Chapter 9

2.7K 93 14
                                    

Harrence's POV


"Isang araw, may isang gwapong nilalang na 9 years old ang naglalakad. Bitbit niya ang kanyang Stick-o at may mga gulls na napapatingin sa kanya, ang gwapong nilalang na iyon ay walang iba kundi ako, siyempre, the one and only."ganda ng panimula ko diba? XD

"Go straight to the point na, kapal mukha nito, gwapong nilalang ka dyan, mas gwapo si idol"sabi ni Yeisha. Atws, kumirot konti ang puso ko dun ah.

"Lagi naman eh, pero mas cute ako kaysa kay Wallace"nagpacute ako at pinisil ni Yeisha ang pisngi ko. 

"Namula ang baliw"sabi ni Wallace, namumula na pala ako. XD

"I'll continue"pagapapatuloy ko.


*Flashback*

 

Habang naglalakad ako, napansin kong nasa tapat ako ng isang Sementeryo. May nakita akong batang lalaki na wala sa sarili. Namamaga ang kanyang mga mata at sa sobrang lungkot ng mukha eh parang pasan pasan ang buong mundo. Gwapo din tong batang lalaking nakita ko at magkaedad ata kami nung una kong pagkakita sa kanya. Pero maputla siya, anyare kaya?


Bihira lang akong makakita ng mga batang malungkot, parang gusto ko siyang pasayahin kasi ang sabi ni Sweety Pie (mama), kapag malungkot ang ibang tao, pasayahin natin sila kahit sa simpleng paraan. Isa rin ito sa mga paraan ng pagtulong sa kapwa, lalo na kung nangangailangan sila ng karamay o kaibigan na masasandalan nila. Good boy talaga ako diba? XD


Nilapitan ko ang batang lalaki,


"Uy, gusto mo ba ng Stick-o? Kuha ka oh, gutom ka yata eh"alok ko.


Tinignan niya ako nang masama, sungit naman neto, maswerte siya at inalok siya ng isang gwapong nilalang. Parang pipi, hindi nagsasalita eh baka inaway ng ibang bata kaya nalulungkot. Nakablack t-shirt siya, ang init-init ganun ang suot, nasaan ang lamay?


"Wala ka bang kasama? Nasaan nanay at tatay mo?"tinanong ko siya.


Umiwas siya ng tingin sa akin, nagulat ako dahil napaluhod siya. Dumadaloy ang mga luha sa pisngi niya at biglang humagulgol. Lumuhod din ako sa harap niya para magkapantay kami, anyare sa kanya? Wait lang, nasa tapat kami ng Sementeryo, naka itim na t-shirt ibig-sabihin ay....... galing siya rito at nilibing ang patay na kaibigan, o kamag-anak niya, etc?


Sa pagkabanggit ko ng 'nasaan ang nanay at tatay mo',parang nanay o tatay niya ang namatay, o pareho? Ang galing ko diba? Nagets ko agad kasi genius ako XD


"M-mama, ba-bakit mo ako i-iniwan?"sabi nito at lumakas ang paghagulgol niya. Ibig-sabihin, mama niya ang namatay?


"Eh nasaan tatay mo?"pagtatanong ko ulit at tinignan ko siya. Lalo siyang namutla at nagulat ako nang matumba siya paharap at nawalan ng malay. Buti na lang nasa harapan ako nito kundi untog to sa semento. Niyugyog ko siya pero ayaw magising.


"Uy, gising na, alam kong gwapo ako pero hindi mo na kailangang mahimatay sa harapan ko"pagbibiro ko baka mamaya eh bakla pala siya at nagwapuhan sa akin, joke lang....

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now