Special Chapter 4: Bromance

2.2K 51 12
                                    

Wycliffe's POV


Nalilito ako sa sarili ko, aaminin kong naging crush ko si Ate Yeisha pero may gusto ako sa bandmate ko na kaibigan ko din, na isang lalaki din. Si Ashleigh (pronounced as Ashley).


Yung Cliff pala na kaband-mate nina Kuya Wallace, hindi ako yun, kaibigan ko yun na kaedad ko at ka-birthday ko, si Clifford. Cool noh kasi magkabirthday kami?


Palagi na lang akong lutang sa band rehearsals namin. Humahanap din ako ng tiyempo kung kailan ko ito pwedeng sabihin kay Kuya Wallace at Ashleigh.


Matagal na akong nalilito kasi nagustuhan ko pa since 2010 si Ashleigh, ang weird kasi nagkagusto ako sa kaibigan kong lalaki.


Nasa band rehearsal ako ngayon kasama si Ashleigh. Christmas Vacation namin ngayon pero may sakit siya, pero umattend pa rin siya sa rehearsal namin kasama sina Dylan at Kyle. Sa band studio ko lagi kami nagrerehearse.


Si Ashleigh ang main singer namin sa banda, at halatang pinipilit niya ang katawan niya para lang makapagrehearse kaya't binabantayan ko siya. Nag-aalala kami sa kanya.


Nang matapos ang pagpractice namin ng isang kanta, napansin kong mas lalong namumutla ang mukha ni Ashleigh. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya at tumalikod siya sabay lakad palayo.


Hindi talaga siya mahilig magsabi kung ano ang nararamdaman niya.


"Uy Ash saan ka pupunta?"tanong ko at napansin kong napatigil siya sa paglakad.


Humawak siya sa pintuan at yumuko siya. Nahihilo ata siya.


"Ayoth ka lang ba?"tanong ni Dylan na medyo bulol sa 's' hahahahahahahaha. 


Malamya niyang itinaas ang kamay niya at nagthumbs-up. Alam kong hindi siya okay kaya't sinundan ko siya.


"Shit!" napatakbo ako papunta sa kanya nang matumba siya at sinalo ko siya. Hinimatay siya.


Tinapik ko ang pisngi niyang maputla pero hindi siya nagising.


"Isantabi muna natin ang rehearsal natin, next week na. Kailangan niyang magpagaling, alis na kami Wycliffe"sabi ni Kyle.


"Sige salamat, ako na ang bahala sa kanya"tumango lang sila at umalis.


Binuhat ko na siya papunta sa kwarto ko sa bahay. Magaan lang siya kaya't madali ko lang siyang nabuhat.


Alam ko kung ano ang dapat gawin sa taong may sakit kaya't isinagawa ko ito sa kanya, katulad ng ginagawa sa akin ni mama noong buhay pa siya :/


Sobrang init niya kaya't chineck ko ang body temperature niya gamit ang thermometer. 39.4°C. Mataas ang lagnat niya.


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now