Chapter 34

1.3K 53 4
                                    

A.N of PV: Salamat sa edit ng bagong cover ng story ko,  midnight_maiden thanks XD XD

Hyacinth's POV

Nakalapit na siya dito sa kinaroroonan namin at biglang nagbago ang ekspesyon niya, may pag-aalala na may halong galit. Patay, nakita na niya yata lagot.


"Ate, saan galing yang pasa sa gilid ng labi mo?"tanong niya.



"Bakit nandito ka? May pasok ka pa ah, wag mong sabihing nagcutting classes ka"pag-iiba ko sa usapan, kung magalit at mag-alala kasi ito wagas, parang ako tuloy yung bunsong kapatid.


"Ate, wag mong ibahin ang usapan"seryoso niya akong tinignan.


Kinakabahan ako, ayoko tong sabihin sa kanya ngayon, baka makadagdag problema lang ako, problemado na nga sila ng magulang ko sa pagkakakulong ko dadagdag pa ito.


"Sabihin mo na sa kanya, masama kung itatago mo pa"medyo nagulat ako kasi hinawakan pa ni Wallace yung ulo ko at pinat ito habang sinabi ito sa akin. Sumaya ako at medyo nawala na kaba ko dahil sa sinabi niya.


"Okay, pero no violent reaction kundi pepektusan kita, ate mo pa rin ako. Naku ikaw talaga, ano nagcutting ka ba para lang makapunta dito?"tinanong ko siya bago ko ikuwento ang nangyari sa amin kagabi.


"Na-cut yung klase naming ngayong tanghali kasi may meeting lahat ng professors ate"kalmado niyang sabi.


"Ah, ge ikukwento ko na"Ikinuwento ko na nga yung nangyari. Halatang nagagalit siya at kinalampag pa yung lamesa.


"Kalma lang, dadalhin sila sa ibang kulungan kapag gumaling na yung mga rapist, nasa ospital pa kasi sila. Binugbog sila ng isang lalaki at isang babaeng nagligtas sa amin kagabi"malumanay kong sabi.


"Ate, mag-iingat ka ha, sana naman ayus-ayusin ng mga pulis yung pagbabantay dito, alam na nga nilang maraming adik dito eh, basta ate mag-ingat ka, labanan mo sila kung wala silang hawak na patalim. Ipapaalam ko ito kina mama at papa"sabi niya at halata ang pag-aalala sa mata niya.


"Kuya Wallace, pwede po ba tayong mag-usap, yung tayong dalawa lang po?"tumingin si Lester kay Wallace, tumango lang si Wallace at umalis kasama ang kapatid ko.


Hinayaan ko lang sila at kaming dalawa na lang ni Tiffany ang nandito, nasaan na kaya yung dalawa, sina Yeisha at Harrence?


"Sa susunod mag-iingat ka ha, pinag-aalala mo ako kagabi"mangiyak-ngiyak na sabi ni Tiffany.


"Sorry kung pinag-alala ko kayo at salamat sa concern"sabi ko at niyakap siya.


Maya-maya ay bumalik na sina Lester at Wallace, parehas silang nakapoker-face nacucurious tuloy ako baka mamaya kung ano na yung pinag-usapan nila.


"Aalis na ako ate, mag-iingat ka at paalam din sa inyo"sabi niya at tumingin kina Wallace at Tiffany.


Lumakad na siya palayo pero may nakita akong taong papalapit dito na nakaschool uniform ng Ashworth University, akala ko si Lester, yun pala ay si Kenzie, panira ng mood ano kaya balak niya ngayon? Parang galit siya ngayon ah, anyare kaya?


Umupo siya sa tabi ko at biglang hinawakan yung gilid ng labi ko, yung parte na may maliit na pasa. Tinabig naman ni Wallace yung braso niya, naunahan na ako pero masaya ako sa ginawa niya.


"Alam ko na kung anong nangyari sa inyo ni Yeisha kagabi, sorry I'm not there to protect you, my future girlfriend. Pero don't worry, papahirapan ko nang sobra at paparusahan ang mga taong nagtangkang galawin ka"sabi niya at ngumisi, halatang kunyariang mabait.


"Wag mo nga akong tawaging 'future girlfriend', ang pangit pakinggan eh at tsaka dapat ba akong magpasalamat sayo? Pasorry-sorry ka pang nalalaman, Wallace is here to protect me"nabigla ako sa nasabi ko sa kanya, nakakahiya. Baka mamaya ang isipin ni Wallace eh makapal ang mukha ko na baka feeler ako.


"She's right, I'm here to protect her dahil importante siya sa akin. Di ka niya gusto kaya wag mo siyang tatawaging future girlfriend mo"sabi niya at sinamaan ng tingin si Kenzie. May nagdidiwang sa loob ng katawan ko dahil sa sinabi niya, ang saya ng pakiramdam lalo na at galing sa kanya yung mga salitang importante ako.


"Hmm siguro may gusto ka kay Hya kanya no? Hyacinth, alam ko namang magbabago yang pagtingin mo sa akin, magkakagusto ka rin sa akin balang-araw, malay mo kamumuhian mo na pala si Wallace sa future"nakangisi niyang sabi, parang may pinahihiwatig siya sa mga salitang sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin? Ano ka manghuhula at hindi kita gusto para sa kaibigan ko leche ka umalis ka na dito"pagalit na sabi ni Tiffany.


"Hindi niyo na ako kailangang itaboy pa, aalis na ako at ingatan mo ang sarili mo, my future girlfriend dahil sisimulan ko na ang pagpapahirap sa mga siraulong rapist. Sinabihan ko na din yung mga pulis na ayus-ayusin ang pagbabantay dito para wala nang mangyari pang masama sayo"sabi niya bago naglakad palabas ng Compound. Hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang ngiting parang aso.


"Leche ka, sinungaling ka, fake akala mo ba mapapaikot mo ako sa pinaggagawa mo? Kilala kita"sabi ko sa kanya, simula noong mag-aral ako sa Ashworth University, ang pagkakakilala ko sa kanya ay isang manloloko at playboy.


Wallace's POV

(Flashback)

Tinignan niya ako nang tumigil kami sa tahimik na lugar.


"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may nararamdaman ka ba para sa ate ko? Nakikita ko kasi iyon sa mga mata mo sa tuwing kasama mo si ate"straight-forward niyang sabi sa akin, I like it.


"Aaminin ko, may nararamdaman ako sa kanya kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya"pag-amin ko.


"May pakiusap ako sayo, pwede niyo bang protektahan si ate at si ate Yeisha? Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila pero wala ako doon para protektahan sila"sabi niya at nakikita ko ang pag-aalala sa mata niya. I know tinutukoy niya din si Harrence.


"Hindi mo na ako kailangang pakiusapan dahil gagawin talaga namin iyon nang walang pag-aalangan"sagot ko.


"Salamat po, aaminin kong gusto kita para sa ate ko, tara balik na po tayo doon"sabi niya at nagsimula na kaming maglakad pabalik kina Hya.

(End of Flashback)

Aaminin kong nabigla ako sa sinabi ni Lester kanina, hindi ko ito inaasahan at sumaya ako dahil ang akala ko ay ayaw niya sa akin,yun pala he's being protective to her sister. Kahit kakakilala ko pa lamang kay Hyacinth aaminin ko na may nararamdaman na akong kakaiba para sa kanya.


.

.

.

.

Her First Love in Jail [unedited]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora