Chapter 24

1.8K 70 1
                                    

A.N: Terrence at the multimedia...

Wallace's POV

Medyo nahiya ako sa tinanong ko kay Hyacinth kahapon, pero dahil sa sagot niya, bigla ko nang naisipang gusto ko nang magkaroon ng abs. Si Harrence ang mahilig mag work-out sa Gym, hindi ako sumasama kasi tinatamad ako at hindi naman ako papayag na magtotopless sa pag momodel. Para akong ewan, bakit ngayon gusto ko nang magkaroon ng abs.

Nakatitig ako kay Harrence dahil may gusto akong itanong, pero siguradong aasarin niya lang ako. May abs siya, kahit na maliit ang katawan niya.

"Oy, may itatanong ako, gaano ba katagal mag wowork-out para magkaroon ng abs?"panimula ko.


"Depende, basta sa akin 6 months lang naagkaroon na ako ng pamatay na abs, bakit, gusto mo ring magkaroon ng pamatay na abs tulad sa akin?"nakangising sagot ng loko.


"Wala lang"pagsisinungaling ko.


"Alam ko kung bakit ka nagtanong, ganyan siguro ang nagagawa sa iyo ng pag-ibig, gusto mong magkaroon ng abs dahil kay Hyacinth noh?"panunukso ni Harrence.


"Dunno, di ko alam"sagot ko.


"Gwapo naman tayo, kaya work-out work-out din pag may time para dagdag pogi-points kay Hyacinth"tinapik-tapik niya ang balikat ko.


"Ge, labas lang ako"tumayo na ako at lumakad palabas.


"Sama din ako, mag-aadventure ako sa Female's Dorm"sumunod siya sa akin.


Pagkalabas namin, nakarinig kami ng sigawan sa tapat ng Gate ng Compound.


"Ang sama mo talaga, wala ka bang balak dalhin sa ospital itong lalaki, eh sigurado namang sinasadya mo lang ito. Mga wala ba kayong utak, kapag lumala ang kondisyon niya at namatay, kayo ang malalagot sa pamilya niya"boses ni Hyacinth yun, kaya napatakbo na kami papunta doon.

"Wala kang alam, kayo na bahala diyan, babalikan kita mamaya. Ang tapang mo talaga, my Future Girlfriend"si Kenzie pala yung sinabihan niya. Umalis na si Kenzie at parang galit na galit si Hyacinth, Red Alert eh.


Nakita kong may nakahigang lalaki na nakaschool uniform pa ng Ashworth Academy. Bugbog-sarado pa, nakasuot ng eye glasses, teka, pamilyar ang mukha ng lalaking yun. Tinignan ko siya nang maigi, kamukha niya ang pinsan ko eh.

"Vaughn, ikaw ba yan?"nagsalita ang lalaki nang nakatingin sa akin, siya nga yung pinsan ko, akala ko kamukha niya lang. Vaughn ang tawag niya sa akin.


"Ikaw nga, Kuya Terrence, akala ko kamukha mo lang"sagot ko.


"Woy, unique tong mukha ko, di lang basta-basta at sigurado akong wala akong kamukha. Ikaw din Harrence, musta buhay?"sabi ng loko. Parehas sila ni Harrence, parang sila tuloy yung magkamag-anak. Pinsan ko siya sa side ng mother ko.


"Mamaya na kayo magkamustahan, baka lumala pa yang kondisyon mo. Magkaano-ano kayo ni Wallace?"singit ni Hyacinth.


"Pinsan ko pala si Wallace Vaughn, hi, ako pala si Terrence Alexanderson, 20 years old"kinindatan pa niya si Hyacinth, loko.


"Hyacinth Castaneda po, at siya si Yeisha Cipriano, parehas po kaming 19. Mamaya na ulit po tayo magkwentuhan, baka lumala yung kondisyon niyo. Kaya niyo po bang tumayo?"sabi ni Hyacinth.


"Don't worry, hindi naman ako mamamatay, matagal mamatay ang mga gwapo, napakaprotective mo naman kanina, nice one"nakangiti si Kuya Terrence at tumayo.


"Sa kondisyon nyo po kanina akala ko hindi na po kayo makakatayo"-Hyacinth. Hindi man lang siya kumontra sa sinabi ni Kuya na gwapo, ibig-sabihin nagagwapuhan siya kay Kuya?


"Mamaya na ang usapan, gagamutin ka na namin, Kuya"singit ko, ang daldal kasi.

"Ako na ang gagamot sa kanya"hindi na ako tumutol kay Hyacinth dahil nakakatamad. Kung ako kaya yung nagkaganyan, siya rin kaya yung gagamot sa akin? Natapos na din agad ang panggagamot ni Hyacinth sa pinsan ko. Buti naman at hindi yun tumagal, nakapagpalit na rin siya ng damit. Kumain na kaming lahat ng pananghalian, sa tabi ng dorm namin ni Harrence yung magiging room ni Kuya.

"Okay lang ba ang buhay niyo dito? Ang dami pa naman nang nagaganap sa labas. Nagulat yung mga kaklase niyo sa nangyari sa inyo, lalo ka na, Vaughn"sabi ni Kuya, wala lang kaong kibo dahil wala akong pake sa mga kaklase ko.


"Isang taon na rin tayong hindi nagkita, namiss kita"sabi ni Harrence.


"Eh ikaw, Vaughn, hindi mo ba ako namiss?"nagpout pa si Kuya, parehas talaga sila ni Harrence.


"Di ko alam, Kuya"kibit-balikat kong sagot. Di ko naman talaga alam, pero para ko rin siyang kapatid kasi magkalaro kami noong bata pa kami. Pero nang lumaki kami, bihira na lang kaming magkita.


"Wag mo na akong tawaging Kuya, nagmumukha akong matanda. Isang taon lang naman tanda ko sayo eh mukha nga tayong magkaedad dahil sa baby face ko"sagot niya.,


"Ang ganda ng mga kaibigan niyo ah"inemphasize niya pa talaga ang word na 'kaibigan'.


"Bakit ka nakasalamin? Mukha kang nerd, tsaka si Kenzie ba yung may gawa niyan sayo?"tanong ko.


"Naadik na ako sa COC eh pero top student pa rin ako. Ah, yung mga pesteng bodyguards ang bumugbog sa maganda kong pagmumukha. Buti na lang at gwapo pa rin ako. Sinubukan ko kung tama ang hinala ko kung bakit maraming nakukulong nang dahil sa kanya, at ayun, tama nga ako"sagot niya.


"Basta mga gwapo, matitibay, malalakas at walang kupas, tama?"sabi ni Harrence at nag-apiran sila ni Kuya Terrence. Sige lang, hindi masamang mangarap

 

"Sa sinabi ni Kenzie sayo Hyacinth, parang may gusto sayo yung g@go, mag-iingat ka, may rival ka na agad, Vaughn"ano ang ibig-sabihin ni Kuya? Babaero naman si Kenzie, at hindi ko siya papayagang ligawan o idate si Hyacinth.


"I know what you mean, Terrence"sabi ni Harrence at nagtawanan silang dalawa. Tumingin ako kay Hyacinth na mukhang nalilito, pero cute pa rin siya.


"Ayt, ayt, ayt, namumula ang tenga ng isa dyan, lamnadis"nang-aasar si Kuya Rence at alam kong ako yung tinutukoy niya. Hinawakan ko ang tainga ko, ang init pala.


"Shut up"sagot ko.


"Alam kong meron ka din, Harrence mabuti nga at wala kang rival, o baka ako ang magiging rival mo sa kanya"sabi ni Kuya na nakangisi at tumingin kay Yeisha. Napansin kong namula si Yeisha sa sinabi niya.


"Alam ko naman na ako ang mananalo sa puso ni Yeisha-babes eh, mas gwapo ako sayo eh"inakbayan ni Harrence si Yeisha pagkatapos niya itong sabihin sabay kindat.


"Pero nasa lahi na namin ni Vaughn ang kagwapuhan, pwede rin akong maging model. Basta parehas tayong gwapo"may punto si Kuya sa sinabi niya.


"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito, sama naman ako diyan, diba Hyacinth, My Future Girtlfriend"singit ni Kenzie na umupo sa tabi ni Hya.

.

.

.

.






Her First Love in Jail [unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang