Chapter 10

2.7K 91 1
                                    

Hyacinth's POV


Naka school uniform siya, nakalimutan kong ngayon na pala ang 1st day of Class sa Ashworth University.

"Hello ate, para sayo ito, araw-araw kitang dadalawin. Isang beses lang sa isang lingo makakabisita si mama, abala kasi sa Business na pinagkakakitaan. Teka, sino sila?"sabi ni Lester at tumingin kina Wallace at Harrence.


"Mga kaibigan namin sila"sagot ko.


"Kung di ako nagkakamali, ikaw si Wallace"parang may pinapahiwatig ang tingin niya kay Wallace.


"Yes"sagot ni Wallace at tinignan din si Lester.


"Woi, ikaw yung astig na lalaking sumapak kay Kenzie sa kulungan diba? Ang astig mo, magpapakilala ako ha. (Tumalikod ang buang sabay slow motion na humarap kay Lester) Yo man! Gwapong nilalang is here, Harrence Fontellar is the name (pogi pose)"wow ah, style talaga niya to sa pagpapakilala.


"Thanks po Kuya Harrence, I'm Lester, nakababatang kapatid ni Ate Hya, 17 pa lang po ako"nakipagshake-hands siya.


"Basta kapag may ginawa kayong masama kina Ate Yeisha at Ate Hya, lagot kayo sa akin. Aalis na ako ate, marami agad Homeworks 1st day pa lang"adik to, parang matanda kung makapagsalita.


Inabot niya sa akin ang mga pagkain tapos umalis na siya. Tumingin muna siya kina Harrence at Wallace bago tuluyang lumabas.


"Pagpasensyahan niyo na yun ah, overprotective eh kahit mas bata sa akin"sabi ko.


"It's okay, if I were him, I'll be like that and I'll do the same"sagot ni Wallace.

 

(Kinabukasan)

 

Tuwing umaga, abala kami sa mga Gawain, tapos kain sa tanghalian. Nakikipagkuwentuhan naman kami kina Harrence at Wallace tuwing hapon, parang mamamatay ka kasi sa sobrang pagkabagot dito. Medyo naiilang si Yeisha kay Wallace, idol niya kasi yun tapos ngayon, lagi na niyang nakikita.

Nasa dormitory kami ngayon nina Wallace at Harrence, kami kasi ang pumunta dito dahil baka pagkaguluhan sila sa dormitory ng mga babae. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga hilig namin.

Sabi ni Wallace, ayaw na ayaw niyang icelebrate ang kaarawan niya, bakit kaya?


"Teka lang ah, magbabanyo lang ako saglit"sabi ni Harrence.


"Ako din, naiihi ako"sumama na si Wallace sa kanya. Naiwan na kami ni Yeisha dito, napansin namin ang gitara ni Wallace na nasa ibabaw ng kama niya.


"Ano kaya itsura ng gitara ni idol, tignan natin"yaya ni Yeisha.


"Sige, curious din ako eh"tinanggal ko ang lagayan ng gitara.


Wow, ang ayos tignan, kulay light brown. May nakita akong nakaukit na  June 2005, 16,  Love You Ace —Mom. Birthday niya ata tong date na to eh, baka galing sa ma—

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now