Chapter 59

1.4K 57 6
                                    

Hyacinth's POV


"Ang ganda ng joke nila ayos, bakit napasama ka doon dude?"-Harrence.


"Buwisit naman sila ang sarap nilang kotongan!"-Yeisha.


Nakatunganga lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Siguradong si Kenzie ang may gawa nito. Kailangan ko siyang makausap ngayon.


"Wag kang umiyak Hya"may yumakap sa akin, si Wallace. Umiiyak ako?Oo nga basa yung pisngi ko ng mga luha. Naiyak pala ako.


"Tiwala lang guys, hindi malilipat si Vaughn"sabi ni Terrence na nasa harap namin.


Niyakap ko rin pabalik si Wallace at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya. Para naman akong namatayan sa sobrang lungkot, kainis.


"Kung sakaling ililipat ako, magkikita pa rin tayo. Makakalabas din tayo agad at magkikita tayo sa University na pinapasukan natin"mahinang sabi ni Wallace.


"Oo naman, hahanapin kita agad kapag nakalabas kami dito"sagot ko.


"Dude, wag mo akong iwan. Mawawalan ako ng buko, kasi ikaw ang buhay ko pppfffttt hahaha pinapatawa ko lang kayo"banat ni Harrence pero si Terrence lang ang tumawa.


"Wala na akong karibal sa kagwapuhan! Joke lang Vaughn pero ang sabi ng instinct ko hindi ka malilipat"sabi naman ni Terrence.


"Tara maglinis na tayo, may mga gagawin pa tayo para maging masaya ang araw na ito"sabi ni Wallace pagkabitaw namin galing sa yakapan.


Tumango lang kaming lahat, nakangiti kami pero halatang naiyak ang aming mga mata. Naglinis kaagad kami para maagang matapos at nananghalian. Sana dumating si Kenzie dahil kakausapin ko siya. Lunch break ni Wycliffe sa paaralan pero dumaan siya rito para ibigay ang mga pagkaing binili niya. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagulat nang sabihin naming malilipat si Wallace sa isang kulungan. Parehas sila ng sinabi ni Terrence na hindi ito mangyayari. Sana nga.


Kainan, naglaro at nng sumapit ang alas kuwatro ay umalis na sina Terrence, Harrence at Yeisha. Naiiyak ako dahil hindi ko pa nakikita si Kenzie at may 2 oras na lang na natitira. Ang bilis tumakbo ng oras.


"Wag kang magmukmok diyan, may ipapakita ako sayo. Tignan mo"masaya niyang sabi at may inabot sa akin.


Sketch book niya.


Binuklat ko ito at tinigtigan ang bawat drawing na nandito, lalo na nang makita ang drawing namin na magkaharap sa ilalim ng buwan. Ito ang first date namin. Ang ganda, bawat detalye ng drawing niya ay makikilala mo kaagad.


Sa pinakahuling drawing, pero makapal pa yung bakanteng pahina, parang nagsisilbing journal niya ang Sketch book na ito pero pa drawing naman, hindi pasulat.


Yun ang hindi ko malilimutang araw. December 7, 2015- ang araw na naging kami na.


Her First Love in Jail [unedited]On viuen les histories. Descobreix ara