Chapter 13

2.4K 70 7
                                    

Hyacinth's POV


Naglilinis kami ngayon sa labas ng dorm nang bigla kaming makarinig ng sigawan.


"Ano ba, sabi nang bitawan niyo ako, wala akong ginawa!"sigaw ng isang babae at hinahatak na siya papasok dito sa Compound.


"Kailangan mong pagbayaran ang ginawa ng tatay mo sa akin. Patay na pala siya eh edi ikaw ang papahirapan ko dahil anak ka niya"sagot ni Kenzie nang pabalang.


Tumakbo si Tristein (lalaking kasamahan sa Compound) papalapit sa babae at kay Kenzie.


"Wag mong hahawakan nang ganyan ang pinsan ko! Babae siya, bakit kailangan mo siyang isama dito, alam kong wala siyang ginawang masama!"halatang gusto nang manapak ng lalaki.


"Kayo na ang bahala diyan, aalis na ako. May importanteng bagay pa akong aasikasuhin"sabi ni Kenzie sa mga pulis bago umalis.


Umiiyak ang babae at niyakap ni Tristein, magpinsan pala sila. Nilapitan namin sila


"Alam naming wala kang ginawang masama, napagbintangan lang din kami. Umupo ka muna doon"sabi ko at lumakad na papunta sa upuan malapit sa puno.


Kilala namin lahat ng mga kasamahan namin dito sa Compound.


"Humanda talaga yang Kenzie na yan kapag nakalabas tayo dito"sabi ni Tristein at tumigil na sa pag-iyak ang babaeng pinsan niya.


"Anong pangalan mo?"tanong ni Yeisha sa babae.


"Hm, ako si Tiffany, mukha kayong mababait kaya pwede bang makipagkaibigan sa inyo?"tinitigan ko siya at hindi ko pa naman siya kilala pero mukhang mabait naman.


"Siyempre, pwede naman, ako si Hyacinth at siya si Yeisha"sagot ko at nakipagshake-hands sa kanya. Sinabi na sa kanya ni Tristein ang mga rules dito sa Compound. Patay na pala ang mga magulang ni Tiffany, kawawa naman siya.

Maya-maya, kumain na kami nang tanghalian at katabi lang pala ng dorm namin ni Yeisha ang magiging dorm ni Tiffany. Pumunta kami sa tambayan kasama si Tiffany, nagpaiwan si Tristein sa dorm niya eh, hindi kasi sila masyadong magkasundo sina Wallace at Tristein.


"Saan tayo pupunta?"tanong niya sa amin.


"Dun sa tinambayan natin kanina, ipapakilala ka namin ni Yeisha sa 2 kaibigan namin"sagot ko.


"Ang saya, sana maging kaibigan ko din sila"nakangiting sagot niya. Nakarating na kami at naabutang nakaupo na doon si Wallace at Harrence na as usual, may hawak-hawak na garapon ng Stick-o at ngumunguya pa.


"Siya pala yung babaeng nadagdag sa ating may kasalanan daw kuno kay Kenzie. Ang ganda pala niya"nagpakilala ulit siya gamit ang linya niyang ewan sabay kindat. Eto talaga, basta magandang babae, kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Yeisha. Selos agad, I ship Harrence and Yeisha eh.


Nakatitig si Tiffany kay Wallace at nakanganga. Kilala niya siguro si Wallace, baka fangirl niya din to.

Her First Love in Jail [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon