"JAM"

8.7K 34 1
                                    

"JAM"

What's your JAM?

Napangiti ako ng mabasa ko yan. Naalala ko nanaman siya. Naalala ko na sinabi ko yan sa isang tao na pinakamahalaga sakin. Nang maisip at maalala ko yun napangiti nalang ako. Malungkot na ngiti. Ala-ala nalang pala yun. Ala-ala na babaunin ko hanggang tumanda ako. Tumayo ako at nagbihis. Bibili nga pala ako ng mga kakailanganin dito sa condo. Bakasyon naman kaya kailangan pagtuunan ko naman ang mga bagay bagay dito sa condo ko.

"Good morning Sir." Bati sakin nung guard.

"Good morning."

"Mukhang may lakad po tayo ah? Ipapatawag ko na po ba yung driver niyo?"

"Haha. No wag na. Sa grocery lang naman ako pupunta eh."

Tumango nalang yung guard. Umalis na ko at pumunta na sa grocery. Marami rami ang bibilhin ko. Ilang araw na din palang noodles ang kinakain ko. Nag-ikot ikot ako at naghahanap ng pwede pang mabili. Nakarating ako sa Milk station. May naalala ako. Kumuha ako ng NIDO. Hindi ako pala-inom ng gatas pero dahil sa taong yun, umiinom na ko. Marami na akong nabibili at binayaran ko na ito.

*Message from UNKNOWN number*

-Where are you?-

Napakunot ang ulo ko. Sino kaya toh? Hindi ko nalang pinansin baka kung sino pa yan. Nagpunta muna ko sa Cake Resto bago umuwi. Inaantay ko ang order ko ng may natanggap nanaman akong text.

*Message from UNKNOWN number*

-Moe, nasaan ka?-

Sino ba kasi toh? Try ko kayang sagutin?

-Sino toh?-

Tanong ko sakanya. Dumating na ang order ko pero hindi pa din sumasagot yung nagtetext sakin. Hinayaan ko nalang. Kung kelan naman sinagot mo dun ka naman hindi sasagutin. Ang labo. Umuwi nalang ako.

"SIR!" Tawag nung guard na kausap ko kanina.

"Oh Kuya?"

"May naghahanap po sainyo kanina."

"Po? Sino?"

Napakamot siya sa ulo niya. Sino kayang maghahanap sakin?

"Hindi ko po kilala eh kaya pinapunta ko nalang po dun sa unit niyo."

Nagulat naman ako. Hala! Hindi niya kilala? Eh paano kung magnanakaw yun? Si Kuya naman oh. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya pero ngayon lang talaga siya pumalya.

"Hala! Kuya? Bakit mo pinapunta dun?"

"Eh sabi po niya kilala daw po niya kayo eh."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Siyempre maraming pwedeng magsabi na kilala nila ako. Artista kaya ako. Nagmadali akong pumunta sa unit ko. Kinakabahan ako. Halos magkada hulog hulog na yung mga dala ko sa pagmamadali ko.

"Nasaan na ba yung key card ko?

"Elmo."

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako. Tumingin ako sa lugar kung saan ko narinig yung nagsalita. Nabitawan ko yung dala kong ng makita ko siya.

"Julie..."

Lumapit siya sakin. May inabot siya. Yung key card ko.

"Naiwan mo ata. Nakita ko lang dyan sa tapat ng pinto."

Wait. Siya yung sinasabi nung guard? Kilala naman niya si Julie ah? Oh, pinagt-tripan siguro ako nun. Kinuha ko sa kamay niya yung key card ko at binuksan ang pinto.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon