"Try Again"

2.2K 53 0
                                    

"Try Again"

"Hi Juls!"

Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Hi Richards!"

Tumabi siya sakin at may binigay na bulaklak.

"Para sayo"

Kinuha ko naman ito. "Salamat."

"So? Kamusta naman ang araw mo?"

Nawala ang ngiti ko at tumingin sa ibang direksyon. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang isang pangyayari kanina. Napailing nalang ako.

"Wala naman. Ganun pa din."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napatingin naman ako sakanya. Ngumiti siya sakin.

"Nandito lang ako."

Ngumiti ako sakanya. "Alam ko naman yun. Salamat."

"JULIE!"

Napatingin kaming dalawa sa taong nasa harap namin. Si Maqui. Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Ang tagal mo naman dumating."

Nakatingin lang siya kay Alden.

"Sorry na. So tara? Shopping na tayo?"

Tumango naman ako. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na.."

"Alden!" Sabi ni Maqui.

Tumayo si Alden at nag hi kay Maqui. Kahit naman magkakasama kami palagi hindi pa din sila ganun ka okay ni Maqui. Hindi ko din alam dito kay Frencheska kung bakit ganun siya kay Alden. Ang sabi lang niya hindi niya lang daw talaga ito trip.

"Bakit French?" Tanong ni Alden.

Tinaasan niya ito ng kilay bago ngumiti.

"Wala lang."

Hinatak na ko ni Maqui. Nag wave nalang ako kay Alden at nagpasalamat sa bulaklak na binigay niya.

"I love you."

Yun ang huling sinabi ni Alden bago ako tuluyang makalayo sakanya. Naglalakad na kami ni Maqui ngayon papunta sa parking lot. Sumakay kami sa kotse niya ng tahimik.

"Seryoso talaga siya sayo ah?"

Napatingin ako kay Maqui.

"Ano yun?"

Ngumuso siya sa bulaklak na hawak ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa bulaklak na hawak ko.

"Maq..mabait naman si Alden."

Tumingin siya sa dinadaanan namin.

"But still I don't like him."

"Eh sinong gusto mo?"

"Yung torpe mong ka-loveteam."

Napailing nalang ako at napangiti. Umiwas ako ng tingin. Naalala ko nanaman talaga yung kanina.

"Patigilin mo siya sa panliligaw sayo!"

Nagpintig naman ang tenga ko sa narinig ko mula sakanya.

"Ano?"

"Basta Julie Anne! Patigilin mo siya!"

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"May gusto ka ba sakanya?"

Sa wakas at tumigil siya kakalakad. Nahihilo kasi ako sakanya. Ano bang problema ng taong toh?

"Moe, wala kang pakialam kung gustuhin ko man siya o hindi. Ano naman sayo diba?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon