Chapter 2

5.4K 149 6
                                    

Yeisha on the multimedia...

Hyacinth's POV

Tumingin ako kay gung gong at hinimas-himas niya ang ulo niya. Tumingin din siya sa akin na may nakakapang- asar na ngiti na para bang may binabalak gawin na masama.

"Ouch, what's your problem? Muntikan na akong mapatay dun, panahon nga naman ngayon kahit mga babae na mukhang inosente ay kaya nang pumatay" sabi niya.

Nagulat ako nang pinosasan ako ng mga pulis at pati na rin si Yeisha.

"Sumama ka nalang sa amin Miss at itong kasama mo siguro ay kasabwat mo din, tama?"sapilitan kaming pinapasok sa loob ng kotse ng pulis.

" Hindi po ako mamamatay-tao, si Kenzie po ang may kasalanan nito, siya a-"

"Luma na yang palusot na yan, pareparehas lang ng palusot talaga ung mga kriminal na may sala kay Mr. Ashworth"sabi ng babaeng pulis.

"Sa dami ng kriminal na nagtangkang pagnakawan at patayin si Mr. Ashworth ay nagpagawa na ang nanay niya ng bukod na kulungan para sa inyong mga kriminal. Kahit na kumuha ka pa ng Lawyer, eh mahahatulan parin kayo ng guilty"sabi ng lalaking pulis habang umiiling.

"Wala pang kriminal ang nakakalusot kay Mr. Ashworth dahil ang Abogado niya ay laging nakakahanap ng matibay na ebidensya. Mukha pa naman kayong inosente pero ganyan pala kayo. Don't judge the book by its cover nga." dagdag pa nito.

" Bakit hindi niyo po yan sabihin sa gunggong na yun?! Dinamay niyo pa ang bestfriend ko eh wala naman siyang ginagawa. Ilang taon ba kaming makukulong kung mahahatulan kaming guilty?" Sabi ko.

"Makakawala lang kayo kapag gusto ni Mr. Ashworth. Wag ka nang magdahilan pa" sagot ng babaeng pulis.

Ha? Eh di ba may nakatakda sa batas kung ilang taon? Bakit sabi nila kung gugustuhin lang ni gung gong? HINDI KO ALAM NA POCKET KNIFE PALA YUN AT WALA AKONG BALAK NA PATAYIN SIYA.

"Pinagtatanggol lang naman po namin ang sarili namin ah, pinaglalaban po namin kung ano ang totoo eh WALA NAMAN PO TALAGA KAMING GINAWA EH!"sigaw ni Yeisha sa pulis at umiiyak na siya.

"Wag niyo kaming gamitan ng pagdadrama niyo"umiiling ang mga pulis. Kailangan kong magtimpi kundi, masisigawan ko din sila. Naikuyom ko ang kamay ko at tumingin kay Yeisha.

" Sorry kung nadamay ka pa sa katangahang nagawa ko"sabi ko kay Yeisha nang may sincerity.

Paano na ang mga magulang namin kung makukulong kami? May bayad pa naman pagpapakuha ng Abogado tapos may tiyansiyang hindi kami makakapasok sa pasukan?

Napaluha na lang ako sa naiisip ko, ano kaya ang sasabihin ng magulang namin. Pero kailangan kong ipaglaban ang nararapat at ang totoo.

Pinalabas kami sa kotse at ipinasok na kami sa kulungan.

Maya- maya, nakita namin ang magulang namin.

"Anong nangyari sa inyo? Nakita namin kayo sa balita at ano bang ginawa niyo? Tanong ni mama.

Umiiyak na ako at ikinuwento sakanya ang nangyari at ang sinabi ng pulis. Umiiyak pa rin si Yeisha. Nalulungkot ang mama ni Yeisha dahil sakin ang tanga ko kasi.

"Wag kayong mag- alala, kahit na may bayad ang pagkuha ng Lawyer, gagawin namin mapalabas lang kayo at Hya, wag mo nang sisihin ang sarili mo ha!"sabi ng mama ni Yeisha.

"Naniniwala kami sa inyo anak, di kami magagalit sa inyo. Kung pwede lang na ako ang nandyan gagawin ko para sa iyo. Sa tingin ko, titigil muna kayo ng 1 taon sa pag-aaral dahil sa proseso ng kaso" sabi ni mama. Salamat mama at pinaniniwalaan mo kami.

"Alam ko naman ate na nagkamali ka lang eh, kapag nakita ko ang Kenzie Ashworth na yan lalagutan ko yan ng hininga, bastos pa sya at sana lumaos yun. Babae ka at siya dapat ang makulong"sabi naman ng nakababata kong kapatid na si Lester. 2 taon ang agwat namin.

"Wag mo nang ituloy ang balak mo, baka makulong ka din tulad namin" sagot ni Yeisha.

"Basta hahanap agad kami ng Abogado niyo at mag-iingat kayo dito ah" sabi ng mama ni Yeisha at may ibinigay sa amin na mga pagkain. Umalis na sila at nasa kanila ang mga pinamili namin kanina at ang cellphone namin. Naiwan na kami ni Yeisha dito at 6 PM na pala, nakakabwisit ka talaga Kenzie, sana makatulog kami dito.

Maya-maya ay kinunan kami ng mugshots dahil pinapasabi ng nanay ng gung gong. Ang bilis at ang kaso pa talaga namin ay Attempted Murder.

Habang kumakain kami, nakakatakot ang mga tingin samin ng ibang preso at hindi na lang namin ito pinansin ni Yeisha. 

Unang gabi na walang kahit anong gadgets, mahirap mabuhay nang walang gadgets.

Natulog na ako kahit maaga pa, bukas ko na lang ipagpapatuloy ang panonoblema at pagod na ako.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now