Chapter 53

1.1K 50 7
                                    

A.N of PV: Thanks po sa comment, vote at sa pag-add sa reading list :)

Wycliffe's POV


Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para mapigilan agad ang tatay namin sa ginagawa niya kay Kuya Wallace. Nasasaksihan ko ang lahat ng ginawa niya dito sa laptop ko nang walang ginagawa, kasi kung magpapakita ako ngayon, hindi magiging maayos ang lahat. Hindi niya talaga tinupad yung sinabi niyang hindi na siya mananakit kay Kuya. Sinungaling talaga.


Gustuhin ko mang magwala dito sa loob pero pinigilan ko ang sarili ko, ayokong sirain ang kahit anong gamit dito sa bahay lalong-lalo na ang mga gamit ni Kuya Wallace. Sigurado kasing mahalaga ang lahat ng gamit dito para sa kanya.


Nang umalis na ang tatay namin sa kulungan, naisip ko agad na siguradong pauwi na yon dito. Ang sabi niya may aasikasuhin lang siya sa trabaho saglit at hindi magtatagal, yun pala ito ang inasikaso niya. Humanda lang siya sa akin at kating-kati na ang mga kamao ko na suntukin siya. Alam kong tatay ko siya at masamang manakit but I can't help it, lalong-lalo na kapag ang Kuya ko ang sinaktan ng kahit sino.


Matapos ang ilang minuto, bumukas na ang pintuan, nandito na siya at nakangiti siyang pumasok.


"Nainip ka ba sa paghihintay, gusto mo bang—"


"Saan ka talaga pumunta?"sabat ko nang may bahid ng galit sa boses ko.


"Sa trabaho, may problema ba anak?"malambing niyang sagot.


"Huwag mo akong gawing tanga, alam ko kung saan ka pumunta at kung ano ang ginawa mo kay Kuya Wallace. Remember, I'm always watching my brother"wika ko nang nagtitimpi.


"Brother? He's not your brother. Ikaw na lang ang pagtutuunan ko ng atensiyon kasi mabait at maaasahan kang anak compared to Wallace. Ibibigay ko na ang lahat ng pangangailangan ng isang anak para makabawi ako sa iyo anak"sagot niya.


"That's bullsh*t! He'll always be my brother at kaya niyang ibigay ang mga pangangailangan ko na hindi materyal na bagay. You're even comparing me to him, tandaan mo na kung papapiliin mo ako sa inyong dalawa, hindi ako mag-aalangang piliin siya dahil hindi kita kailangan. Sa ginawa mo, lalo kong naisip na magpakilala na sa kanya as soon as possible, next week and after that ay aalis na ako dito"habang sinasabi ko ito, kinuwelyuhan ko siya at sinapak ng isang beses.


"Sa tingin mo ba anak matatanggap ka niya? Siguradong hindi dahil matindi ang galit niya sa iyo, kaiinggitan ka pa niya dahil mas mahal kita kaysa sa kaniya"sagot niya na halatang nagsisinungaling. I saw my brother's reaction when he found out that he has a half-brother. He's not mad, he's just confused.


Naisip ko rin ang posibilidad na iyan, pero magtitiwala ako sa kanya, hindi niya ako kamumuhian.


"Huwag kang magsalita nang ganyan, bakit ikaw ba si Kuya Wallace? Hindi siya ganyang klaseng tao"maikling sagot ko at umalis na sa harapan niya.


Hyacinth's POV


Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now