Chapter 47

1.1K 46 0
                                    

A.N of PV: Sorry late update po, grounded po kasi ako pero nagninja moves lang po ako para makapag-update habang walang tao. Medyo matagal pa po ulit ako makakaupdate sorry po.


Harrence's POV


"Sa tingin ko, dapat lumabas na tayo baka magising pa sila at magalit sa atin"sabi ni Yeisha.


"Naiisip mo ba ang naiisip ko? Baka maging batang ina agad yang si Hyacinth kasi baka may ginawa sila sa iisang kama. Masyadong nasasabik si Wallace sa ganyang scenario"bulong ko sa kanya.


"Hoy baliw ka wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano"siniko niya ako.


"Tama siya, kapag ako gumaling na humanda ka sa akin Harrence"nagbabantang sabi ni Wallace na nakadilat na ang mga mata.


"Naman hindi na ako tatablan sa mga ganyan mo dude alam ko namang hindi mo yan magagawa sa akin kasi mahal mo ako"nakangiti kong sabi hohoho para hindi bawas pogi-points kay Yeisha-babes.


Nagising din si Hyacinth at nahihiyang tumingin kay Wallace.


"Sige alis muna kami ni Hyacinth may pag-uusapan lang"paalam ni Yeisha-babes at sumunod si Hya sa kanyang maglakad palabas.


Kami na lang naiwan dito ni Wallace XD


"Iba ka na dude!! Yang mga pamatay mong da moves ayos ha, pang-expert! Kinama mo pa talaga si Hyacinth ang lakas ng tama mo! Kayo na ba? Congrats dude hindi ka na virgin, anong sunod, little Hyacinth at Wallace Jr.? Inunahan mo pa kami ni Terrence kung sino pa yung tatahi-tahimik at masungit sa mga gulls siya pa yung unang bumigay ang tindi mo dude!"tuwang-tuwa kong sabi habang nataas-baba ang kilay.


"Aray!"sakit niya talaga mangotong. Bumangon pa talaga ang may sakit para lang batukan ako.


"Tigil-tigilan mo na yang pag-iisip ng ganyang klaseng mga bagay, hindi ako katulad mo hoy!! Hindi ako manyak, ang dumi talaga ng isip mo!"naaasar niyang sabi.


"Weh? Di nga? Pikon ka na noh kasi hmmmm!"bigla akong hinagisan ni Wallace ng unan na tumama sa bibig ko.


"Ikaw nakakaasar ka na, hindi ka nakakatuwa"sabi niya na halatang naaasar na.


Bigla siyang bumangon sa kama at tinakpan ng kumot ang buo kong katawan. Hinatak niya ako at naramdaman kong bumagsak ako sa malambot na kama. XD Naku baka naman balak niya akong ikama, ginamit lang niya si Hyacinth para mabiktima ako, baka bakla talaga tong si Wallace, nagladlad na ba? XD


Naku walang kapantay talaga ang karisma ko kung ganun, kahit na mga gwapong lalaki nababakla sa akin, aminado akong mas gwapo siya sa akin pero nabakla siya sa akin, iba na talaga karisma ko pamatay na!! XD


"Uy dude ginamit mo lang ba si Hya at si Yeisha-babes my girlfriend para maisakatuparan ang plano mong ikama ako? Bakla ka ba dude? May girlfriend na ako, hindi mo ako pwedeng ikama!"natataranta kong sabi habang pilit na inaalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now