Chapter 40

1.5K 51 13
                                    

A.N of PV: Exams na next week kaya baka next Saturday ang update. Dedicated to hyedenjewellezley, salamat po nang marami sa flood votes at sa comment. :D


Hyacinth's POV

"Uy Sweety Pie, ate Munchie!!"sabi ni Harrence habang nakaway.


Ate, ibig-sabihin kapaid niya, wow ang ganda ng lahi nila pero anyare kay Harrence, napag-iwanan ba? Joke lang gwapo at cute naman si Harrence eh, pero yung ate niya parang Diyosa.


"Hoy tumahimik ka diyan, Rence!! May kasalanan ka pa, wag mo nga akong tawaging Munchie"naiinis na sabi ng ate ni Harrence.


"Ate naman, payakap naman ako pati na din ikaw Sweety Pie ko!!"nakadipa na yung dalawang braso ni Harrence nang bigla siyang kotongan ng ate niya.


"Naman ate, hindi mo ba namiss ang gwapo mong kapatid?"nakangising sabi ng buang na si Harrence, may endearment talaga siya sa ate niya.


"Tumahimik ka na nga muna, teka sino sila Wallace? Ikaw yung matinong kausap eh"tanong niya habang nakatingin sa amin ni Yeisha.


Kilala niya pala sila Wallace? Sabagay, magkaibigan naman sila ni Harrence dati pa eh. Sa ganda ng ate ni Harrence baka may crush si Wallace sa kanya, mas kilala na niya yung ate ni Harrence eh. Kainis, bakit hindi ko mapigilang magselos? Ate naman siya ng kaibigan niya eh pero magkakilala sila eh paano kung may gusto pala si Wallace sa magandang kapatid ni Harrence? Bakit ba ako nag-iisip ng ganitong mga bagay?


"Mga kaibigan namin sila, siya nga pala si Hyacinth (tinuro ako ni Wallace) at siya si Yeisha, type siya ni Harrence (tinuro din si Yeisha)"pagpapakilala niya sa amin.


"Hehe, Yeisha Grace Cipriano po, kaedad lang po namin sila"-Yeisha


"At ako po pala si Hyacinth Castaneda, ang ganda niyo po"pagpapakilala ko, at nakipagshake-hands kami sa kanya.


"As expected, kung gusto ng kapatid kong midget si Yeisha, siguradong gusto mo din si Hya, tama?"tanong ni ateng maganda kay Wallace, hehehe di ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya, sana totoo yun.


Napaiwas ng tingin si Wallace at napansin kong namumula ang kanyang tenga. Ang cute, silence means yes diba?


"Wag mo na akong sagutin, alam kong oo ang sagot mo Wallace, tsaka ako nga pala si Heramiah Fontellar, 24"(nasa multimedia) sabi niya habang nakangiti nang malawak, parehas silang ngumiti ni Harrence, magkapatid nga.


Sana nga tama siya na oo ang sagot ni Wallace :D Hehehe


"Bagay nga sila ni Yeisha kaya ikaw Rence wag kang magloko kundi wala ka nang bahay na mauuwian"kalmado pero may pagbabantang sabi ni Ate Heramiah.


"Ate naman, siyempre hindi, loyal ata ako"confident na sabi ni Harrence.


"Hehe ate Heramiah, hindi pa naman po kami eh"nahihiyang sagot ni Yeisha pero deep inside alam kong kinikilig yan.

Her First Love in Jail [unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang