Chapter 54

1K 45 4
                                    

Terrence's POV

Hindi pala yung dati ang last POV ko hay. Kinakailangan lang talaga. Binigla ko ang pagbukas ng pintuan sa dorm ni Vaughn.Nakahubad nga si Tiffany. Nakaka-enjoy ang view pero ang pangit. Para siyang isang maduming babae.


"Ano pong ginagawa niyo dito? Busy kasi kami ng pinsan mo"sweet niyang sabi.


"Umalis ka na dito ngayon na. Hindi naman ikaw ang girlfriend ng pinsan ko"sinamaan ko siyang tingin.


"Oh sigurado ka? Hindi ka lang updated kasi kaka-confess pa lang niya sa akin"pinagmamalaki niyang sabi.


"Sinungaling. Lumabas ka na kung ayaw mong kaladlarin pa kita. Wala akong pake kung babae ka"pagbabanta ko.


"Wag kang magbanta hindi mo naman talaga yan gagawin"nagtatapang-tapangan niyang sabi.


"Talaga, naghamon ka pa"pinulot ko ang damit niya at ibinato sa pagmumukha niya.


"Wag kang iiyak sa gagawin ko ha, kasi papangatawanan ko ang binitawan kong salita. Ayaw mong maniwala eh"nakangisi kong sabi habang nalapit sa kanya.


Halatang natakot siya kaya sumigaw siya at tumakbo palabas. Hindi pa naman niya nasuot damit niya. Tinignan ko si Vaughn at tulog siya. Nagtataka ako kung bakit ginawa nila iyon o si Tiffany lang ang nagawa ng kalaswaan. Tulog kasi si Vaughn eh, imposible namang makatulog siya habang ginagawa iyon.


Nilapitan ko siya at inobserbahan nang maigi. May nakita ako sa gilid niya na isang panyo. Inamoy ko ito, nakakahilo ang amoy kaya inilayo ko ito kaagad sa ilong ko.


Uy medyo immune ako sa amoy na ito kaya hindi agad ito eepekto sa akin. Ito yung droga na kapag naamoy mahihilo ka at makakatulog ka. Pero hindi porket medyo immune na ako doon nagdodroga na agad ako ah, may good boy image ako. Secret ko kung bakit medyo immune ako sa amoy na iyon maliban na lang kung sobrang tapang ng amoy.


Pinaamoy ito sigurado kay Vaughn kaya nakatulog siya. Kailangan ko syang gisingin pero hindi agad siya magigising sa pamamgitan ng pagyugyog. May gamit pala ako sa bulsa ko na kapag inamoy ay sobrang anghang na menthol, galing sa first aid kit kanina na nailagay ko sa bulsa ko. Ang galing ko talaga.Inilagay ko agad ito malapit sa ilong niya para masinghot ang amoy at magising.


Nagising na siya at nagtatakang tumingin sa akin.


"Nasaan si Tiffany?"pambungad na tanong niya.


"Pinalabas ko, siya ang may gawa nito sayo tama?"sagot ko.


"Oo, buti at napansin mong napatulog niya ako. Humanda lang yan sa akin. Anong oras na? Gusto kong puntahan si Hya"tumayo siya.


"Not now dude, may nangyari kanina noong pinatulog ka ni Tiffany na hindi maganda"umiiling kong sagot.


"Nagpadala siya ng note na kunyari ay galing sayo. Pinapunta niya dito si Hya at nakita niyang may ginagawang SPG sayo si Tiffany habang tulog ka. Ang akala niya nakikipag-sex ka kay Tiffany kasi gusto mo si Tiffany"sabi ko at nagkamot ng batok.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now