Special Chapter 2: Harrence and Yeisha

1.6K 46 12
                                    

Easter Sunday na bukas!!...


Yeisha's POV


"Bilisan mo, aalis ka pa papuntang Jollibee, may mahalaga kang gagawin doon. Basta hanggang 10 ka lang ng gabi"apurado ang mga magulang ko na pinapaalis ako.


"Ano po ba talagang gagawin ko sa Jollibee?"sigaw ko habang nagbibihis ng pang-alis na damit.


"Basta importante, surpresa yun anak kaya't bilisan mo na"sabi ni mama.


May Kid's party kaya akong pupntahan doon?


"Opo, tapos na po ako"lumabas na ako sa kwarto ko.


"Inimpake na namin sa sling bag mo yung mga gamit na kakailanganin mo pati pera, alis na mag-enjoy ka anak!"sabi ni papa at ibinigay sa akin ang sling bag ko.


Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa jeep papunta sa Jollibee. Baka naman kung ano pa ang ipapagawa sa akin doon. Nakarating na ako doon at pumasok sa loob ng Jollibee.


Nakita ko ang mascot nina Jollibee at Hetty na lumilibot dito. Kilala ko sila, nakapanood ako ng Cartoon ba yun o Movie na Jollitown ang title noong bata pa ako.


Parang matamlay ang mascot ni Hetty, kabaligtaran ng tao sa loob ng mascot ni Jollibee na todo kembot ng puwet sa harap ng mga bata at nakikipagpicture pa na hinahatak din si Hetty. Siguradong mahiyaing babae yung nagsuot ng mascot ni Hetty. Ang hyper ni Jollibee at ang laki talaga ng puwet niya. Haha. Hinampas pa ng mascot ni Jollibee ang puwet ng mascot ni Hetty.


Biglang tumingin sa gawi ko sina Jollibee at Hetty, nakatayo lang ako eh. Sila ba ang dapat kong pagtanungan kung ano ang gagawin ko dito? Naglakad sila palapit sa akin pero si Jollibee ay kinindatan niya ako sabay takbo papunta sa Employee's Room. Si Hetty ang kaharap ko dito.


"Kailangan mong sumama sa akin, ngayon na"boses lalaki ang nasa loob ng mascot ni Hetty na isang lalaki pala.


Akala ko babae yung nasa loob eh. Sumunod na lang ako at hinatak niya ako papasok sa Employee's Room. Nandoon si Jollibee at inakbayan ako. Sinubukan kong alisin ang pagkakaakbay niya pero hindi ko maalis ang braso niya.


"Anong gagawin ko dito?"tanong ko.


"Sumama ka lang sa amin, don't worry, may permission ito ng mga magulang mo"sabi ng tao sa loob ng mascot ni Hetty.


Parang pipi si Jollibee ah, hindi nagsasalita. May kapansanan ata.


"Let's go"sabi ng lalaki sa loob ng mascot ni Hetty at tumango lang si Jollibee.


Hinatak nila ako palabas ng Jollibee, at nakarating kami sa Parking Lot at pinasakay ako sa kotse na kulay white.


"Saan po ba tayo pupunta?"nag-aalangan kong tanong dahil medyo napaparanoid ako.


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now