany. Aaminin kong natatakot akong lumabas ngayon at natatakot din akong pumunta sa dorm ng mga lalaki pati na rin kapag marami akong lalaking nakikita sa open space. Medyo nakararamdam pa rin ako ng kaba dahil sa takot.


Inilapag niya ako sa kama at nagluto siya kasi hindi pa pala ako nakakakain ng pananghalian at 2:30 na ng hapon. Ang sarap isipin na pinagluluto ka ng taong gusto mo.


"Dobleng ingat na ang kailangan nating gawin. Hindi natin alam ang takbo ng utak ng Tiffany na yan at ni Kenzie. Kung lalabas ka, lagi kang magpasama sa akin"seryoso niyang sabi habang nagluluto.


"Salamat talaga sa inyo"sagot ko.


"No problem"naaamoy ko ang niluluto niya, ang bango.


"Natuto akong magluto nang dahil kay Harrence. Gusto kasi kitang ipagluto nang madalas pati na rin sa mga magiging anak natin"bulong niya at nasa likod ko na pala siya.


Natuwa ako sa sinabi niya, inisip na niya agad na magkakaroon kami ng anak.


"Hehehe"yan na lang ang naisagot ko sa kanya.


"Kain na tayo"nakahain na ang pagkain na nakakatakam tignan.


"May pinaamoy silang pampatulog sayo tama?"tanong niya habang nakain kami at tumango lang ako.


"Ililipat na siguro sila sa kulungan. Wag kang mag-alala"pinoprotektahan niya talaga ako. Nakakapanibagon may suot-suot akong kwintas at lagi ko na itong susuutin.


"May first kiss ka na ba?"tanong niya.


Nag-iba sya ng topic ah.


Wala pa"sagot ko at iniisip ko kaagad na siya ang magiging first kiss ko kung magtatagal kami


"Handa ka ba if ever na gusto kitang halikan"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at the same time ay nakangiti ako nang parang baliw. Sa madaling salita, nagulat ako na hindi handa pero masaya.


"Ah.... Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, oo na ewan?"handa ata ako na hindi eh.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now