Chapter 51

1.1K 41 0
                                    

Hyacinth's POV


Kakagising ko lang, kakakain, kakaligo at heto ako, sumasagot sa walang humpay na tanong ni Yeisha sa akin tungkol sa naganap kagabi. Kinuwento ko rin yung nangyari kagabi sa kanya habang naglilinis kami.


"Nice ang romantic naman ng style niya sa pagset-up ng date niyo. Si Harrence kasi puro mga matatamis na pagkain yung pinapakain sa akin. Hindi daw niya muna ako idadate habang nandito kami sa loob ng Compound kasi ang gusto daw niya, idate ako sa Restaurant o sa Park daw"sagot ni Yeisha.


"Okay lang naman kung kahit saan eh, ano ba mga pinapakain niya sayo?"tanong ko.


"Iba't-ibang flavour ng Stick-o, ice cream, cupcake na may binudburang sprinkles at nips, pretzels, cotton candy at cake. Baka maging diabetic pa ako nang dahil sa kanya o di kaya masira ang ngipin ko"sabi niya na may kaunting reklamo pero halatang gustong-gusto niya.


"Hahaha, kakaiba yun malay mo sa mismong date niyo hindi na puro matamis kakainin niyo, yun pa"natatawa kong sagot.


"Ehem, para nga pala ito sayo, Hya. Ang mga bulaklak na ito ay parang ikaw kasi mahalimuyak at kay bango"biglang may nagsalita sa harapan ko na may hawak ng bulaklak.


Tinignan ko kung sino ang nilalang na nagsalita, si Kenzie pala akala ko si Wallace. Nagpaalam si Yeisha na aalis daw siya at mag-uusap na lang kami mamaya.


"Pwede ba kitang simulang ligawan, Miss Hyacinth? Nakikita kita minsan sa loob ng aking Unibersidad at hindi ko maiwasang mapatitig sa iyong napakagandang mukha. Bagay na bagay pa sayo ang apelyido ko kapag kinasal tayo, Hyacinth Ashworth. O kung gusto mo ng ora-orada, can you be my girlfriend?"nakangiti niyang sabi.


"Ha, ako magpapaligaw sayo? Hindi ko alam kung ano ang habol mo sa akin, pero hindi ako magpapaligaw sa taong may dahilan kung bakit ako o kami nakulong ng mga kaibigan ko. Ayokong magpaligaw sayo at kailanman ay hindi magiging tayo"kalmado kong sabi.


"Isipin mo, kapag papayagan mo akong manligaw, makakawala ka agad, hindi ka na mahihirapan pa, kaya kitang bigyan ng maginhawang buhay pati na rin ang pamilya mo, kaya kitang ipaglaban sa mga magulang ko kung sakaling ayaw nila sa iyo o kahit kanino pa. Matututunan mo din akong mamahalin at papaibigin kita kapag nakilala mo na ako nang lubusan. Narinig ko kagabi na sinimulan ka nang ligawan ni Wallace. Okay lang sa akin dahil alam kong isa lang sa amin ang pipiliin mo. At titiyakin kong ako ang pipiliin mo, papasayahin kita, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo"sagot niya na mukhang nagmamakaawa na ewan.


"Bakit, ikaw lang ba ang may kayang gumawa niyan? Sa tono ng pananalita mo parang ikaw lang ang may kayang gumawa niyan, bakit hindi ko ba kayang ilabas dito si Hyacinth kasama ang mga kaibigan namin nang magkasama, hindi ko ba siya kayang bigyan ng maginhawang buhay at ang pamilya niya, hindi ko ba siya kayang ipaglaban kahit kanino, hindi ko ba siya kayang pasayahin, at hindi ko ba kayang ibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya? I can do it all for her at huwag mo siyang pilitin kung ayaw niya"mahabang sabi ni Wallace na nakadikit sa akin.


"Bibigyan kita ng oras para pag-isipan ang lahat ng sinabi ko, Hyacinth. Hindi kita mamadaliin, maghihintay ako"nakangiting sagot ni Kenzie sa akin at umalis na.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now