Chapter 4

4.2K 126 10
                                    

Harrence on the multimedia......

Wallace’s POV

Panira ng araw to, nasa loob ng kotse ang mga bodyguards niya at siya lang ang lumabas. Lampa talaga, sikat din naman ako pero hindi ko naman na kailangan ng bodyguards at sa edad ko ay kaya kong ingatan ang sarili ko.

“Hello friends, kamusta buhay naten? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita”panimula niya.

“Kapal mo ah, okay na sana ang araw namin pero nung nakita na naming pagmumukha mo naging kasuklam-suklam ang araw namin ngayon”sagot ni Harrence.

“We’re not friends”I said nonchalantly.

“Awts, masaket, hindi niyo na ako kaibigan”pinukpok pa niya ang dibdib niya na kunyaring nasasaktan. 

“Whatever, ano kaya ang ginagawa ng magaling na si Wallace Vaughn Matteson sa lugar na ito? Hindi pa naman ito Subdivision at siguradong nagtitiis ka na sa ingay at dumi dito sa lugar na ito kung saan nakatira ang iyong bestfriend na si Harrence”ngumisi siya at marami nang tao ang nakatingin sa amin dahil sa ginagawang eksena ni Kenzie. Malapit na akong mapuno sa mga ginagawa niya. Hinawakan ako ni Harrence sa balikat, sign na hindi ko dapat patulan si Kenzie at wag mananakit.

“Maduming lugar ba kamo, yung budhi mo ang madumi at wag mong sisiraan si Wallace”sabi naman ni Harrence.

“Umuwi ka na kaya sa inyo, lagi kang umaalis sa mansion niyo na parang asong walang may-ari. Pinag-aalala mo lagi si Tito”alam kong alam niya na hindi nag-aalala sa akin si papa. Walang pakialam yun sakin eh kaya parang totoo na walang nagmamay-ari sa akin.

“Hoy sumosobra ka na, mas mukha ka pang aso kaysa kay Wallace” –Harrence

“Sinasabi mo bang mukha akong aso, Harrence?”singit ko.

“Hindi naman Wallace, masyado kang gwapo para maging aso”sabi ng mokong sabay kindat. Tumingin samen nang masama si Kenzie, mukha kasing failed yung magiging plano niya, pero bigla din siyang ngumisi. May iba pa yata tong binabalak.

“Hoy ikaw Kenzie, wag mong ihahalintulad si Wallace sayo”he pointed at Kenzie.

“Wag ba kamong ihalintulad sakin ha Harrence, bakit, naging bastos ba ako sa tatay ko? Namatay ba ang nanay ko nang dahil sa katangahan ko? Kawawa naman si Tito dahil may anak siyang irresponsible at walang disiplina sa sarili. Model ka pa naman pero hindi ka magandang ehemplo sa mga tao”nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. .Fvck this moron

“Siguro nasiyahan ka pa sa panonood sa mga killer na pinapatay ang nanay mo, hindi mo naman nilabanan eh kalalaki mong tao, eh lampa ka p-“I didn’t let him finish on what he’s going to say dahil nagdilim ang paningin ko. Sinapak ko siya ng tatlong beses at kinuwelyuhan. 

Naaalala ko na naman ang nangyari noong gabing namatay ang nanay ko. Bumabalik ang sakit na naramdaman ko noong gabing iyon.

“Matagal na akong nagtitimpi sayo, ngayon lumaban ka, sino sa atin ang lampa, you *ssh*le. I will kill you” sinakal ko siya ng napakahigpit. Ayokong pinag-uusapan ang taong pinakaimportante sa buhay ko, which is mom.

Binitawan ko na siya at sinipa sa tiyan dahilan ng pagtilapon niya sa kotse niya. 

“Tama na, you’re out of your mind”sabi ni Harrence pero di ko siya pinansin.

Sasapakin ko pa sana siya nang biglang may sumapak sa akin. Tss, that’s one of his bodyguards.

Hinawakan ko saglit ang pisngi kong namamanhid, malakas manapak ang isa sa mga bodyguards niya. Nakarinig ako ng sirena na nanggagaling sa kotse ng mga pulis. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. 

“I told you, don’t do that”bulong ni Harrence. Dammit, I’m out of my mind but another part of me says that I should have beaten him up more.

Pinosasan kami ni Harrence at tumingin ako kay Kenzie na hindi na makatayo pero nakangisi sa akin. That means success ang pinaplano nya, damn! Makukulong pa ako, pero bakit kasama si Harrence?

“Mas malala pa to sa kahapon ah, muntikan nang matuloy nitong dalawa ang pagpatay kay  Mr. Ashworth”sabi ng pulis at isinakay kami sa kotse.

“Let Harrence go, ako nalang ang ikulong niyo at hindi naman niya sinapak ang tarantad*ng si Kenzie”habang palayo na ang kotse ay nabasa ko pa ang bukambibig ni Kenzie na ‘goodbye, see you sa kulungan and fvck you’. Immature talaga, pakulong agad, peste .

“Hindi pwede, baka siya ang sunod na magtatangkang pumatay kay Mr. Ashworth, kasabwat mo pa naman tong lalaking to”sabi naman ng lalaking pulis na nagmamaneho. 

“Okay lang Wallace, kung ako din naman ang nasa lugar mo, gagawin ko rin yun kaya ko lang sinabi na wag mong gawin yon dahil ganito ang kahihinatnan. Malay mo, maraming chikababes sa kulungan edi masaya na rin ako. Ako na rin ang pipili para sa yo, hahahah”tumatawa pa ang lokong si Harrence. Alam kong pinapatawa niya lang ako.

“Sorry”sagot ko kay Harrence.

“Aw, natotouch naman ako sayo”sabi ng baliw.

“Seryoso ako, ano ba”tinignan ko sya nang masama.

“Alam ko, pero, gutom pa ako, hindi ko pa ubos ang chichirya, pati ang manok na ibinigay mo sa amin. Wala ding Stick-o, hindi ko kayang mabuhay sa kulungan na wala ang Stick-o. Paano na si Sweety Pie (mama) ko? Malulungkot siya”magdrama ka pa, Harrence.

“STICK-O KO!!! PENGE AKONG STICK-O YUNG 2 YEAR SUPPLY!!!”sigaw ng baliw kaya’t napatakip ako sa tainga pati ang mga pulis.

“Isip-bata, baliw ka talaga”sabi ko at sinapok siya. Buti na lang at walang kibo ang mga pulis.

Nasa tapat na kami ng Police Station at ipinasok na kami sa kulungan. Hindi namin dala ang mga cellphone namin na naiwan sa bahay ni Harrence.  

“Wow, ang gwapo naman ng bagong mga preso ditto ah”sabi ng isang lalaking nasa mga middle age.

“Thank you for the compliment pre, teka, dito ba nakakulong ang mga may kasalanan kay Kenzie?”tanong ni Harrence.

“Oo”sagot ng isang lalaking mas bata sa amin. 

Hindi obvious, marami kami dito eh akala ko lahat ng criminal sa lungsod namin. 

“Bukas na pala, ililipat na tayo sa compound na para sa mga may kasalanan sa gag*”sabi ng lalaking halos kaedad din namin.

“Wow, bongga special ah, pinagawa pa siguro yan para satin”ngumiti si Harrence, loko to ah.

Nasa tapat namin ang kulungan ng mga babae. Marami-rami din sila, nakita ko pa yung 2 babaeng pinakita sa balita na kakahuli lang kahapon dahil sa kaparehong kaso namin. Napatitig ako dun sa babaeng medyo kulot ang buhok, maganda siya pero halatang malungkot siya.

“Oy Wallace, kakina ka pa titig na titig sa babaeng maganda ah, siya na ba ang irerekomenda ko sayo? Basta saken ung kasama niyang babae ha”istorbo si Harrence.

Binatukan ko nga, sana malala ang natamong galos ni Kenzie sa pagkakabugbog ko, dahil sa kanya, maraming nalulungkot sa kulungan na ito. Bigla na lamang lumabas ang babaeng tinititigan ko sa kulungan at may naghihintay sa kanyang lalaki sa labas…..

.

.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now