Chapter 35

1.5K 50 2
                                    

Yeisha's POV

(Flashback)

Natakot talaga ako sa nangyari kagabi kaya takot na akong gumala nang matagal lalo na kapag gabi, naalala ko yung nangyari kagabi, mabuti na lang at may nagligtas sa amin, sana makilala ko kung sino sila. Pagkagising ko, nagulat ako kasi nasa dorm na ako, tapos natutulog si Harrence sa tabi ko at yakap-yakap ako, tinitigan ko ang buong mukha niyang maamo na gwapo bago siya itulak palayo sa akin kaya nahulog siya sa sahig, baka mamaya may ginawa tong buang na ito sa akin, nakaramdam tuloy ako ng kaba baka ma teenage pregnancy ako nito.


"Yeisha-babes naman, dapat hindi mo ako tinulak, sakit tuloy ng likod ko. Pinag-alala niyo kami kagabi, ano bang nangyari sa inyo kagabi? At wag kang mag-alala kasi ilang minute pa lamang ang nakaraaan simula nang tumabi ako sayo at niyakap ka, hindi ka mabubuntis nun. Okay ka lang ba? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?"sabi niya habang nagkakamot ng batok.


Naalala ko ang nangyari sa akin kagabi, hindi ko namalayan na nanininig na pala ako habang kinukwento ko ang nangyari sa amin kagabi, pero mas nanatiling palaisipan sa akin yung 2 taong nagligtas sa amin kagabi na hindi namin kilala, gusto ko pa naman silang pasalamatan.


"Wag kang matakot Yeisha-babes, poprotektahan kita at sisiguraduhin kong wala nang ibang mananakit sa iyo. Mabuti na lang at hindi ka nila nabastos, sayang late kami dumating eh"seryoso niyang sabi, parang ngayon lang siya naging seryoso ah, kinikilig tuloy ako na ewan. Crush ko kasi si Terrence pero iba yung pakiramdam ko kapag si Harrence yung kasama o nakikita ko.


"Mashakit ang likod ko babes, give me some massage, beybeh!! Paliguan mo na rin ako ha sa dorm namin, papapak tayo ng Stick-o kasi madami pa yung supply ko eh kaya bibigyan kita!! Maligo ka na"sabi niya, samantalang kanina napakaseryoso niya ah, bipolar balik na sa dati na loko-loko.


"Oo na, salamat sa pag-aalala pero imamasahe ko lang likod mo, ikaw ang magpapaligo sa sarili mo"sabi ko at tumayo na. Napansin kong nandito rin sila Hya at Wallace na parehas pang tulog, ang sweet nilang tignan, bagay sila. Humihilik pa nang kaunti si Wallace, buti hindi sila nagising sa ingay namin ni Harrence.


"Bagay sila no? Dali na ligo ka na"tinulak na ako ni Harrence sa loob ng CR kasama ang tuwalya ko. Nagmamadali, may lakad ba siya?!


(End Of Flashback)


At ayun, minasahe ko nga yung likod ng loko at pinagmalaki pa niya talaga yung abs niya kanina sa akin, parang pandesal pero anliit ng katawan niya eh pero may abs hehe aaminin kong medyo pamatay abs niya, nakakapang-init sa pakiramdam.


Simula kanina ay hindi pa namin nakikita sina Wallace at Hyacinth, kung saan-saan kasi ako pinupunta ng lokong to eh, hindi rin namin sila nakasabay sa pagkain nang tanghalian pero ang masaklap, si Brittany pa ang sumabay sa amin kanina. Bwisit na bwisit tuloy ako, kunyarian pang concern sa akin dahil sa nangyari sa akin kagabi, nagsorry siya sa amin pero mukhang hindi sincere yung paghingi niya ng sorry, may halong kaplastikan pero si Harrence tinanggap agad iyon at pumayag siyang sumama sa amin.


Ngayon, naoout of place na ako sa kanila dahil si Harrence at Brittany lang ang nag-uusap, nakatunganga lang ako kung saan nang mahagip ng mata ko si Lauren na tumingin at ngumiti sa akin, ang creepy ng ngiti niya tapos nawala na siya sa paningin ko.

Her First Love in Jail [unedited]Kde žijí příběhy. Začni objevovat