Chapter 41

1.2K 48 6
                                    

A.N of PV: Delayed yung final exam, biglang namove next  week. 


Hyacinth's POV


"Ay hindi grabe hindi ka talaga nakaistorbo!!"sarkastiko kong sabi sa bobito, yung male version ng bobita.


"Wow, sarcastic eh. Nga pala ginagawa na yung clinic dito sa Compound para hindi na kailangang pumunta sa ospital kapag may nangyari maliban na lang kung may nagpatayan dito o malalang injury. Baka kasi magbalak kayong tumakas sa susunod"sabi niya.


"Ganon, ang pinapalabas mo masama kaming klase ng tao kaya tatakas kami, eh dapat nga wala kami dito. Edi sana  3rd year College na kami, kung hindi dahil sayo hindi na sana kami nahihirapan dito"mataray kong sabi. Leche siya!!


"Hahaha, kasalanan niyo talaga, hindi ako. Pero ikaw gusto mo na bang makaalis dito? At ikaw naman Wallace, anyare sayo, nasapak ka ba ni Hyacinth? Bakit ang pula ng mukha at mata mo ang sakit masapak ng taong hindi ka gusto tama?"nakasmirk na sabi ni Kenzie.


Ang tanga na nga, tsismoso pa, malamang kapag mapula ang mata ibig-sabihin umiyak, bobo pala to eh. Sinasapak din ba ang tao sa mata? Tanga nito sarap sipain sa bayag niya!! Tumayo na kaming dalawa ni Wallace.


"Tch, bobo mo talaga kahit kailan. Bakit ko sasabihin sayo? Tsismoso ka talaga"naasar na sabi ni Wallace.


"Whatever, sino kaya ang mas bobo sa atin? Halika na nga Hyacinth, magdadate pa tayo"hinawakan niya ang kamay ko at hihilain na sana niya ako palayo.


"Hoy sinong nagsabing sa---"


"Let go of her, hindi siya sasama sayo"hinawakan ni Wallace yung braso ni Kenzie na nakahawak sa braso ko.


"Sino ka para pigilan ako ha? Nagseselos ka ba?"nagngingitngit na sabi ni Kenzie.


"Aw! Shit!"sigaw ni Kenzie at nabitawan niya ako kasi napaluhod siya.


Hohoho, hindi ko na mapigilan ang galit ko kaya sinipa ko na yung birdie niya hohoho sana mabaog na siya habangbuhay :3


"Pffftt hahahaha, yan ang bagay sayo!!"sabi ko na kulang na lang ay lumabas na yung ngala-ngala ko sa kakatawa.


"Ansakit, ikaw pa lang ang nakakagawa nang ganito sa akin, ang lakas mong sumipa, damn!"sabi niya habang nakangiwi ang mukha, hahaha sarap tumawa!


"Naman siyempre basta para sayo, hahaha ang kapal kasi ng mukha mo padate- date ka pa hindi naman tayo, layas ka na dito baka gusto mong doblehin ko yan, ISA!!!"sigaw ko nang may pagbabanta.


"Aalis ako pero sa susunod alam kong hindi mo na ito magagawa pa sa akin at walang makakapigil sa akin,babalikan kita Hyacinth"lumakad na siya palayo habang iika-ika nang parang aso hahaha, laughtrip  wala na akong pake sa pinagsasabi ng baliw.


"Hahahahah, buti ginawa mo iyon sa kanya. Aaminin ko, sumasaya ako sa tuwing sinasaktan mo siya. Mabuti na lang at hindi mo siya nagustuhan, kakaiba ka talaga"natatawang sabi ni Wallace.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now