Chapter 8

3.1K 104 9
                                    

Wallace's POV


"Hindi mapagkakailang maginhawa ang buhay ko simula noong bata pa ako. Nabibilhan ako ng mga laruan pero parang may kulang kasi hindi ko masyadong ramdam ang pagiging ama sa akin ni dad. There are times na nagtatalo sila sa harap ko nang dahil sa akin. Laging ako ang 1st honor sa school, like dad, pero magagalit siya kapag hindi ako nagging 1st honor."


"Kapag nag-eexam, kailangan hindi lalagpas sa 4 ang mali ko kundi malalagot ako. One time, mahirap ang test namin sa Math at 5 ang mali ko, pero ako ang highest sa buong klase namin noong Grade 2 ako. Sa sobrang takot ko, nagtago ako sa loob ng Waching Machine dahil bitbit na niya ang sinturon. Papaandarin na niya sana yun pero pinigilan siya ni mom. He's a perfectionist and I hate it because nobody's perfect, right?" dugtong ko.


"Noong Grade 3, 3rd honor ako dahil umabsent ako ng 1 buwan dahil nagkadengue ako. Nagalit siya ng sobra,


"Ano kaya kung patigilin na kita sa pag-aaral, baka sa mga susunod na taon ay 3rd ka pa rin. Mabuti pa yung mga batang mahihirap, nagsusumikap maging 1st sa klase. Tinatamad ka ba? Buti pa yung pinsan mo nagpakapuyat sa pag-aaral kaya naging 1st honor lagi"sermon ni dad. Isang beses lang naman akong nagging 3rd honor dahil nagkasakit ako at yan ang sasabihin niya? Lagi na lang niya akong kinukumpara sa mga pinsan ko kapag nagkakamali ako.


"Tigilan mo na yan, hindi magkakapareho ang kakayahan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, hindi lahat mayaman o mahirap at hindi lahat matalino. Dapat maging proud ka pa sa kanya na lagi siyang nasa top" tama si mom. Umalis si dad at pinagaan ni mom ang loob ko.


"Anak, wag mo nang intindihin ang sinabi ng dad mo, basta you always make me proud and I'm lucky that you're my son"tandang-tanda ko pa ang linyang ito ni mom, lagi niya akong pinasasaya at napapagaan ang loob ko.


"Napapadalas ang pagtatalo nila at lalayas na sana kami ni mom pero pinigilan kami ni dad. Ang kinatatakutan niyang mangyari ay ang pag-iwan naming sa kanya, pero lagi naman niyang inaaway si mom. Paano kaya siya napag-tiisan ni mom, nangako siyang magiging mabuting asawa at anak na siya sa amin pero nagbago yun nang mamatay si mom" hindi pa ako handang ikuwento sa kanila ang pagkamatay ni mom.


"Mag-iba tayo ng topic, paano mo nakilala si Kenzie?"sabi ni Hya, napansin kong malungkot siya at nakatitig siya sa mga mata ko.


"Anim na taong gulang ako at ang pamilya nina Kenzie ang kapitbahay naming. Bagong lipat sila sa Subdivision at naging magkaibigan ang parents niya at si dad. Nakipaglaro siya sa akin araw-araw pero napansin ko na mayabang siya at pikunin. I hate his attitude but my dad likes him, kapag nag-aaway kami, laging si Kenzie ang kinakampihan niya at napapahiya ako sa harapan ni Kenzie at sa pamilya niya. Si mom lang ang naniniwala sa akin at nagtatalo sila dahil dun."


"Iniwasan ko nang makipag-away sa kanya para hindi na magtalo si mom at dad pero nananadya si Kenzie at nasapak ko siya nang isang beses dahil sa sobra-sobrang pang-iinsulto. Saktong dumating si dad at ang pamilya ni Kenzie galling sa trabaho. Sinapak ako din dad dahil dun at humingi ng tawad kay Kenzie."galit-na galit talaga ako kay Kenzie hanggang ngayon.


"Naging magkaklase kami ni Kenzie simula High School dahi nakapagpatayo ng school ang parents niya. Gusto pa nga niya akong talunin sa klase, but he can't because he's an idiot. Kahit sa kanya ang school, hindi siya nagiging 1st honor. Ngaing kaibigan ko naman si Harrence noong 9 years old kami. Naging kaklase ko rin siya since High School and he said to me na wag na lang pansinin si Kenzie dahil non-stop ang pang-aasar niya sa akin. I'm finished"pagtatapos ko.


"Nakakalungkot naman ang buhay mo, kahit mahirap lang ako, mahal na mahal ako ng nanay at tatay ko" sabi ni Hya.


"Ganun din ako, hindi ko inaasahan na malungkot ang buhay ng idol ko. Gusto mo ba talagang maging model?"tanong ni Yeisha.


"Oo, kaya ako ang ginawang model ng Ashworth University. Nadiskubre ako at ginawang model ng iba't-ibang products"sagot ko.


"Ang gwapo-gwapo mo nga doon sa magazine, sa mall din nakikita ko mukha mo, pati din sa billboard. Nung pumasok kami sa Ashworth University, ikaw yung nasa tarpaulin, magazine yung nakasuot ng uniform ng Ashworth University"walang kaduda-dudang fangirl ko tong si Yeisha.


"Gwapo din naman ako diba?"singit ni Harrence.


"Pwede na, pero honestly cute ka"sagot ni Yeisha. I ship them, they look good together.

Ngumiti ang baliw, basta mga babae ang nagcocompliment sa kanya ganyan yan. Kapag lalaki ang pumupuri sa kanya, sinasabi lang niya na 'I know right'.


"Eh si Kenzie?"tanong ni Hya.


"Gusto din ni Kenzie na maging model noon. Dapat siya ang ginawang model ng Ashworth Univerity pero ako ang mas pinili dahil mas magaling at mas good looking ako. Kaya mas lalo siyang nagalit sa akin at lumala ang ginawa niyang pang-aasar. Hindi ko na lang siya pinapansin"magkaparehas kami ng Company na may hawak sa amin sa Modelling.


"Gusto kong ikuwento sa inyo kung paano kami naging magkaibigan ni Wallace"sabi ni Harrence.


"Sige, ikaw na magkuwento"sabi ko at nakatingin naman si Hya at Yeisha sa kanya.


Her First Love in Jail [unedited]Där berättelser lever. Upptäck nu