"Oh! My Pretty Ghost!"

10.3K 29 1
                                    

Hindi natin matatanggi na marami talagang magagandang lugar dito sa Pilipinas..mga lugar na dinadayo pa ng maraming mga turista dahil sa likas na yaman na taglay ng mga ito. At sa mga magagandang lugar na ito hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng isang kwento...pwedeng kwentong nakakatawa,nakakaiyak,madugo ..madalas pa nga tungkol sa mga diwata. Pero ang pinaka sikat na kwento na pwede nating marinig lalo na sa mga matatanda ay kwentong pag-ibig at katatakutan. Ganun din sa aking kwento , kwento ng isang lalaki at isang babae na umibig sa isa't isa ..kaso nga lang ....

May isang lalaki na nagbakasyon sa palawan ..sa palawan na ubod ng ganda. Ang pangalan niya ay Elmo. Gusto lang naman niya mag relax kaya siya naparito..marami kasing trabaho sa Maynila..Model at Rapper kasi ang trabaho niya. Hirap si Elmo magkaroon ng oras para sakanyang sarili ..buti nalang pumayag ang mommy niya na magbakasyon siya.

Elmo : ..haii..salamat ! makakapag pahinga din ako sa wakas ! ang ganda talaga sa lugar na toh ! buti na lang pumayag si mommy na magbakasyon ako ! ang sarap lang sa pakiramdam na wala kang iniisip !

Namamalagi muna ngayon si Elmo sa lumang bahay ng lolo niya. Bata pa siya nung dinala siya sa lugar na ito. Napakaluma na talaga pero ayos pa naman..may mga lumang gamit na halos matanda pa atah sakanya. Wala na siyang gaanong matandaan sa lugar na ito . Di kalayuan sa bahay nila Elmo..matatanaw mo ang isang malaking bahay. Isang bahay na maganda at halatang mayaman ang may ari. At yun ang kumukuha sa atensyon ni Elmo.

Dumating ang Kasambahay nila Elmo...

Aling Nena : ..ayy ser , excuse me lang ho noh .. meron ho ba kayong gustong ipabili sa bayan ? ako ho kasi ay dadayo doon para bumili ng makakain natin.

Elmo : ..ahh ganun po ba..meron po sana ..pwede niyo po ba ko bilhan ng manga ? paborito ko po kasi yun..alam niyo naman po sa manila ..minsan lang magkaroon ng matatamis na manga dun.

Aling Nena : ..oh sige ho ser ..naku eh napaka tamis ho ng manga dito. Sigurado ho ako na magugustuhan niyo yun.

Elmo : salamat po Aling Nena. Ito nga po pala yung pambili.

Aling Nena : sige po ser .

Elmo : ayy Aling Nena ..gamitin niyo na po yung kotse..tutal naman po nandyan po yung driver ko si Kuya Teddy pahatid nalang po kayo dun para naman po hindi kayo mapagod.

Aling Nena : ayy maraming salamat po ser.

Elmo : wala po yun. Ay matanong ko lang po Aling Nena ..kanino po yung malaking bahay na yun ?

Aling Nena :

Elmo : sino po ba nakatira dun ?

Aling Nena :

Elmo : hindi niyo po ba alam ? oh sige po umalis na po kayo baka gabihin pa po kayo. Ingat po. ! :

Hapon na at inip na inip na si Elmo kaya naisipan niyang lumabas ng bahay. Nagpunta siya sa bodega at nakakita siya ng isang bike. Sumakay siya dito at nagikot ikot dala din niya ang camera niya para makuhanan ng litrato ang palig na makikita niya. Minabuti niyang huminto sa ilog malapit sa kanilang bahay. Kinuhanan niya ito ng litrato ..habang picture siya ng picture isang puting paru-paro ang dumapo sakanyang camera.

Elmo : Wow , ang ganda mo naman.

Hahawakan sana niya ang paru-paro kaso lumipad lipad ito. Naaliw si Elmo kaya kinuhanan niya ng litrato ang paru-paro na yun..kuha dito kuha doon..walang tigil. Lumipad ang paru-paro sa napaka gandang hardin at dumapo ito sa isang bulaklak. Namangha si Elmo sakanyang nakita grabe ang ganda ng lugar..ang mga bulaklak na tila ay sumasayaw dahil sa pagihip ng hangin. Hindi namalayan ni Elmo na ang hardin na napuntahan niya ay hardin pala ng bahay na laging kumukuha sa atensyon niya. Ang maganda at malaking bahay na lagi niya tinitingnan pagkagising niya sa umaga. Pinagmasdan yun ni Elmo at napahanga sa ganda ng bahay. Hinanap ni Elmo ang paru-paro na lilipad lipad lang kanina sa kanyang paligid. Bigla nalang ito naglaho. Umupo si Elmo sa damuhan.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon