Chapter 39

1.3K 46 16
                                    

Hyacinth's POV

Nakita kong parang naaasar si Yeisha, hindi niya pinapahalata sa emosyon pero ramdam ko yun.


"Ayos lang ako, wag kang umiyak"sabi ni Harrence at inalis niya ang braso ni Brittany mula sa pagkakayakap.


"Alis na, kailangan na niyang magpahinga"naiinis na sabi ni Wallace sa kanya.


"Sige, basta bukas pupuntahan kita"sambit ni Brittany habang nagpapahid ng luha.


"Babalik na kami sa dorm namin, bye Hya"nakangiting sabi ni Wallace, napangiti na lang din ako.


"Bye Yeisha-babes, bukas ah bye din Brittany"sabi ng loko-lokong si Harrence sabay kindat kay Yeisha.


"Oo alam ko, inumin mo gamot mo at magpahinga ka ha"sabi ni Yeisha.


Umakyat na silang dalawa papunta sa dorm nila, nandito pa rin so Brittany at biglang nagbago ang ihip ng hangin.


"Enjoy na enjoy ka siguro sa panlalandi mo kay Harrence noh? Pati ikaw Hyacinth"pagalit na sabi ni Britany.


"Baka ikaw malandi, bruha ka!"sabi ni Yeisha.


"Luh inaano ka, anong problema mo sa amin?"dagdag ko at nagisimulang uminit ang dugo ko sa kanya.


"Lagi niyo lang naman kasama sina Wallace at Harrence. Hanggang sa ospital pa dahil mga malalandi kayo! Kinaibigan niyo pa talaga sila para landiin sila"nakataas ang kilay niya habang sinasabi to.


"Anong mal—"eh biglang may sumabat sa amin?!


"Hoy makasabi ka lang ng malandi sa kanila ah, wag mo silang itutulad sayo, you sh*thead"napalingon ako sa nagsabi nito, si Terrence pala.


Hindi ko napansin na nandito siya, tapos first time ko pa siyang narinig na nagmura. Magpinsan sila ni Wallace, pansin kong madalas na nagmumura si Wallace, siya din pala nagmumura, sabagay magpinsan eh.


"Sino ka para sumabat, ha tapos sasabihan mo pa ako ng shi---"-Brittany na nagngingitngit.


"Tumahimik ka na nga lang, wala ka lang magawa sa buhay mo, tss"malamig na sabi ni Terrence habang tinignan siya nang masama.


First time ko lang marinig ang ganitong boses ni Terrence. Mabuti naman at sumunod ang bruha, umirap pa bago umalis. Tse!


"Uy alam ko kung anong naiisip niyo, hindi naman ako palamura tulad ni Vaughn eh, masarap lang talaga siyang murahin . Astig ko no? Bukas 1 PM magkita-kita tayo sa tambayan, may importante akong sasabihin sa inyo, bye"nakangiti niyang sabi sabay alis, may lakad ba siya?


Umakyat na lang kami at napagpasyahang bumalik sa dorm, malapit nang dumilim. Bubuksan na sana namin yung pintuan pero bilang sumulpot si Tiffany na nakapout.

Her First Love in Jail [unedited]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ