Chapter 5

3.7K 104 1
                                    

Hyacinth's POV

Pinalabas ako ng kulungan kasi may bisita daw ako. Ang nakababatang kapatid ko pala.

"Ate, para sayo to at wag kang mag-aalala, makakalabas din kayo agad dito"sabi ni Lester at niyakap ako.

"Salamat, pakisabi rin kay mama na salamat"sagot ko. Ang nilalaman ng paperbag na ibinigay niya ay mga pagkain, panyo, at may isang libro. San galling tong libro na to?

"Para sa iyo yang libro na yan ate, alam kong gusto mo yan kaya binili ko para sayo"maganda kasi yung plot ng librong 'Divergent' at pinanood na naming sa internet last month yung movie nito.

"Salamat talaga, Lester"napasaya niya ako, kaya mahal na mahal ko tong kapatid ko.

"Nandito na si Mr. Ashworth"rinig naming sabi ng isang pulis. Naaalala ko na naman yung nangyari kahapon, bwiset siya.

Napatingin kami sa lalaking umupo sa tabi ko, si Kenzie Ashworth. Kumukulo dugo ko sa kanya at napako ang mata ko sa mga pasa niya sa mukha.

"Kamusta k-"hind na niya natuloy ang sasabihin niya. Nagulat ako dahil hinatak siya ni Lester palayo sa akin at sinapak siya.

"Ang kapal ng mukha mong akbayan ang ate ko, porket ikaw ang may-ari ng paaralang pinapasukan naming ay ganito ka na umasta sa amin. Dahil sayo, nakulong ang ate ko na wala naman ginawang masama!"sigaw niya at hawak-hawak na siya ng mga pulis sa magkabilang braso.

"Kapag hindi ka tumigil isasama ka namin sa kapatid mo sa kulungan, bata"sabi ng pulis.

"Wag niyo siyang ikulong, at bitawan niyo na siya. Hindi pa naman siya pwede sa kulungan kasi 17 taong gulang pa lang ang batang ito, tama ba ako, Lester Paul Castaneda? Siyempre kinikilala ko din ang mga estudyante sa paaralan ko"sabi ni Kenzie.

"Tch, may balak ka bang ikulong ako kapag 18 na ako?"binitawan na siya ng mga pulis.

"Wala akong gagawing masama sa iyo dahil bata ka pa"nakangising sagot ni Kenzie.

"Bakit mo kasi yun ginawa Lester? Uwi ka na nga sa bahay"bulong ko sa kapatid ko.

"Paunang ganti lang ate, sorry na, sige uwi na po ako, bye"tinignan niya nang masama si Kenzie at umalis na. Binangga pa niya sa balikat si Kenzie at halatang sinadya niya yun. Ito talagang kapatid ko, kapag may kaaway siya, hindi naman niya ito sinasapak o sinasaktan pero pagdating sa mga may ginagawang masama sa akin lalo na kapag lalaki, sinasapak niya. Masyado siyang protective sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya.


Ipinasok na ulit ako sa kulungan, pumasok naman si Kenzie sa kulungan ng mga lalaki. Nakatingin siya sa lalaking pamilyar sa akin ang itsura. Kamukha ng model na crush ni Yeisha, si Wallace Matteson pero baka nagkataon lang na magkamukha sila.

"Hello, masaya ba dito sa kulungan? Gusto kong magmakaawa ka at pagsilbihan mo ako kapalit ang paglabas mo dito sa kulungan na ito, kayong dalawa ng kaibigan mong si Harrence"sabi ni Kenzie sa kamukha ni Wallace.

"No, kahit sa panaginip mo hinding-hindi ko gagawin ang gusto mo. Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kaysa pagsilbihan ang isang katulad mo"banat ng kamukha ni Wallace the model.

"Wow, humanda ka sa gagawin ko sa iyo dahil sa ginawa mo sa mukha ko. I'll make you experience hell, Wallace"nagulat ako at ibig-sabihin si Wallace Matteson talaga to? Sayang naman at tulog itong si Yeisha. Bakit kaya siya nakulong at ibig-sabihin, siya ang may gawa ng mga pasa sa mukha ni Kenzie? Bakit naman makukulong ang isang sikat na model na katulad niya?

"I'm already living in hell Kenzie, since my mother died"halatang pinipilit niyang magng kalmado. Hinahawakan kasi siya ng lalaking mas maliit sa kanya sa balikat eh, kaibigan niya siguro to.

Nagulat ako nang sapakin ni Kenzie si Wallace at hinawakan naman ng lalaking medyo maliit si Wallace para hindi ito matumba.

"Isa na ba yan sa paghihiganti mo sa ginawa ko sa mukha mong mukhang basura? Ang hina naman ng sapak mo, bakla ka ba?"he smirked. Masakit kaya yun, napangiwi na nga agad ako kasi medyo namula na ang parte ng pisngi niya na nasapak. Bakit hinahayaan lang siya ng mga pulis na manakit at si Wallace pa talaga, magkaaway kaya sila?

Sinapak niya ulit si Wallace sa kabilang pisngi, natumba na siya pero agad din siyang bumangon.

"Walang pipigil sa akin, ang gusto ko, manood lang kayo kung hindi mabubulok kayo sa kulungan na to!"sigaw ni Kenzie. Mukhang gusto na kasing tumulong ng mga lalaking nasa kulungan na kasama ni Wallace.

"Hahahaah, pangalawa na to pero hindi pa rin masakit, parang bata lang ang nanapak sa akin, ang hina kasi. Lampa ka talaga Kenzie"tumatawa niyang tugon. Natitiis ata eh, namumula na ang dalawang pisngi niya eh.

"Nang-aasar ka ba? Kulang pa yan"nagngingitngit na sagot ni Kenzie.

"Nagsasabi lang ng totoo, hindi ako nang-aasar, tsk lampa ka talaga"sasapakin pa ulit sana siya ni Kenzie pero sinalo ng lalaking medyo maliit na kaibigan ata niya.

"Tama na, pikunin ka din pala eh, inaaksaya mo lang oras namin"sabi ng lalaking medyo maliit. Lumabas na si Kenzie at sinipa pa niya ang lamesa sa loob ng kulungan. Nakita kong inabutan niya ng pera yung mga pulis. Kaya siguro di siya pinipigilan ng mga pulis kasi bibigyan niya ang mga ito ng pera. Mga tao nga naman ngayon..


Wallace's POV

Buti na lang at nakapagtimpi ako, sinunod ko ang advice ni Harrence na asarin na lamang si Kenzie at wag sasapakin o saktan ito. Yun, naasar nga ang lampa, medyo masakit itong pagkakasapak niya sa akin.

"Nice one"sabi ni Harrence.

"Thanks"sagot ko at nakipagbumping fist sa kanya.

May nakita akong babaeng papunta rito, mama ni Harrence yun ah, at hindi ako nagkamali. Lagot kami rito lalo na aki kasi ako ang dahilan ng pagkakakulong namin ni Harrence.

.

.

Her First Love in Jail [unedited]Место, где живут истории. Откройте их для себя