Chapter 37

1.3K 46 2
                                    

A.N of PV: Mahaba-habang update, isa't kalahating araw lang pasok ko this week XD

Wallace's POV

"Anong ibig-sabihin nito, naghanap ka ba ng ibang babae simula noong namatay ni mom?"medyo tumaas na ang tono ng boses ko.


"Wag ka nang matanong, hindi naman mahalagang malaman mo ito at wag mo akong taasan diyan ng boses, wala ka talagang modo"nakipagsukatan siya nang tingin sa akin, pero bigla na niyang dinampot ang mga pinirmahan ko at naglakad paalis.


Umupo na lang ako at hindi ko mapigilang hampasin ang lamesa dito. Bigla akong napaangat ng tingin nang may marinig akong tumatawa at umupo sa harap ko. Si Kenzie naman kasunod pagkatapos ni dad, fvck, just fvck!


"Mukhang bad mood ka ah, anong pinag-usapan niyo ni tito, tungkol ba sa pagkatanggal mo sa Modelling Industry? Kawawa ka naman ikinahihiya ka na ng lahat lalo na ang Manager mo at si Tito"nakangiting-aso niyang sabi. Asal aso kasi, tch...


"Hindi, wag kang makialam, tsismoso ka ba?! Para sabihin ko sayo wala na akong pake sa pagkatanggal ko sa Modelling Industry na yan"sagot ko.


"Ah, alam ko na dahil siguro sa half-brother mo, alam ko nga kung ano ang pangalan niya. Magkaedad kayo ng half-brother mo, yun nga lang mas matanda ka sa kanya ng dalawang buwan"pinagmamalaki niyang sabi, bakit ang daming alam nito? Pinagkakatiwalaan talaga siya ni dad.


"Gusto mo bang papuntahin ko siya dito, o ayaw mo? Nakakaawa ka naman, hindi ka pinagkakatiwalaan at basura na ang tingin niya sayo. Ako nga alam ko kung bakit may halfbrother ka eh, kinuwento niya yun sa akin. Pwede kang makiusap sa akin na sabihin kung nasaan ang half- brother mo o ang kwento kung paano siya nabuo, masaya akong makita kang nakikiusap sa akin dahil hindi rin naman sayo sasabihin ni Tito ang lahat"he smirked, I want to wipe that smirk on his fvcking face.


"Asa kang makikiusap ako sayo, mas mabuting ako na lang mismo ang aalam nito. Wag ka nang makialam pa"nakangiti kong sabi sa kanya.


Akala ba niya maaasar niya ako sa pinagsasabi niya? Tagos na yata sa kabilang tenga ko yung mga sinasabi ng iba na negatibo tungkol sa akin. I've learned on how to control my temper nang dahil kay Hyacinth, para hindi na ako makapasok sa isang gulo maliban na lang kapag sinagad na ako.


"Sige, sabi mo eh basta nandito lang ako kung kailangan mo na ng kasagutan, basta magmakaawa ka lang, napakasimple lang"sabi niya at lumakad na palayo, pasalamat talaga siya at nakakapagpigil na ako ng galit.


Ang tahimik ng paligid ngayon at hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinasabing half-brother ko, halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon sa binanggit ng tatay ko. Biglang lumapit sa akin si Hyacinth, nakayuko siya at may tumutulo na luha sa kanyang mga pisngi kaya agad akong napatayo dahil nag-aalala ako. Ano kayang nangyari sa kanya?


"Bakit ka umi—"sa pagtayo ko ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.


"Huhuhu sorry ha kung napakaOA ng reaksyon ko, e-eh ka-kasi nakinig a-ako sa usapan niyo ng tatay niyo at ni Kenzie"sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya, naramdaman ko tuloy bigla ang lungkot dahil sa pag-iyak niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now