Chapter 50

1.2K 45 11
                                    

A.N of PV: Sorry sa late update.

Hyacinth's POV


Gabi na at malapit nang matapos ang araw na ito ngunit hindi pa nagpapakita si Wallace sa akin ngayong araw. Ano kayang nangyari sa kanya? Nakakamiss kasi ang presence niya pero nasaan kaya siya?


"Alam kong kanina mo pa siya hinahanap, maglibot ka kaya ngayon baka kasi sinapian na si Wallace ng lakwatserang si Dora. Dali na, expect the unexpected Hya"sabi ni Harrence habang ngumunguya ng Stick-o.


"Oo na, sige bye na"tumayo ako at hindi na nagdalawang-isip na lumabas.


Naglibot na ako, kaya pala maliwanag kasi Full Moon ngayon, ang liwanag dito kahit gabi. Napatigil ako sa tabi ng isang puno, may taong nakasandal doon na nakatayo. Familiar siya, si Wallace kaya ito o tikbalang sa ilalim ng puno? Baka uso pa rin yung tikbalang ngayon nakakakaba tuloy.


"Buti at nakarating ka dito, sa ganda mo kasi baka mapagtripan kang gahasain ng ibang preso dito. Sumama ka sa akin"sabi ng isang lalaking kaboses ni Wallace.


Si Wallace nga, buti hindi tikbalang.


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay hatak nang maingat sa akin. Nagpahatak lang ako at naglakad lang kami nang kaunti. May nakita akong lamesa sa tabi ng isa pang puno, pero nakatapat kami sa buwan kaya maliwanag at kitang-kita dito ang buwan. Hinatak niya ang upuan sa tabi ko at pinaupo ako. Wow gentleman.


May dalawang upuan na magkatapat, may isang box sa tabi, may mga pagkain tulad ng Carbonara na may mga dahon na dinurog, Spaghetti na may mga durog din na dahon, may brownies, may cake na cookies and cream at ube flavour. Lahat ng pagkain ay nakalagay sa isang malapad na platito bawat pagkain. May dalawang baso din na may lamang tubig.


Wow, nakakagutom sakto hindi ako pinapakain nina Yeisha, Harrence at Terrence ng hapunaneh. Pero pansin ko bakit karamihan sa pagkain puro may durog na dahon na ang una kong naalala agad ay Marijuana, nagdudrugs kaya si Wallace at gusto akong pasubukin kasama niya? Tapos tuturuan niya akong humithit, magiging adik ako.


"Ah, wag mong masamain yung tanong ko, itong mga dahon na ito ba ay Marijuana na dinurog?"kinakabahan kong tanong.


"As expected, itatanong mo iyan pero hindi yan Marijuana. Parsley ang tawag diyan at ang totoo niyan, gusto kitang ligawan. Can I date y-you st pwede din ba kitang ligawan?"medyo nauutal niyang tanong at halatang kinakabahan siya kasi kinakagat niya ang labi niya, parang mannerism niya ata iyon kapag kinakabahan.


Sa gulat ko para akong na electric shock, mali ba yung pagkarinig ko o hindi? Hindi naman ako bingi, yung kaluluwa ko sa loob tili na ng tili.


"Tama ba pagkarinig ko, gusto mo akong i-date at ligawan?"pagturo ko sa sarili ko.


"Yes"sagot niya at namumula ang tainga niya. Ganun ba siya mag-blush o sa simoy lang yun ng hangin?


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now