Chapter 7

3.1K 97 18
                                    

Wallace's POV

 

Umupo si dad sa harap namin, gusto kong paalisin sina Hya, Harrence, at Yeisha para hindi nila marinig ang sasabihin ni dad.


"Mas magandang nandito ang mga kaibigan mo dahil sila din ay may kasalanan kay Kenzie"panimula niya.


"Good afternoon po, magkaparehas po kasi kaming lahat ng kaso, kukuha po ba kayo ng Lawyer para kay Wallace?" tanong ni Harrence. First time pa lang niya na makita si dad kahit na 10 years na kaming magkaibigan.


"No, kailangang makulong ang batang yan dito para matuto ng leksyon. What have you done Wallace? Wala ka bang utak ha?! Bumaba ang kita ng Company ko dahil sa ginawa mo at masisira ang reputasyon ng buong angkan natin nang dahil sa KATANGAHAN mo at ang malala pa, bakit mo iyon ginawa kay Kenzie? Pinalaki ka bang hindi tinuturuan ng magandang pag-uugali?"-dad, tama ang expectations ko na sasabihin niya ang lahat ng ito.


"Simula noong bata pa kayo, lagi mo siyang sinasaktan pero pinapatawad ka niya lagi. Mabait na bata talaga si Kenzie. Sana si Kenzie na lang ang naging anak ko at hindi ikaw. PINAGANA MO NA NAMAN YANG KABOBOHAN MO, that's why my wife or your mom died because of YOU!"pabalik-balik niya akong sinisisi sa pagkamatay ni mom kaya naman sanay na ako kahit masakit sa loob.


"Hindi naman po tamang pagsabihan niyo nang ganyan anak niyo, hindi niyo naman po alam ang tunay na nangyari eh, pakinggan niyo man lang po ang panig ng anak niyo"sabi ni Hya, bigla akong  nakaramdam ng saya dahil sa sinabi niya. Kahit na ngayon ko pa lang siya nakilala, pakiramdam ko espesyal na tao siya.


"At sino ka naman para magsabi niyan? Anak ko siya at kilalang-kilala ko siya at wala kang

alam, kaibigan ka lang niya. Hindi ka ba tinuturuan ng kagandahang-asal ng m-"tumingin nang masama si dad kay Hya.


"Pagsabihan niyo po ako lagi ng masasakit na salita, wag lang sa mga kaibigan ko, dad. Hindi niyo po alam kung ano ang nagawa ng kaibigan ko sa akin. Blood is thicker than water right? Pero ang pamilya ng kaibigan ko ang nagmamalasakit sa akin. They're like my real family since my mom died because of my STUPIDITY"I loathed him, pero wala akong magagawa, he's still my father kaya wala akong magagawa kundi ang galangin siya at tawaging 'dad'.Si Harrence at ang pamilya ko ang tinutukoy ko. Wag niyang pagsasabihan si Hya nang ganun, kaya ko to nasabi dahil nakaramdam ako ng inis nang sabihan niya si Hya. 


Tumayo na si dad at hinampas ang lamesa bago umalis sa harap namin. Minsan hinihiling ko na ibang tao na lang ang naging tatay ko, yung mamahalin at aalagaan ako, like my mom.


Hyacinth's POV


Nagulat ako sa mga salitang binitawan ng tatay ni Wallace na para bang hindi niya ito tunay na anak. Hindi naman ganun si tatay sa akin, siguro hindi mabuting tatay yun at nakaramdam ako ng awa para kay Wallace. Mayaman siya pero ganyan ang tatay niya, patay na din pala ang nanay niya, bakit kaya si Wallace ang sinisisi. Nabalita na sa telebisyon na patay na ang nanay ni Wallace noong bata pa siya pero hindi sinabi ang dahilan.


Kahit na mukha siyang masungit at mayabang sa panlabas na anyo, nararamdaman ko sa ipinapakita niya na marunong siyang magpahalaga sa ibang tao. Kahit na ngayon pa lang kami nagkakilala, pinagtanggol niya na ako at sa tingin ko, si Harrence at ang pamilya niya ang tinutukoy ni Wallace.


Napangiti ako dahil alam kong hindi masama ang pag-uugali niya hindi tulad ng ibang mayayamang tao pero at the same time, nakakaramdam ako ng lungkot kasi parang hindi maganda ang kuwento ng buhay niya.


Kahit si Yeisha ay nagulat pero si Harrence ay mukhang naiinis. Kaya ko lang naman sinabi yun sa tatay niya kasi nilalabas ko lang ang opinion ko, hindi ko ito kayang itago. Tinignan ko si Wallace at kahit nakikita ko nan aka poker face lang siya, alam kong malungkot siya nang titigan ko siya sa mga mata niya. 


Nakayukom ang kamao ni Wallace at nagulat ako nang pukpukin niya ang mesa sa tapat namin. 

"Kalma lang"ani ni Harrence.


"Since all of you are my friends, ikukwento ko sa inyo ang buhay ko noon because I know that I can trust all of you"nabigla kami sa sinabi ni Wallace.


"No need, pwede mo itong sabihin sa tamang oras kapag okay ka na"sabi ni Yeisha.


"She's right"sagot ni Harrence at napatango ako.


"No, ginusto ko to, penge nga ng isang Stick-o, Harrence"parang gusto niyang mapagaan ang nararamdaman namin dahil sa nanghingi ng Stick-o, eh hindi naman siya mahilig  sa Stick-o.


"Kuha ka lang, basta magtira ka ha"binuksan ni Harrence ang garapon ng Stick-o niyang hawak.


"I'll start"he said at nakapokus na sa kanya ang atensyon namin.

.

.

.

.





Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now