Chapter 3

4.9K 142 6
                                    

Wallace on the multimedia.....

Wallace's POV

Nanonood ako ng TV at nasa bahay ako ni Harrence. Headline sa balita na naman na may nagtangkang pumatay kay Kenzie na babae at nakulong kasama ang kasabwat 'daw' nito.

Di na bago sa akin yang balita na yan. Damn that moron, naiirita na naman ako sa kanya. Napapadalas na ang balitang may nakukulong dahil sa kanya. Alam ko lang na gusto lang niyang mantrip o manloko. Diyamante ba siya na kulang nalang ay bawal hawakan ng kahit sinuman.

"Uy Wallace, tara Walter bili ng pagkain. Alam kong may bibilhin ka din dun. Nagpaalam na ako kay Sweety Pie"sabi niya. Tumayo ako at pinatay ang TV.

Sweety Pie, yun ang endearment niya sa mama niya. Even his own motorcycle has an endearment.

Nagsuot ako ng wig at shades para di ako makilala at di pagkaguluhan sa Walter. I think something will happen today, kakaiba kasi pakiramdam ko ngayon.

Harrence's POV

I'm Harrence Fontellar, bestfriend ng model na si Wallace Matteson. We're both handsome and cool, pero mas gwapo ako sa kanya. Joke lng, mas gwapo daw siya sabi ng ibang gulls.

Papunta na kaming Walter sakay ang baby Gatsby (Motorcycle) ko na regalo ni Wallace saken nung magbirthday ako last February 8, mahal niya ako eh.

Nakakalungkot ang life story niya, MMK ang peg. Rich kid siya pero patay na mama niya at once a month lang umuwi papa niya. Kaya't kahit hindi ako mayaman tulad niya, masaya na ako.

Kilala ko si Kenzie Ashworth at kilala niya rin ako. Magkaibigan kasi dad ni Wallace at Kenzie, pero di sila magkasundo dahil sa sama ng ugali ng lalaking yun. Iniwan ko sa parking lot ang Baby Gatsby ko.

Pagkapasok namin sa entrance as usual, all eyes of the gulls are on us. Lakas ng kagwapuhan naming taglay. Hindi ako isang model, pero feeling ko peymus na ako dahil maraming nagkakandarapa-rapa sakin.

May isang babaeng lumapit sa amin. Lapitin talaga ako sa mga chicks, laeh, pinanganak ako este kami na gwapo. Tatanggalin niya sana ang shades ni Wallace pero tinabig niya ang braso ng babae.

"Miss, wag mo yang tanggalin, may sore eyes yan" pagsisinungaling ko sabay ngisi.

"Ay kadiri, baka mahawaan ako, akala ko pagpapacool lang at tinatago lang ang kagwapuhan. Ewww" pag-iinarte nito.

"Tss, shut up kung wala kang masabing maganda, flirty girl"bored na sabi ni Wallace at lumakad na.

Boom peyns ang malanding babae, halata pa lang sa mukha niya. I waved at her and mouthed 'bye bye' at sumunod na kay Wallace. Kumuha ako ng basket bago pumasok sa loob.

Siyempre, ang pinakauna kong kinuha ay ang 2 Stick-o na chocolate flavor, favorite ko to eh.

"Isip-bata ka talaga" sabi ni Wallace nang tumingin sa stick-o. Isip-bata agad?? Masarap kaya to at nakakaadik, try mo kaya?

Hindi ko nalang sinagot at kumuha ng 10 Chichirya pati na rin ang Cheese Balls na paborito ni Sweety Pie (mama) ko. Pasalubong ko to para sa kanya, buti nalang nasa trabaho si papa at umalis si ate kasi may pupuntahan. Solo ko ang mga Chichirya ngayon, Cheese Balls lang gusto ni Sweety Pie ko eh.

May inilagay si Wallace sa basket dahilan ng pagbigat nito. 4 na buong Chicken at 4 dosenang beer, hanep, rich kid kasi eh.

"Patulong naman oh, bigat nito"reklamo ko sabay pacute. Hindi ako bakla ah, ginagamit ko ito kapag nagrerequest o may kailangan. Epektib to sa mga gulls at sana kahit ngayon lang tumalab ito sa kanya.

"Kaya mo naman yan, hindi ka naman bakla" what, limited edition pa nman to sayang at hindi talaga to effective sa kanya.

"Oo nga sabi ko nga, abs at braso to ni Superman"biro ko.

Pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin. Iaabot ko na sa kanya ang halaga ng magagastos ng akin nang abutan niya ang cashier ng 5000 pesos.

"Wag na, my treat" sabi niya. Wow, rich kid talaga.

"Talaga? Thanks" nahihiya kong sabi. Napapadalas ang panlilibre niya sakin eh, kahit na bestfriend ko siya nakakahiya pa ring magpalibre. Hindi makapal ang mukha ko in short.

"NP (No Problem)" sagot niya habang palabas na kami ng Walter at ako na ang bumitbit sa pinamili.

Pagkatapos ng 5 minutes, nakarating na kami sa bahay at kumakain na ako ng Chichirya at Stick-o. Maya-maya, wala pa rin si Wallace, pumuntang kusina eh, masilip nga.

"Oh eto na, sa susunod wag kang mahiyang magpaluto ah"sabi ni Sweety Pie. Naaamoy ko ang isang sunog na Roasted Chicken na panigurado ay luto ni Wallace.

"Salamat po, sa inyo nalang po ung 2 buong manok"ani ni Wallace at lumakad papuntang sala.

"Salamat" sabi naming ni Sweety Pie nang sabay. Binigay k okay Sweety Pie ang Cheese Balls na Malaki at nagpaalam na sa kanya na magmemeryenda na kami ni Wallace sa sala.

Nadatnan ko si Wallace na kumakain na at mauubos na ang 1 buong manok, antakaw talaga.

"Kuha ka lang ng manok oh"sabi niya at kumuha ng 1 malaking Chicharon ni Mang Juan.

"Geh, salamat bro"kumain na rin ako ng Piattos at Stick-o.

"Saan pwedeng bumili ng yelo dito?"tanong niya.

"Sa kanto"

"Samahan mo ako, bibili ako ng yelo, hinid na malamig itong beer"

"Okay, paalam lang ako kay Sweety Pie"sabi ko. Pinayagan naman kami ni Sweety Pie basta saglit lang daw. Lumabas na kami at nakarating na sa tindahan nang biglang may humarang na kotse sa harap namin. Parking ba to? Bumaba sa kotseng iyon si Kenzie Ashworth na nakangisi.

Mukhang may binabalak siyang gawin na halata sa ngisi niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now