Chapter 52

1.1K 48 14
                                    


A.N of PV: Advance Merry Christmas!! Ang ganda ng 1st Episode ng Infinite Showtime!! Sayang wala pang Eng Sub yung Episode 2.


Hyacinth's POV


Habang nakikipaglaro ako kina Terrence at Lauren ng jackstone, naisipan kong umalis para puntahan si Wallace, parang sobrang tagal ko na kasi siyang hindi nakita namimiss ko na siya agad-agad parang ewan lang no? Inlove na talaga ako sa kanya eh pero tiis-tiis muna kasi baka hindi niya ako gusto, masakit umasa na baka hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.


"Alam kong kanina ka pa naiinip, namimiss mo na pinsan ko eh. Hanapin mo na siya, kami na lang ni Lauren ang maglalaro ng jackstone"hindi ko inaasahang kaibigan niya pala si Lauren, kanina ko lang nalaman mula sa kanya eh.


"Sige lang go lang, kainis talaga tong lalaking ito hindi naman ako naglalaro nitong pambatang jackstone, din-"reklamo ni Lauren kay Terrence at ningitian ako nang matipid.


"Shhh, hindi lang naman pambata ang jackstone ha, kahit nga matatanda tulad ng lola ko mahilig maglaro nito eh. Diba nga kaibigan kita kaya maaasahan kita sa lahat ng oras, para naman may kalaro ako kasi masaya kang kasama"pa-sweet na sabi ni Terrence habang nakalagay ang palad niya sa bibig ni Lauren.


Napailing ako sa kanya at nag hand gesture pa siya na umalis na ako. Wala eh, maganda si Lauren baka gusto lang niyang pormahan, basta maganda eh.


Binilisan ko ang paglakad papunta sa dorm ng mga lalaki, medyo madilim na gabi na eh.


"Uy success ang transaction ayos ito na yung Shabu at Marijuana!"narinig kong wika ng isang lalaki.


"Sige, babayaran na kita basta sa next week doblehin na natin yung ipabibili mo diyan sa pinagbibilhan mo"sagot ng isa pang lalaki.


"Tama, ibenta din natin ito sa iba nating kasama, lakihan natin ang tubo para kumita tayo"hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng ibang preso dito, medyo kinabahan tuloy ako akala ko wala nang nakakapasok na droga dito at wala nang nagamit yun pala hindi.


"Balita ko dun sa dealer mag ooffer sila ng mga baril next time ah"narinig kong sabi naman sa kabilang dorm.


"Sige ba aabangan ko yun"sagot ng isa pang boses.


Naramdaman kong may mga nakatingin sa akin at bigla silang sumipol. (witwiw- kapag may nadaan na magandang babae)


"Wow chicks, sino ba kailangan mo sa amin Miss, ako ba?"maangas na sabi ng lalaking lumapit sa akin na may hikaw.


"Wala, bakit ko naman sasabihin? Alis ka nga sa harap ko, di kita kilala"sinamaan ko sila ng tingin.


"Tirahin na natin yan pre, sexy at maganda eh. Baka may narinig yan sa mga pinag-uusapan natin kanina kaya ang sama-sama ng tingin sa atin"wika ng lalaking mataba.


Sa kaba ko, bigla akong napatakbo pataas para pumunta sa mismong dorm nina Wallace. Inikot ko kaagad ang door knob at mabuti na lang ay hindi ito naka-lock kaya pumasok agad ako.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now