Chapter 46

1.2K 45 5
                                    

Hyacinth's POV


Naligo na agad ako pagkaalis ng lalaking matangkad na cute. Napaisip naman ako sa lalaking nagpakita kanina, sino kaya yun? Lutang tuloy ako habang naligo.


Pagkatapos, nagbihis ako at pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan kong natutulog si Wallace. Ito na naman ako, napatitig ulit sa maamo niyang mukha kasi naman eh hindi ko maiwasang humanga sa kanya kasi parang nasa kanya na ang lahat :3 Parang nakukuryente yung tiyan ko na sumasabog na ewan.


Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama at hinawakan ang noo niya. Medyo bumaba na ang lagnat niya, pagkatapos ay isinagawa ko ulit ang pag sponge bath sa kanya para mabilis pa ang pagbaba ng temperature niya.


Maya-maya, umalis ako saglit para kumain ng lunch at paglutuan siya ng Sopas.


Pagkabalik,


"Kumain ka na tapos iinumin mo na itong gamot mo"sabi ko habang nalapit sa kanya. Three times a day yung pag-inom niya ng gamot para sa lagnat pati na rin ng sakit sa katawan.


"Ayoko, wala akong ganang kumain"matamlay niyang sagot habang nakapikit pa rin ang mata.


"Eh pero, kailangan mong kumain mas lalo kang magkakasakit niyan"pagpipilit ko habang nakasimangot.


Luto ko pa naman to, nagpaturo pa ako kay Harrence na magluto kanina para matuto ako. Ang galing kasing magluto ni Harrence kaya natuto kami ni Yeisha.


"Alam kong luto mo yan, kaya kakainin ko yan para sayo"nakangiting sagot ni Wallace at bumangon.


"Upo ka lang diyan, susubuan ulit kita"sabi ko at sinimulan na siyang pakainin.


Ang cute niya kapag ngumunguya at ngumanganga kasi para siyang bata. :3


"Honey—I mean Hya, nahihirapan ka na ba nang dahil sa akin? Sorry kung pabigat ako"malungkot niyang sabi habang nanguya.


Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha dahil tinawag niya akong Honey noong una.


"Ikaw naman, wag ka ngang magsorry hindi ka naman pabigat eh. Nang dahil sa akin nagkasakit ka pa tsaka nag-eenjoy nga akong alagaan ka"masaya kong sagot.


Medyo nadulas ata ako, nasabi kong naeenjoy ko ang pag-aalaga sa kanya.


"Talaga, nag-eenjoy kang alagaan ako, thanks tsaka nag-eenjoy din akong magpaalaga sayo"ngumiti din siya sabay kindat sa akin.


Aaaaa! Parang nakukuryente ang kaluluwa ko sa kindat niya (landi mode). :3


"Ehehehe, sige ubusin mo na ito. Kamusta na pakiramdam mo?"tanong ko.


Naubos niya ang pagkaing niluto ko at ininom yung gamot.


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now