Chapter 14

2.2K 72 0
                                    

Hyacinth's POV

Sa sobrang kaba at takot ko ay tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa mata ko.

"Bi-bitawan m-mo ako, baka gusto m-mong sipain kita"pinipilit kong hindi mag-crack ang boses ko.

"Nagawa mo pang magsalita nang ganyan, alam kong natatakot ka na, umiiyak ka na eh. Gagahasain lang kita, hindi kita papatayin"sabi niya nang may pang-aasar. Susuntukin ko na sana siya pero nahawakan niya agad ang kamay ko. Nakikilala ko na ang boses niya, siya yung lalaking weird kung makatingin sa amin, pero hindi ko na matandaan ang pangalan niya.

"Kapag pumalag ka-"

"TULONG!!"sumigaw ako, pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Tumahimik ka, kapag pumalag ka, papatayin ko ang mga kaibigan mo lalo na si Yeisha"pagbabanta niya.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa pagbabanta niya sa akin, nanininig ako at humihikbi na ako dahil sa paghawak niya sa balakang ko. Inilalapit na niya ang mukha niya sa mukha ko para halikan ako.

Pero bigla siyang tumalsik dahil may sumuntok sa kanya. May nakatutok na flashlight sa amin at nagulat ako nang makitang si Wallace ang sumuntok sa lalaki.

"Huwag mo siyang gagalawin, kundi mapapatay kita"halata ang galit sa boses niya at sa mata niya. Tinignan niya ako at naikuyom niya ang kamao niya. Tumakbo siya sa akin at agad akong niyakap.

Nakakatakot na muntikan na akong magahasa, pero salamat at dumating si Wallace, kasama niya rin pala sina Harrence, Yeisha, at Tiffany. Mas lalo akong napahikbi at hinaplos niya ang buhok ko.

"Kapag inulit mo pa ito, papatayin kita!"sigaw ni Wallace. Bumangon ang lalaki at natatandaan kong siya pala si Harvey.

"Sayang, hindi tuloy natuloy ang binabalak ko, masyado kang pakialamero"tumakbo siya papunta sa amin pero binaril siya ng mga pulis ng pampatulog kaya natumba siya.

"Okay kay lang ba? Sinaktan ka ba niya?"iniangat niya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. Parang may naramdaman ako na hindi maipaliwanag, gutom lang ba to?

Tumango lang ako, parang hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari kanina.

"Dapat sinamahan kita, buti na lang nahanap ka namin dito. Sorry"nag-aalalang sabi ni Yeisha.

"Edi parehas sana kayong mabibiktima ng lokong lalaki, siya yung lalaking tinutukoy namin na nakasagutan ni Wallace sa CR noong isang araw"sagot ni Harrence.

"OMG, buti na lang at ligtas ka na"sabi ni Tiffany.

"O-okay lang, salamat pala, Wallace"sabi ko at umalis na ang mga pulis kasama si Harvey na pinosasan.

"Bakit hindi mo siya nilabanan?Dapat sinipa mo siya sa birdie niya "tanong ni Harrence.

"Pinagbantaan niya akong papatayin daw niya kayo lalo na si Yeisha kaya hindi ko siya nilabanan"sagot ko.

"Anong klaseng tanong yan Harrence? Mas malakas ang lalaki sa babae kaya malamang wala siyang laban sa lalaking-"

"Wag ka nang magalit"pagpuputol ko kay Wallace.

"Sorry naman dude, napaka overprotective mo talaga pagdating sa kanya, yan ba ang dulot ng pagka--aw!"pinukpok niya si Harrence ng flashlight sa ulo at tinignan nang masama.

"Bumalik na tayo at matulog na, gabing-gabi na. Next time, be careful, sa ganda mo, marami talaga ang magtatangkang manggahasa sayo, pinag-alala mo ako"sabi ni Wallace at lumakad na kami. Sana makatulog ako ngayong gabi, isasantabi ko muna ang lahat ng iniisip ko.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now