Chapter 18

1.8K 72 2
                                    

A.N of PV: Parang kakabakasyon ko pa lang, ang bilis ng oras, May na agad tapos sa June 1 na agad yung pasukan. Share lang.....

 

Harrence's POV

Ang ganda dito ah! Nasa beach pala ako kaya mainit. Siyempre, napansin ko agad na maraming gulls ang nakatingin sa akin, paano ba naman eh ang gwapo ko. Naka white t-shirt pa ako, alam kong gusting-gusto ng mga gulls ng yummy abs, kaya hinubad ko nang may slow motion effect pa ang white t-shirt para mas maganda. XD

"Wow!"narinig kong sabi ng karamihan sa mga gulls. Pamatay kasi ang six-pack abs ko eh XD

Napapalibutan ako ng mga gulls ngayon, this is heaven XD

"Hoy! Layuan niyo siya kung ayaw niyong lunurin ko kayong lahat!"narinig kong sigaw ni Yeisha-bases na nakasuot din ng bikini. Ang sexy niya at ang hot, nakakatakam eh XD.

Biglang nagsialisan ang mga gulls na nakapalibot sa akin at naglalakad palapit sa akin si Yeisha-babes. Bagay talaga kami no? Mukhang nagseselos siya kaya pinisil ko ang pisngi niya at niyakap ko siya. This is heaven talaga, sarap sa beach tapos yakap-yakap ko si Yeisha-babes. XD

Teka bakit parang may mali? Nananaginip lang pala ako sayang! Nakayakap ako ngayon pero parang tao ang niyayakap ko, hindi unan. May nakahawak din sa tiyan ko na may yummy abs, siguro si Yeisha-babes to?. Natempt atang tumabi sa akin kagabi sa sahig, pero bakit amoy lalaki?

Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Wallace? O.o Ibig-sabihin, siya ang niyayakap ko at siya ang humahawak sa yummy abs ko? Napansin kong nakataas na nang kaunti yung t-shirt ko at labas na ang tiyan ko na may abs, pinagnanasahan ba niya ako? XD

"Aaaaahhh!!"sigaw ko at tinulak siya palayo. Kadiri, wala naman sigurong nangyari sa amin. XD

"Shut the fuck up, stop shouting!"sigaw niya at halata sa boses niya na bagong gising pa lang siya.

"Oy, may ginawa ka ba saken kagabi? Porket gwapo ako at may yummy abs eh pagsasamantalahan mo na ako, nireserba ko to para sa mga gulls, hindi sayo"sabi ko habang hinahawakan ang aking yummy abs.

"I know what are you thinking, shut up, I'm not gay"sagot niya at nag-aalis ng muta, andami niya kasing muta sa mata.

"Eh bakit nakahawak ka sa abs ko? Hindi porket birthday mo eh pagbibigyan na kita sa paghawak sa abs ko"tanong ko at nagising na si Yeisha-babes sa ingay namin.

"Kaninang madaling araw nasa sofa pa ako ah, that means nahulog ako. Malay ko bang hinahawakan ko na yang patpat mong tiyan. Alam mo naman na malikot akong matulog eh"sagot niya at tinitignan ako nang masama.

"Anong patpat? Inggit ka lang dude kasi wala kang a-"hindi ko natuloy yung sasabihin ko, kinotongan na naman ako. Masakit siyang mangotong.

"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo, manahimik ka na lang"pagbabanta niya.

"Bagay kayo ah"singit ni Yeisha-babes.

"Hindi ah, si Wallace kasi eh malikot matulog, nahulog tuloy sa pinaghihigaan ko"sabi ko habang hinihimas ang parteng kinotongan ni Wallace.

"Umalis na kayo dito, bumalik na kayo sa dorm niyo"sabi ni Hyacinth na halatang kakatapos lang maligo.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now