Chapter 49

1.3K 47 6
                                    

Hyacinth's POV


"Sige magtatanong na ako, saang school ka galing noong Nursery, Kinder, Preparatory, Elementary at High School?"-pagsisimula ni Wallace.


"Simula Nursery hanggang Elementary, nag-aral ako sa St. Claire Elementary School at hindi ako top student. Lagi na lang akong pang-13 sa ranking. Noong Highschool naman, nag-aral ako sa Tooko National High School. Pang-15 naman lagi ang rank ko doon sa Section namin, eh ikaw?"tanong ko din sa kanya.


"Since Nursery hanggang High School, nag-aral ako sa St. Paul Academy. Lagi naman ako ang top 1 doon maliban noong Grade 3 ako, pang top 3 ako kasi 1 buwan akong absent dahil sa sakit"sagot niya.


"Ah, okay lang yun ang astig mo nga eh hanga ako sayo ang talino mo"sabi ko nang may pagkamangha.


"Salamat, magsasabi ako ng karamihan tungkol sa sarili ko. Ang buong pangalan ko ay Wallace Vaughn Alexanderson Matteson. 19 years old at alam mo na kung kailan ako ipinanganak. Never akong nagka-girlfriend at marami na akong nireject na malalanding babae na gusto akong maging boyfriend. May Facebook, Email, Twitter, Youtube, at Instagram account ako pero pili lang yung mga friends at fina-follow ko. Hindi ako mahilig mag-selfie, kasi mag gusto kong picturan ang ibang bagay. Mahilig ako sa photography, pag drawing, mag gitara, kumanta, sumayaw at umacting. Tahimik ako, kasi para sa akin nakakapagod magsalita, matakaw sa pagkain, mahilig matulog, may hilig sa panonood ng anime at movie. Marunong akong magluto at ayoko ng cucumber, paborito ko naman ang Adobo, Noodles na meat flavour, favorite flavour ko ng ice cream ay vanilla. Hindi ako sociable kaya kaunti lang ang kaibigan ko, hindi ko nga alam kung paano nagtagal ang pagkakaibigan namin ni Harrence kasi napakakulit niya, madaldal, maharot sa mga babae pero sobrang pinahahalagahan ko siya at kung sino man ang manakit sa kanya ay magigilitan ko sa leeg kung gusto ko. Black ang favorite color ko, hindi ako malapit sa tatay ko kasi alam mo na. May banda akong sinalihan simula Elementary at sumasali kami sa mga competitions sa school pero pansamantala muna kaming tumigil to prioritize our studies. Ang pangalan ng banda namin ay Infinite, kapangalan ng isang sikat na K-pop group sa South Korea at pansin kong kamukha ko si Kim Myungsoo or L ng k-pop group ng Infinite, pati si Harrence, kamukha niya si Nam Woohyun ng Infinite k-pop group"-Wallace.


"Uy, Inspirit ako, astig yung Infinite eh magaling silang kumanta at sumayaw kahit live. Yung mga reality shows nila nakakatawa sobra!"pagsingit ko dahil fan ako ng Infinite. Si Kim Myungsoo bias ko :3


"Hindi ako fan pero gusto ko ang style ng music ng Infinite, halos lahat ng kanta ng K-pop group na iyon ay gusto ko at ginagaya ko rin yung dance steps nun sa pamamagitan ng panonood ng Dance Practice nun o ng live performance. Apat kami sa banda namin; ako ang main guitarist. Si Harrence ay assigned sa keyboard at siya ang main singer. Si Terrence, yung pinsan kong madaldal, siya naman ang drumist. At ang nerd na tahimik din na si Cliff, ang kakilala ni Terrence na school mate natin pero napalapit kami sa kanya, siya ay main guitarist din katulad ko at siya ang pinakabata sa banda, pero 2 buwan lang yung agwat ko sa kanya. Wala kaming leader"mahabang kwento niya.


"Ang course ko ay alam mo na, BS Civil Engineering. Mas gusto ko ang tag-ulan kaysa sa tag-araw. Wala akong kahit anong sakit, hindi ko naranasang magpa-opera. Ang most embarassing moment ko ay ang pagkadulas ko sa harap ng maraming tao, kasi nagpeperform ako ng hiphop dance kasama ang 6 kong kaklase at sobrang dami ng taong nanonood sa amin. Hindi ko alam kung bakit madalas akong madulas noong Grade 9"sabi niya na halatang nahihiya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now