"Royalty"

6.3K 46 1
                                    

"Royalty"

Dahil usapan naman ang Royalty ngayon sa SAS, nagbabalik na pala ang Queen B ng buhay ko. My Queen. My Julie. Maaga ako dito sa SAS para makita ko siya agad. Hindi naman ako nagkamali sa desisyon na gumising ng maaga ng makita ko siya na kumakanta at sumasayaw.

"That beautiful girl. Fresh from the states." Bulong ko.

"Oo nga ang ganda talaga niya."

Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Ate Marian. Oh shit. Crush ko kaya siya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa napaka sexy at gandang Marian Rivera?

"Uhmm.."

Natawa siya sa itsura ko. Nabahala naman ako. Gwapo ba kong tingnan? Hindi ba magulo ang suot ko? Maayos ba ang pagkaka suklay ko sa buhok ko? Shit!.

"Ang sabi ng mga tao kamukha ko daw si Julie. Ang tawag ko nga sakanya Kambal eh."

"Oo nga magkamumukha kayo."

Ngumiti siya sakin. "Mahal mo siya noh?"

Napatingin naman ako kay Julie. Mahal? Hindi lang mahal. Mahal na mahal. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang pinapanuod ko siya. Ang ganda talaga niya sa paningin ko.

"Mahal mo nga." Sabi ni Ate Marian.

Napayuko ako. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Nahihiya ako eh.

"Mahal ko siya. Sobra."

Natawa siya. "Halatang halata nga eh."

Napatingin ako sakanya. "Halata talaga?"

Tumango siya. "Alam mo naisip ko dati kayo ang susunod na DongYan. Ang lakas kasi ng chemistry niyo. Ang lakas ng JULIELMO effect."

Napangiti naman ako. Kahit pala ang mga taong malalapit sa amin nahahalata ang chemistry na meron kami.

"Talaga? Malakas pa din ba kahit hindi na kami magkasama?"

"Aba, Oo naman. Ang paghihiwalay naman ng isang love team ay isang pagsubok lang. Tinitingnan kung hanggang saan ang tiwala ang ibibigay niyo sa isa't isa. Tingnan mo kami ni Dong, pinaghiwalay man kami, siya parin ang nag-iisang leadingman ko. Kahit saan pa man ako magpunta, sino pa man ang makasama ko, hangga't magkadikit ang DongYan, hindi mawawala ang spark sa aming dalawa."

Napaisip ako. Tama siya. Kahit na paglayuin kami ni Julie, yung spark na meron kami, nandun pa din kahit na may iba kaming nakakapareha.

"You're right."

Ngumiti siya sakin at tinapik ang balikat ko.

"Wag mong pakakawalan yang si Kambal ah? Lahat na ata nasa kanya na."

Tumango naman ako. Hinding hindi ko siya papakawalan. Tulad ng sinabi niya, hangga't magkadikit ang JULIELMO, yung spark na meron sila, mananatili lang dyan at hindi mawawala kahit pa anong mangyari.

"Moe?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Julie. Nasa harap ko na siya ngayon. Nginitian ko siya. Tumingin ako sa gilid ko at wala ng Marian Rivera ang nandun.

"Nasaan na yun?"

"Sino?" Lumapit sakin si Julie.

"Si Ate Marian Rivera."

Nakita kong napailing si Julie sabay tawa ng mahina.

"Akala ko hinahanap mo ko si Ate Marian naman pala ang punta mo dito."

At naglakad siya papalayo sakin. Wait? Siya naman talaga ang sadya ko dito ah? Kakarating lang niya away agad? Hindi pwede ito. Tumakbo ako at hinabol siya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon