Epilogue

1.8K 59 9
                                    

Hyacinth's POV

"Hindi isasama si Wallace sa mga ililipat sa kabilang kulungan, palabasin niyo siya, dahil makakalabas na siya. Pati na rin sina Harrence Fontellar, Hyacinth Castaneda, Yeisha Cipriano, at Terrence Alexanderson"sabi ng isang lalaki nang seryoso.


Na si Kuya Zephyr.


Bumalik siya at buhay na buhay siya! Ilang buwan rin siyang nawala.


"Anong kalokohan ito? Ano yang pinagsasabi mo?"galit na sabi ni Kenzie.


"May mga nakalap na ebidensiya ang Abogadong ito na nagpapatunay na wala silang ginawang krimen laban kay Mr. Ashworth, kaya naman sila ay makakalabas na sila dito sa Compound na ito."sabi ng isang pulis na kasama ni Kuya Zephyr.


"Nandoon din ang ibang matitibay na ebidensiya na pinag-aralan nang mabuti na nagpapatunay na sinet-up lang sila ni Mr. Ashworth. Magmemeeting tayong mga pulis tungkol sa iba ko pang iaanunsyo na may kinalaman sa inyo. Sa inyong lima na nabanggit ang pangalan, malaya na kayo at maaari na kayong lumabas sa Compound na ito, pirmahan niyo lang itong mga papeles na ito"dagdag pa nito.


Napilitan ang mga pulis na tanggalin ang posas sa kamay ni Wallace. Halatang hindi sila sang-ayon sa sinabi ng pulis na kasama ng pinsan ko ah. Lumapit kami isa-isa at pinatawag na din sina Yeisha at Harrence para malaman din nilang makakalabas na kami, dahil sabay-sabay kaming lalabas dito.


"Pero hindi pwede, isang kasinungalingan ang sinabi ninyo. Walang makakalabas dito!"galit na sigaw ni Kenzie.


"Hindi niyo po hawak ang batas Sir. Wala na po kayong magagawa, dahil hindi makokontrol ng pera mo ang batas at hustisya"magalang na sabi ng pulis na kasama ni Kuya Zephyr.


May punto yung pulis. Nagwalk-out si Kenzie na galit na galit. Umalis na rin yung mga pulis dito.


"Salamat po Sir"magalang na sabi ni Kuya Zephyr.


Pumirma na kaming lahat sa papeles na sinabi ng pulis.


"Walang anuman po, sige na iimpake niyo na yung mga gamit na dinala niyo dito at makakalabas na kayo"sagot ng pulis at naglakad na sa parehong direksyon na tinahak ng iba pang pulis.


"Long time no see guys lalo na sayo Hya. Buhay pa talaga ako, nagpahinga lang at ginugol ko ang ibang oras para maghanap ng mga ebidensiya para sa pagkikita ulit natin, makakalabas na kayo"masayang sabi ni Kuya Zephyr.


Napangiti ako at lumapit siya sa akin tapos nagyakapan kami.


"Namiss kita, may pasalubong si Kuya sayo pagkauwi natin. Makikitulog si Kuya sa bahay niyo ngayon"sabi niya.


"Namiss din kita Kuya, nag-alala kaming lahat sayo. Maraming salamat"masaya kong sagot.


"Anything for you insan, tsaka ko na lang ikukwento ang lahat sa tamang panahon. Wag ka nang umiyak sa saya, baka magkasipon ka"nagbitawan na kami at pinunasan niya ang mukha at ilong ko gamit ang panyo niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now