Chapter 15

2.1K 68 2
                                    

Harrence's POV

Kanina pa malamya tong si Wallace, ngayong nagllilinis kami, halatang naaantok na siya. Habang nagwawalis, papikit-pikit ang mga mata niya kaya nilapitan ko siya at kinuha ang walis sa kanya.

"Wag ka na munang maglinis, matulog ka na muna. Baka mamaya matumba ka pa"sabi ko.

"Okay, thanks"umalis na siya at pinagpatuloy ko na ang paglilinis.

Pagkatapos maglinis ay nagbell na, hudyat na tapos na ang paglilinis. Pinuntahan ko si Wallace sa dorm at naabutan ko siya sa banyo, naliligo na kaya siya? Nakabukas ang banyo at naabutan ko siyang nakaupo sa sahig at natutulog.

"Uy maliligo ka ba?tinapik ko ang pisngi niya.

"Oo, labas ka na"tumayo siya kaya lumabas na ako. After 20 minutes, lumabas na siya at ako naman ang naligo.Pagkatapos ko, bumaba na kami para kumain ng pananghalian.

Pumasok agad kami sa dorm pagkatapos kumain at maya-maya ay dumating sina Hyacinth, Yeisha at Tiffany.

"Okay ka lang ba?"pambungad ng kaibigan kong Semi-Zombie (Wallace) kay Hyacinth, worried talaga siya kay Hya, pero kung titignan si Hya, parang okay lang naman siya eh, matatag siya.

"Ano ka ba, okay lang ako, alalahanin mo ang sarili mo, para kang Panda eh"sagot niya kay Semi-Zombie XD

"Hanga ako sa katatagan mo, pero alam kong hindi ka pa masyadong okay. Medyo naiilang ka nang humarap sa mga lalaki"sabi naman ni Yeisha.

"Tama, pero kadalasan kasi yung iba para nang baliw na maya-maya ay iiyak nang walang dahilan, tulad ng kaklase kong muntik na ding marape"dagdag ni Tiffany.

"Hindi ka ba naiilang sa amin?"tanong ni Semi-Zombie Wallace.

"Hindi, mga kaibigan ko kayo eh, matulog ka na lang diyan, para hindi ka na panda"sagot ni Hya, tama naman siya.

"Mag-uusap-usap muna kami habang tulog ka, hindi mo naman maririnig yung pag-uusapan namin eh, tulog-mantika si Wallace guys"sabi ko nang nakangisi. XD

Tinignan niya ako with 'wag kang madaldal' look, hahaha, bawat pagtitig niya kasi may mensahe. Tinignan ko din siya with 'tulog ka na' look.

Naguusap kami habang natutulog si Semi-Zombie hohoho, dagdag pogi points din to at puro chicks ang mga kausap ko, hanep XD. Pagkatapos ay nagsibalikan na sila sa dorm dahil gabi na, pero tulog pa rin si Wallace. Maya-maya ay tumunog na ang bell, hudyat na kakain nan g hapunan. Ginising ko naman si Wallace at pagkatapos maghapunan, kanya-kanyang gawa na, basta ako, maglilibot muna sa Female's dorm bago matulog, para tumingin kung maraming chicks. XD

____________(Kinabukasan)

Nagising na ako at naligo kaagad, 8 AM na at tulog pa rin si Wnallace, lumiit na ang eyebags niya kaya hindi na siya Semi-Zombie. Laging ako ang Human Alarm Clock niya kasi kapag yung mismong Alarm Clock, ihahagis niya yun kaya masisira. Eh ako, hindi naman niya ako mahahagis basta may iba't-iba akong paraan para gisingin siya.

#1: No effect sa kanya ang pagsigaw, kaya kumuha ako ng Spray na may tubig. Inispray ko ito sa mukha niya habang nakanta ako (uy, magaling kaya akong kumanta)

Kung sakaling hindi ito uubra sa kanya, sisigaw ako ng 'SIRA NA ANG GITARA MO' kasi babangon agad yan.

Inisprayan ko na ang mukha niya, kumanta na ako at sumigaw ng SIRA NA ANG GITARA MO.

"Mamaya na, sinungaling ka naman alam kong hindi yun masisira"sabi niya. Hindi effective ah, kaya naman nag-isip ako ng pwedeng sabihin. Alam ko na, sana effective to, gagamitan ko ito ng acting skills ko. Binuksan ko kunyari ang pinto at nagboses-babae.

"Harrence, tulungan niyo kami, nawawala si Hyacinth"ginaya ko ang boses ni Yeisha-babes (I'm good at imitating voice) XD

"Ano, nanaman?"hinihingal kong sabi at pinipigilan kong tumawa.

"WALLACE, NAWAWALA NA NAMAN SI HYACINTH, BAKA KUNG ANO NA ANG NANGYARI SA KANYA"natataranta kong sabi. Agad-agad siyang bumangon at hinagis pa ang kumot, mukha siyang natataranta.

"What, again we sh--"hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tawa na ako ng tawa. Effective, sabi na nga ba, genius talaga ako, si Hya kasi ang unang nagpop-out sa isip ko na gamitin bilang alarm kay Wallace.

"Whahahaha!!Joke lang Wallace!!"napahiga na ako sa sahig sa kakatawa. Laughtrip kasi yung face expression niya, may muta-muta pa at panis na laway sa gilid ng bibig niya!!! XD

"That imitating and acting skills again, you're not funny"sabi niya sa akin at binatukan ako. Bumangon ako at nagkamot ng ulo.

"Effective, bagong alarm ko yun para sayo. Halatang masyadong worried kay Hya, may gusto ka siguro sa kanya"sabi ko sabay tawa nang pagkalakas-lakas ulit.

"Tumigil ka na nga sa pagtawa, sisipain na kita pababa eh"naasar niyang sabi.

"Oh eto na ho titigil na, maligo ka na, baho mo eh at bagong ligo pa ako"kinuha ko na ang tuwalya niya at tinulak siya papasok sa banyo.

Nang tumingin ako sa kalendaryo, 2 days na lang pala at birthday na ni Wallace, 18 pa lang siya eh, 19 na siya sa Birthday niya. Nalaman ko kahapon na magkabirthday kami ni Yeisha-babes, March 13 naman ang kay Hyacinth at June 28 si Tiffany pero pinanganak kaming lahat sa taong 1996.

Sigurado akong malulungkot na naman siya kapag naalala niya na malapit na ang kaarawan niya. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba na kami para kumain ng almusal at naglinis na.

"Magandang umaga sayo idol, malapit na birthday mo ah"sabi ni Tiffany, bigla namang nalungkot si Wallace. Anak ng tinapa, dapat di mo pinaalala, madaldal din ang isang ito kahit na sinabi ko na kahapon na wag ipaalala.

"May nasabi ba akong mali?"tinignan ko nang masama si Tiffany.

"Di mo na dapat pinaalala, diba sinabi na namin kahapon. Hindi rin namin alam ni Yeisha ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalala ang kaarawn niya"sagot ni Hyacinth.

"Sorry"sumimangot si Tiffany, lahat kami ay nakatingin kay Wallace na parang nakadrugs kasi nakatulala.

"Para kang nakadrugs ah, okay ka lang?"tanong ko.

"Nevermind"sagot niya at lumakad palayo sa amin. Sabi na nga ba at mangyayari to ulit, taon-taon na itong nangyayari sa kanya.

.

.

.

.


Her First Love in Jail [unedited]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin