Chapter 28

1.4K 55 0
                                    

Hyacinth's POV


Kaya pala may mga nagkakagulo malapit sa bahay na parang garahe kaninang umaga. Hindi ako pumunta doon kasi wala naman akong pake. May mga preso daw dito na nagdodroga, yung lalaking may peklat daw sa kilay yung napagtripang patayin, sabi ng mga pulis. Yun din yung nakatingin sa amin kahapon, tsismoso siguro yun, basta hindi ko na lang yun iisipin.


"Nandito daw yung mama ni Kenzie, siya yung nagpagawa ng gym dito. Sigurado akong pinagawa lang talaga niya yun para mapaulanan siya ng papuri galing sa mga tao"sabi ni Terrence. Masama din siguro ugali nun tulad ni Kenzie, like mother like son, first impression ko lang ah, baka mamaya mabait pala.


"Ganun talaga kapag sikat na tao, lalo na at mukhang si Kenzie ang papalit kay Vaughn sa mga nakaline-up na projects sa pagmomodel sana ni Vaughn. Dapat ako na lang ang ipalit, mas gwapo ako kay Kenzie"dagdag pa ni Terrence. Ang daldal din pala niya.

"Ang dami mong alam, wala na akong pake kahit tanggalin na ako sa pagiging model. Papunta na dito yung mama ni Kenzie, mukhang alam ko na ang mangyayari"walang ganang sabi ni Wallace.

Tumingin kami sa babaeng papunta dito, maganda siya, matangkad, pero grabe makalagay ng kolorete sa mukha clown lang. Nakataas ang kilay niya na parang galit na nakatingin sa amin, lalo na kay Wallace. Nang tuluyan na siyang makalapit, isa-isa niya kaming tinignan at nagulat ako nang bigla niyang sampalin si Wallace.

"Kulang pa yan sa pagbugbog mo sa anak ko, kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago. Naiinggit ka siguro sa anak ko kaya lagi mo siyang sinasaktan kahit noon pa. Anak ka ba talaga ng tatay mo?"sabi niya habang pinanlalakihan ng mata si Wallace. Hindi naman yata tamang sampalin niya nang ganun si Wallace, tapos sasabihan pa siya nang ganyan. Parang nakikialam pa siya sa alitan ng anak niyang masama at ni Wallace.

"Why would I? May dapat po ba akong kainggitan sa anak niyo?"nakapoker-face na sabi ni Wallace. Halata rin ang pamumula ng kanang pisngi niya kung saan nasampal siya ng mangkukulam-este ng mama ni Kenzie.

"Wala ka talagang modo, manang-mana ka talaga sa nanay mo"tumaas na ang boses ng mama ni Kenzie. Para siyang dragon na umuusok ang ilong. Halatang nainis si Wallace nang mabanggit ang nanay niya.

"Malamang, anak siya ng nanay niya eh"pabulong na sabi ni Terrence.


"Aba't wala kang respeto at pinipilosopo mo ako, siguro kaibig—"


"Pinsan po ako ni Vaughn,also known as Wallace".singiit ni Terrence, parang natatawa tuloy ako dahil sa reaksyon ng mama ni Kenzie.

 


"Bastos kang lalaki ka, at sino naman itong babaeng ito, ikaw ba si Hyacinth?"nakatingin siya sa akin, parang kulang na lang sa laki ng mata niya ay lumuwa na yung eyeballs niya. Tumango lang sko bilang sagot.


"Ikaw namang babae ka, lagi kang nababanggit sa akin ni Kenzie at may gusto siya sa iyo. Kinulam mo ba siya o may pinainom kang gayuma? Hindi naman kasi kayo bagay, alam kong pera lang ang habol mo sa anak ko. Nag-aaral ka sa eskwelahan ng mga mayayaman pero scholar ka lang"sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Mukha talaga siyang bruhang mangkukulam. Scholar nga ako sa Ashworth University, pati din si Yeisha, private school yun. Kinulam o pinainom ng gayuma, eh sya naman yung mukhang mangkukulam.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now