Chapter 31

1.4K 51 0
                                    

Hyacinth's POV

Bigla kong narealize na dapat hindi ko yun sinabi, nakita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa sinabi ko. Pero hindi rin naman niya ako masisisi, ngayon alam na niya ang pakiramdam nang ganun. Dapat hindi ko na lang pala sinabi yun kasi mali at masama yun. Nakokonsensya tuloy ako dahil halatang nasaktan siya sa sinabi ko, tinignan ko si Kenzie at nakita kong nakangisi siya.

"Kasalanan mo to, Kenzie, kating-kati na ang mga palad ko na suntukin ka pero pinipigilan ko dahil alam kong may batas dito sa Compound. Nang-utos ka pa talaga ng taong sisira sa gitara ng pinsan ko"pahayag ni Terrence na ikinagulat ko, ako nga hindi ko alam, paano niya kaya yun nalaman? Hindi naman sinungaling si Terrence kaya maniniwala ako sa kanya.

Tumingin ako kay Kenzie at medyo nanlaki ang mata niya na napalitan ng ekspresyon na nalilito.

"Anong sinasabi mo? Bakit ako ang pinagbibintangan mo?"sabi niya habang  masama ang ingin kay Terrence.

"Sinungaling, wag mo nang itanggi dahil umamin naman na ang napag-utusan mong si Jackson. Sinadya mong puntahan at ilabas  si Hya para mapalapit ang loob mo sa kanya dahil mapagbibintangan siya ni Vaughn na magreresulta sa away nila. Timing pa sa oras na hihiramin sana ni Hyacinth yung gitara ng pinsan ko, para siya yung mapagbintangan na sumira nun"nakapoker-face na sabi ni Terrence.

Nakayukom ang kamao ni Wallace, alam kong galit na siya, napakahalaga pa naman ng gitara na yun sa kanya.  Halatang gusto na niyang sapakin tong si Kenzie, kaya lang niya yun nagawa para magbago ang pagtinign ko sa kanya. Buti na lang nalaman agad ni Terrence ang totoo, bwisit ka talaga, Kenzie. Sa inis ko, tinapakan ko ang paa niya at sinipa ko ang kanyang 'junior o birdie' dahilan para mapaluhod siya. Buti nga

"Umalis ka na dito ngayon na, bwiset ka!"sigaw ko.

"Kahit na saktan mo ako, ayos lang, pero babalikan kita"sabi ni Kenzie at iika-ikang naglakad palayo sa amin. Pero bago pa siya tuluyang malwala sa paningin namin, napansin ko ang ngisi niya sa labi habang nakatingin nang masama kina Terrence at Wallace.

Ngayon ay kaming tatlo na lang ang nandito, nawala na rin ang galit ko kay Wallace pero parang nahihiya akong tumitig sa kanya.

"Sorry ha /I'm very sorry"sabay naming sabi. Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Sumaya na tuloy ako kasi nagkabati na agad kami at nakaramdam ako ng mga nagwawalang pakiramdam sa dibdib ko.

"Sorry sa nasabi ko ha, binabawi ko na yun, kaibigan kita, mahalaga ka sa akin, mas matutuwa ako kung pipigilan mong makipagdate si Kenzie sa akin kasi ang totoo niyan ikaw ang gusto ko maka——"napatakip ako sa bibig ko dahil muntik ko nang masabi na gusto ko siyang makadate.

Kahit na kilala ko na siya noon sa pangalan dahil sa sikat siya, hindi ko siya pinagpantasyahan pero nang makilala ko ang tunay na siya dito, medyo nakaramdam na ako ng kakaiba, yung nararamdaman mo kapag nagkakagusto ka, pero hindi pa ako sure.

"Thank you and I'm very sorry sa sinabi ko kanina, hindi naman ikaw yung tinutukoy ko na peste, si Kenzie at dad yung tinutukoy ko. Kinonpronta namin siya ni Terrence sa dorm niya, si Jackson. Namangha nga ako kasi nalaman agad ni Terrence na si Jackson ang may gawa nun, tinignan lang niya yung sira sa gitara ko at yung ingay ng pagbai o paghampas  na narinig niya sa kabilang dorm, which is Jackson's dorm. Alam kong isa lang to sa mga pagsubok na haharapin nating dalawa"sabi niya habang yakap pa rin ako. I hugged him back.

Her First Love in Jail [unedited]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα