Chapter 12

2.4K 80 2
                                    

Hyacinth's POV


After 1 week as usual, pabalik-balik lang ang ginagawa namin dito sa Compound. Linis, kain, kuwentuhan, tulog. Bumibisita lagi ang kapatid ko at ang nanay namin ni Yeisha tuwing Friday. Nakilala na namin ni Yeisha ang nanay ni Harrence,sabi nga ng nanay ni Harrence bagay daw sila ni Yeisha eh, totoo naman.


Katatapos lang naming mananghalian, umuulan nga nagyon eh kasi tag-ulan na. Nagkukwentuhan pa rin kami at mas napalapit na kami sa dalawang lalaki na ito.

Kakain na sana kami nang biglang dumating ang mga pulis kasama si Kenzie.


"Anong ginagawa mo dito?"halata ang galit sa boses ni Wallace.


"Kalma lang, matagal na tayong hindi nagkikita, hindi ko inaasahang magkakakilala na kayo dito sa Compound. Si Hyacinth ang pakay ko dito, sumama ka sa akin"sagot nito at tumingin sa akin.


"Ano naman kailangan mo? Bisita ba kita?"pagtataray ko, aba eh siya ang may kasalanan kung bakit nandito kaming lahat.


"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin. Pwede kong gawin ang gusto ko nang walang pipigil sa akin. Alam kong magiging interesado ka sa pag-uusapan natin"sagot niya.


"Oo na, wala naman akong choice eh"tatayo na sana ako nang hawakan ni Wallace ang braso ko.


"At paano kung may gagawin kang masama sa kanya? Siguraduhin mong wala kundi mapapatay kita kahit na makulong ako dito habangbuhay"nagngingitngit na sagot ni Wallace. Hindi ko to inaasahan pero sa tono niya overprotective siya. Aaminin kong medyo namula ako don.


"Wow, overprotective boyfriend eh?"nakasmirk na sabi ni Kenzie.


"Hindi ko siya boyfriend, wag ka nang mag-aalala,sisipain ko ang birdie nito kapag may ginawa sa akin"sagot ko.


"Wala ba kayong kasamang pulis sa paglabas?"tanong ni Yeisha.


"I can do what I want so wala, dadalhin ko siya sa magandang restaurant. Bye na sa inyo"hinatak na ako ni Kenzie paalis. Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakita kong masama ang tingin ni Wallace kay Kenzie. Inakbayan pa ako ni Kenzie pero siniko ko siya.


Isinakay ako neto sa kotse niya at bumaba kami sa tapat ng isang Restaurant. Nag-order siya at ano kaya pag-uusapan namin nito?


"Kumain ka na muna, ililibre kita"sabi niya at ngumiti.


"Ge, pero hindi ako magpapasalamat sayo"inirapan ko siya at kumain na ako.


"Yan ang gusto ko sayo eh, ang tapang mo. Isa ka sa mga tipo kong babae at na love at first sight na agad ako sayo"sagot ng gunggong na kumakain na din.


"Baliw ka talaga, nabubwiset ako sa pagmumukha mo"sagot ko.


"Sa mukha kong ito, maswerte ka dahil siguro kung ibang babae na ang sinabihan ko nang ganon, tuwang-tuwa pa. Gwapo na, mayaman pa"kampanteng sagot ni Kenzie, nako ang sarap itusok ng tinidor sa mata nito.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now