Chapter 26

1.6K 62 0
                                    

Hyacinth's POV

Palapit na kami sa kanila at nakita na nila kami. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"They're here"sabi ni Kenzie nang mahina pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. Ano ang ibig-sabihin nun? Dahil ba nandito kaming mga kaibigan ni Tiffany?

"Ano bang kailangan mo sa akin, bakit mo ako ipinunta dito?Walanghiya ka, kinulong mo ako dito kahit na wala akong ginawang masama. Ano abng ginawang masama sa iyo ng magulang ko? Mga mabubuting tao naman sila"sabi ni Tiffany at tila umiiyak na.

"Hindi mo alam kung gaano kalaki ang kasalanan nila sa akin, mga magnanakaw lang naman ang magulang mo"pagalit na sagot ni Kenzie.

"Baka naman sinungaling ka lang, sige nga nasaan ang matibay na ebidensya mo?"sabat ko dahil nagagalit ako sa kanya.

"Wag ka nang makialam dito, Hyacinth. Kahit anong gawin mo Tiffany, hindi kita papalayain dito. Wag ka nang makiusap dahil hindi rin kita pagbibigyan sa gusto mo. Hindi din kita hahayaang makadalaw sa puntod ng magulang ko bukas"sabi ni Kenzie at naglakad palayo sa amin. Baka nagmakaawa sa kanya si Tiffany na palayain siya kaya sila nag-uusap dito.

Naaawa ako kay Tiffany, dapat hindi na lang siya nagmakaawa sa lalaking iyon. Umiiyak pa rin siya kaya niyakap ko siya. Bumalik na rin kami sa dorm at buti na lang at tumigil na si Tiffany sa pag-iyak. Sumama rin sina Harrence at Wallace sa amin papunta dito sa dorm, ihahatid daw nila kami.

Kakatapos lang naming maghapunan, nakaakyat na kami sa Ikalawang Palapag kung nasaan ang dorm namin at nakita namin si Terrence na kausap si Lauren, magkakilala silang dalawa? Napansin nila kami, nakangiti si Terrence pero nakapoker face lang si Lauren, tumingin siya sa amin, pero nang mapadako ang tingin niya kay Tiffany, biglang nagdilim ang ekspresyon niya, magkaaway ba sila?

"Magkakilala kayong dalawa?"tanong ni Wallace.

"Hindi, tinanong ko lang kung anong pangalan niya kasi ang ganda niya, pero mukhang hindi niya ako type eh. Gwapo naman ako ah"sagot niya habang nakangiti.

"Hindi ako interesado sa lalaking ito, mag-ingat kayo, hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan, kahit na sila pa ay kaibigan niyo"sabi niya at lumakad na palayo. Napakamisteryoso niya talaga, bakit lagi siyang nagsasabing mag-iingat kami? Sino kaya yung tinutukoy niya sa sinasabi niya?

"Napakamisteryoso talaga ng taong yun, pansin ko lang. Gwapo naman ako pero hindi tumalab ang pamatay kong charms sa kanya"sabi ni Terrence. Mahangin din to,kagaya ni Harrence.

"Baka pangit nag tipo niya sa mga lalaki, di bale Rence, marami pa namang mga gulls diyan"nakangising sagot ni Harrence. Isa pa itong lalaking to.

"Mga mahangin talaga kayo"sambit ni Yeisha habang nailing.

"Siyempre, nag-iisa ka lang sa akin, Yeisha-babes"sabi ni Harrence sabay kindat. Namula naman si Yeisha sa sinabi ni Harrence. Tumuloy na kami sa paglalakad papunta sa dorm namin at umalis na sina Harrence, Wallace, at Terrence.

Terrence's POV


Hello *kawa-kaway*, first time kong magkaroon ng Point of View dito, pero ito na rin siguro ang magiging last POV ko, my first and last. Depende, kung magbabago ang isip ko. Parehas kaming gwapo ng pinsan kong si Vaughn, diba? XP

Malaki ang papel namin ni Lauren sa buhay ng pinsan ko at ng mga kaibigan niya. Aaminin ko, nagsinungaling lang ako sa kanila, dahil ang totoo ay matagal na kaming magkakilala ni Lauren. Buti nakisama si Lauren sa pagsisinungaling ko kanina. Magkaibigan na din kami, buti na lang at kumbinsado sila sa sinabi kong kasinungalingan ko, lalo na ang pinsan ko. Madali pa naman nun malaman kung nagsisinungaling ako, pero kailangan kong galingan ang pag-arte o pagsisinungaling, delikado na baka malaman niya ang totoo.

Sa unang pagkakita ko kay Tiffany, mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan. Alam kong siya yung tinutukoy ni Lauren sa sinabi niya kanina bago umalis. May pinag-usapan kaming importante pero hindi ko muna sasabihin.

Alam kong naguguluhan na kayo at may mga nabubuong tanong sa isipan niyo, pero may takdang panahon para malaman ang lahat ng kasagutan at lahat ng sikreto. Alam kong hindi mabuwag ang samahan nila Vaughn sa pagharap nila sa mga matitinding problema habang nandito pa sila.

Pero ang totoo niyan, mas matindi at kumplikado pa ang haharapin nilang buhay pagkalabas nila dito sa kulungan o Compound.

( Kinabukasan) ______

Hyacinth's POV

Tanghali na ngayon at kakatapos lang namin managhalian, kaarawan pala ngayon ni Tiffany at nabati na namin siya kaninang umaga. Hinahanap namin siya ngayon, tiyempo pa na may ibinigay si Lester na pagkain at inumin para sa akin kaninang umaga. Ibibigay ko na lang kay Tiffany bilang regalo ang kalahati sa pagkain na Spaghetti at 1 Pepsi na nasa lata.

"Uy pepsi, si Wallace ang Commercial model niyan last year ah"sabi ni Harrence nang ipakita ko sa kanila ang ibibigay namin kay Tiffany.(Nasa multimedia)

"Oo nga, naging adik tuloy ako diyan"sabi ni Yeisha. Oo, naging adik yan, dahil sa fangirl siya ni Wallace. Nang mapanood niya ang Commercial ng Pepsi, naghanap agad yan sa tindahan ng Pepsi at araw-araw siyang nabili, pero nabili din ako minsan.

Sinabi ko na ibibigay namin ito kay Tiffany at sasabihin naming galing sa aming lahat yung ibibigay namin.

"Bakit ako walang regalo noong birthday ko na galing sayo Hya?"tanong ni Wallace at napasimangot ako sa tanong niya.

"Wag ka nang sumimangot, ang makilala ka, yun na siguro ang isa sa mga pinakamagandang regalo sa akin pati na ang masilayan ka ara- no, nevermind what I've said"sabi niya at umiwas ng tingin. Namumula ang tainga niya at napansin ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. May naramdaman na naman akong kakaiba sa tiyan ko, o sa dibdib ko? :3

"Wow, gumaganon ka dude, nice one dapat tinuloy mo na"pangungulit ni Harrence sa kanya. Namataan namin si Tiffany na naglalakad papunta dito, pero bakit nakayuko siya habang naglalakad? Nasa tapat na namin siya,

"Happy Birthday" sabi namin pero nang iangat niya ang mukha nya, nakita namin an umiiyak pala siya. Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya dahil niyakap niya si Wallace.

"P-pwede bang hayaan mo muna akong yakapin ka? I need a support, kaarawan ko ngayon pero namimiss ko na ang magulang ko at hindi ko sila mabibisita sa sementeryo"sabi niya at isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ni Wallace.

Bigla na lang akong nalungkot dahil sa nakikita ko, dahil sa sinabi niya at pati na rin sa pagyakap niya kay Wallace. May naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko, nagseselos ba ako?

.

.

.

.

Her First Love in Jail [unedited]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora