Chapter 11

2.7K 79 4
                                    

Harrence's POV


Kinabukasan, nakasalubong namin sila habang naglilinis, ningitian nila ako pero iniwasan nila si Wallace. Nakasimangot nga siya habang kumakain kami ng tanghalian. Maya-maya, napagdesisyunan na naming pumunta sa dorm nina Yeisha at Hya kasi malapit nang mag one ng hapon.


Katulad ng inaasahan, pinagtitinginan kami ng mga gulls at yung iba ay tumitili pa dahil sa kagwapuhan namin.


"Gwapo talaga natin"sabi ko, buti di kami dinudumog dito kasi tinitignan sila nang masama ni Wallace.


Kumatok muna si Wallace sa pintuan ng dorm nina Hya at Yeisha. Binuksan ni Hya ang pintuan, ngumiti sa akin pero sumimangot nang makitang kasama ko si Wallace.


"Bakit kasama mo to?"tanong ni Hya.


"Makikipag-usap siya sa inyo"sagot ko. Umupo muna kaming lahat sa upuan at sumulpot si Yeisha bitbit ang 4 na baso ng Juice at 4 na Chicharon.


"Uy, may panchibog, araw-araw na lang kaya akong pumunta dito para may pagkain lagi na libre?"nagniningning na mata na sabi ko habang binuksan ang isang Chicharon ni Mang Juan.


"Wag abusado, galing to sa kapatid ni Hya tapos makikikain ka lagi"sagot ni Yeisha.


"Sorry naman, dadalhan naman ako ni Sweety Pie ng pagkain, damot"nagpout ako at pinisil ulit ni Yeisha ang pisngi ko. Wala eh, cute ako.


"Pacute talaga, sino si Sweety Pie, girlfriend mo?"tanong ni Hya, nakita kong sumimangot si Yeisha,


"Endearment niya sa nanay niya, buang yan eh"sagot ni Wallace.


"Ang cool, kala ko gf mo"sagot ni Yeisha, mukhang mas magkakasundo tayo ah, hard si Wallace, di ako buang. Sweet lang ako kaya kapag kasama ako ng mga gulls, kailangan nilang magpaturok ng insulin or else magkakadiabetes sila dahil saken hahaha XD.


"I"ll start. Tungkol dun sa nangyari kahapon, bad mood talaga ako non dahil sa lalaking mukhang rapist. Ayoko din an may humahawak sa gitara ko nang walang paalam dahil iniingatan ko iyon at pakiramdam ko ay may mawawalang parte ng buhay ko kapag nasira iyon. Sobrang importante iyon at hindi ko hinahayaan na hahawakan yon ng kahit sinuman"panimula ni Wallace.


"Pasensya na kung nasigawan ko kayo, galing sa mama ko ang gitara. Mga kaibigan ko na kayo, kaya dapat hindi ko kayo nasigawan at papayagan ko na kayong humawak non dahil mapagkakatiwalaan kayo. I'm very sorry"kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Wallace, hindi naman siya mahilig magsorry sa tao. Kahit sa babae, hindi nagsosorry, pero ngayon, aba, nakokonsensya na siya at sincere pa.


"Kung naguguluhan kayo, dun sa lalaking mukhang rapist na sinabi ni Wallace, ganito kasi yun. Papunta kaming CR at biglang may lalaking nagsabi nang hindi maganda sa amin, na laruan ba daw namin kayo at patikim daw sila pagkatapos. Sinagot sila ni Wallace at mukhang may binabalak na masama sa inyo kaya mag-ingat kayo"dagdag ko habang nalamon.


"Okay lang, salamat pala at naintitindihan ka naming, Wallace"sagot ni Yeisha.


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now