Chapter 56 (Part 1)

1.3K 52 12
                                    


Hyacinth's POV


"Oh nandito ka pala, pero wag kang makisali. Mind your own business"masama ang tingin ni Kenzie kay Wallace.


"But I do mind my OWN business, so mind yours. Na-gets mo ba ang ibig-sabihin ko?"nakangiting sabi ni Wallace. Inemphasize niya yung word na 'own'.


Sino kaya yung tinutukoy niyang business?


Tao ata eh pero may parte sa akin na nag-assume na ako yung tinutukoy niyang 'magandang' business :3


"Whatever, ang dami mong alam. Sapakan gusto mo? Bakit ba lagi ka na lang nakikialam? May gusto ka ba sa kanya? Umamin ka"pagalit na tanong ng gung gong na mukha nang gorilla dahil lumalaki ang butas ng ilong :D


"Oo, may gusto ako sa kanya, is there any problem?"seryoso niyang sabi at tumingin sa akin.


"I see, so we're rivals. Tignan natin kung sino ang mananalo at sisiguraduhin kong ako yon"sabi ni Kenzie na nakangiting tagumpay.


Haba ng hair o ng haba na ng hair ko sa kilikili ko dahil matagal nang hindi binunutan? Kasi laging wala doon si Yeisha kaya walang timing para magbunutan kami.


Seryoso ba sila sa sinabi nila o naglalaro lang sila?


"Makukuha ko ang dapat na sa akin lang, lalo na kung alam kong karapat-dapat ako para sa kanya at papatunayan ko iyon sa gawa, hindi sa salita"ramdam kong seryoso siya sa mga sinabi niya.


Biglang nag-init ang pakiramdam ko dahil sa kilig. Parang 'Infinite Effect' ang dating ni Wallace. Kahit na hindi ako nakapunta sa concert nafefeel ko pa rin yun. Hindi nga ako makapanood ng videos nila kasi nakakulong ako. Infinite!! Namimiss ko na sila.


Ako ba talaga tinutukoy niya o hindi?


"Mukhang magiging masaya to. Pagsisisihan mo ang lahat ng sinabi mo sa akin at ang kalabanin ako"naghahamon si Kenzie.


"No one can stop me. Nothing can, at ipaglalaban ko ang aking naglalagablab na damdamin para sa babaeng iniirog ko"nakangising sagot ni Wallace nang nakatingin nang diretso sa mata ni Kenzie.


Bigla siyang nagtagalog nang malalim wow! Tumatalon na ang lahat ng organs ko pati na rin ang mga libag ko dahil sa 'Infinite Effect' na peg ni Wallace. Naglalagablab :3


"Pag-isipan mo ang inoffer ko Hya, bye"mabilis niya akong niyakap kaya hindi na ako nakareact at naglakad palayo.


Dumampot ako ng bato na medyo maliit at ibinato sa ulo niya. Natamaan siya at napamura pa.


"Leche ka baka gusto mong maging baog!"sigaw ko.


Nagflying kiss pa siya pero inirapan ko lang siya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now