Chapter 19

1.8K 59 9
                                    

Hyacinth's POV


Nagising ako dahil nakarinig ako ng malakas na boses. Boses iyon ni Wallace at naramdaman kong may humahawak sa buhok ko, kaya iniangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin si Kenzie. Panira ng araw, ano kayang ginagawa nito dito?

"Binibisita ko lang ang Future Girlfriend ko at ikaw, kasi birthday mo ngayon"sagot niya na halatang nang-aasar.

"Anong Future Girlfriend? Nababaliw ka na ba na sa tingin mo ay tatanggapin kita at papatulan?Istorbo nanga, panira pa ng araw"naiirita kong sabi.

"I like that attitude of yours, Hyacinth. Happy birthday nga pala, Wallace at bilang isang mabait na katrabaho mo, binilhan pa kita ng cake. Nakakalungkot nga lang at may balak ka nang bitawan ni Manager sa pagiging model. Mababalewala na ang mga pangarap mo at alam naman natin na ako ang papalit sa mga nakaline-up na projects para sayo"sabi niya at nag-abot ng box na may laman na Cake kay Wallace. Sama talaga ng ugali ng isang to, nakakabanas.

"Hindi ko yan tatanggapin, kaya kong makabili ng maraming ganyan. Sa ilang taon nating magkakilala, hindi mo pa talaga ako kilala, hindi lang ang pagiging model ang pangarap ko. Wala na akong pakialam at wag mong ituloy ang mga binabalak mong gawin kay Hyacinth, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"sabi ni Wallace nang may pagbabanta, paano naman ako nasali diyan at anong balak?

"Alam mo talaga kung paano ako mag-isip, that's impressive pero sino ka para balaan ako? Alam natin na ako lang ang mananalo sa huli, kung ayaw mo ng Cake na ito, ibibigay ko na lang to kay Hyacinth, my Future Girlfriend"sabi ni Kenzie at inabot sa akin ang cake.

"Hindi ako tumatanggap ng mga bigay galing sa isang taong halang ang kaluluwa"kinuha ko ang kahon na may laman na Cake at inihagis koi to sa mukha niya. Ayun, sapol at nakita kong nakangiti si Wallace.

"Hahahaha, pasalamat ka at hindi ko binuksan yang Cake na yan kundi malalagyan ng icing yang damit at mukha mong nakakasuka"sabi ko habang tumatawa, hindi ko mapigilang tumawa eh dahil sa reaksyon niya na halatang naaasar.

"Sinasadya mo talaga akong asarin, pero sa pagdating ng tamang panahon, magbabago ang tingin mo sa akin. Tsaka bago ako umalis, nabalitaan kong muntik ka nang gahasain ni Harvey kaya sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya at wala na din pa la siya dito dahil inilipat ko na. Paalam, magkikita pa naman tayo ulit, Hyacinth at Wallace"sagot niya at tumayo na.

"Dapat ba akong magpasalamat?"sabi ko habang tinaasan siya ng kilay.

"Hindi na, alam kong yan ang isasagot mo. Dadalaw pa ako sa libingan ng mama mo, Wallace. 10th Death Anniversary niya pala ngayon at alam kong hindi ka na makakapunta ngayon."singit pa niya.

"Alam kong sinasabi mo yan para asarin ako at ipaalala sa akin kung ano ang meron ngayong araw, ngayon ay hindi na. May mga bagay ka pang hindi alam"sagot ni Wallace.

"Parang alam ko na kung bakit hindi ka na madaling maasar ha, I'm always watching all of you, lalo ka na"sabi ni Kenzie at naglakad na palayo sa amin.

Anong ibig-sabihin niya dun sa I'm always watching all of you? May CCTV ba dito sa Compound?

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now