"No Thanks"

11.1K 34 0
                                    

"One Tequila please.." Eto ako ngayon nasa bar. Hindi ako pumasok sa school kasi first week palang naman kaya wala pang ginagawa dun. Pinapapasok ako ni Mom, sinunod ko naman eh nung first day kaso ayun nga wala pa namang ginagawa. Hindi ko din maintindihan pero wala talaga akong ganang pumasok. Bar. Sa bar lang ako laging nakatambay, hindi naman sa lahat ng oras minsan inuubos ko ang oras ko sa gym. Sa tingin ko kasi kailangan ko ito ngayon.

"Bar again Moe? Seryoso ka?" Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang taong tumutulong sakin ngayon lalo na sa mga oras na kailangan ko ng kausap nandito siya para sakin. Wag kayong mag iisip ng kung ano ano kasi kaibigan lang ang tingin ko sakanya, kapatid ! Oo yun ang tamang term sa amin. Para na kaming magkapatid.

"Idol." Idol kasi ang tawag ko sakanya. Minsan Mamita. Mas matanda kasi siya sakin.

"Sa panahon na ito mas maganda siguro kung Mamita ang itawag mo sakin, mukha kasing kailangan mo talaga ng makakausap."

Napangiti ako. "Kamusta na ba Mamita? Ok ka lang ba?"

Umupo siya sa tabi ko at umorder ng juice. Dumating na din ang order ko na tequila. "Ako nga ang dapat nagtatanong niyan sayo, kamusta ka na ba? Yung totoo ha? Ok ka lang ba talaga o nagpapanggap ka nanamang ok?"

Kilalang kilala na talaga niya ko. Oo hindi ako ok. Kahit hindi ko naman siya sagutin alam naman niya ang sagot. Tinitingnan lang niya ang juice na hawak niya at hindi niya ito iniinom. Ganun din naman ako. Lumilipad kasi ang utak ko ngayon.

"Hanggang kelan mo balak gawin toh? Hanggang kelan mo siya iiwasan?" Tanong niya sakin. Hindi ako sumasagot, ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Siguro yun din ang tanong ko na hindi ko masagot sagot.

"Moe, sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? listen, iniiwasan mo siya. Hindi mo sinasagot lahat ng email,dm,text, at tawag niya. At ikaw naman, lagi kang nasa bar minsan nasa gym. Aba! Moe! Ginagawa mo ng bahay ang Bar at Gym. Sa bar nagpaparty party ka, iinom tapos uuwi ng umaga. Sa gym, halos baliin mo na ang buto mo kakabuhat ng mga mabibigat na bagay na yun. Ano magpapakamatay ka ba? Hindi mo ba siya naisip kahit isang beses man lang?"

Tumingin ako sakanya, pinapakinggan ko ang bawat salitang sinasabi niya sakin.

"Moe, nasa LA yung tao pero ang utak niya nandito sa pilipinas naiwan kakaisip sayo. Ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sakanya, tinawagan niya ko at nagtatanong kung buhay ka pa. Nagpupuyat siya at nagbabakasakaling online ka at kakausapin mo siya pero hindi tiniis mo siya."

"Naglalabas siya ng mga pictures diba? At mukhang masaya naman siya." Singit ko.

"Sa ating dalawa ikaw ang pinaka close kay Julie, malamang dahil boyfriend ka na niya at dahil kilalang kilala mo na siya siyempre alam mo kung ano talaga ang totoo niyang nararamdaman."

"Totoong nararamdaman?"

Tumango siya. "Kung naglalabas siya ng pictures na masaya siya at nakangiti siya sa tingin mo totoo ba talagang masaya siya? Totoo nga bang nag eenjoy siya dun ngayon? Totoo ba talaga yung mga ngiting ipinapakita niya? Moe, kilala natin si Julie, hanggat kaya niyang ngumiti, ngingiti at ngingiti siya matakpan lang ang katotohanan na hindi siya ok. Na malunkot siya."

Napaisip ako dun, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko. Isang katotohanan na hindi ko pinansin dahil inisip ko ang sarili ko at hindi ang nararamdaman ng mahal ko.

"Maniwala ka Moe, ikaw lang ang laman ng isip ni Julie. Nag-aalala na siya sayo hindi siya makatulog kasi hindi niya alam kung nakauwi ka na ba, kung nakakain ka na ba,kung pumapasok ka ba sa school, kung ok ka lang at kung iniisip mo din ba siya. Wag mo naman siyang pahirapan Moe. Mahal na mahal ka nung taong nasa LA." Tinapik tapik niya ang balikat ko. "Maniwala ka sakin, miss na miss na miss ka na nun. Hindi kita sinesermonan o kung ano pa man, hindi ko din ito sinasabi sayo kasi bestfriend ko siya, sinasabi ko sayo ito kasi nag-aalala na ko, sayo, at sakanya." At ngumiti siya. "Paano? Nagpunta lang naman ako dito para makausap ka, at gusto din niyang makabalita tungkol sayo. Alis na ko ah?" At naglakad na siya palayo pero bago yun tinawag ko siya.

"Maqui!" Tawag ko sakanya. At nilingon niya ko.

"Yes Baby boy?"

"I'll call her." At ngumiti ako sakanya. Nag ok sign siya sakin bago umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya. Ring...ring....ring... Tapos stop. Narinig ko ang paghinga niya, sinagot na niya pero hindi siya nagsasalita. Pareho kami.

"Each day, my love grows deeper deeper like never before love is not easy but i'm holding on to this so don't give up and feel my heart nothing else matters, but you and me....i'm sorry." Sabi ko. Effort yan dahil kinanta ko pa talaga ang deeper. Para nga akong tumula eh pero ayos na din yun sana naramdaman niya yung gusto ko iparating sakanya.

"Moe..." Naririnig ko na nanginginig ang boses niya. "Missing you so much..." Napangiti ako sa sinabi niya. Grabee! Ang tagal kong hindi narinig ang boses niya. Sobrang namiss ko yun ang napaka lambing niyang boses.

"Miss na kita. Sobra. Kamusta ka?"

"Ok na ko ngayon, narinig ko na ang boses mo."

Na guilty talaga ako. Ngayon ko nararamdaman yung lungkot na nararamdaman niya. "Sorry baby, i'm so sorry."

"Ok lang, ok na. Bati na tayo ah?"

Ngumiti ako. "Hindi naman tayo nag away ah?" Kahit malayo siya sakin nararamdaman ko na nakangiti na siya.

"Oo na po. Nasaan ka? Nasa bar?"

"Yes."

"Umiinom ka ulit?" Tiningnan ko ang hawak ko na tequila. Hindi ko pa ito naiinom simula ng inoder ko toh. Pinapakinggan ko lang siya, gusto ko malaman kung anong magiging reaksyon niya. Hindi pa din ako sumasagot.

"Ok lang kung uminom ka basta wag marami ah? Wag kang magpapakalasing baka kasi sumakit ang ulo mo at wag ka din magpapagabi ah?" Sunod sunod niyang paalala sakin. Ang sarap ng ganito yung inaalala ka niya kahit magkalayo kayo.

"Hindi mo na ko kailangan paalalahanan baby, this will be the last."

"Are you sure? Baka iniisip mo ano.."

"Julie, last na toh. And ayokong pinag aalala ang girlfriend ko over there."

Napatawa siya. "Thank you, ayoko lang na may mangyaring masama sa boyfriend ko over there. Kasi...mahal na mahal ko siya over here."

"Dahil sa mga sinabi mo ngayon parang gusto ko pumunta over there."

"Haha! Loko loko ka pa din talaga. Kaya nga sobrang miss na miss na kita."

"Hehe. I think i should go now, uuwi na ko sa bahay may pasok pa ko bukas."

"Good. Love you so much Elmo Moses."

"Love you too Julie Anne. I love you too." End call. Tiningnan ko ang tequila na hawak ko. Ngumiti ako tapos kinuha ko yung wallet ko. Naglagay ako ng pera dun sa table. Ready na kong umalis ng bigla akong tinawag ng waiter.

"Sir, hindi niyo po nainom yung order niyo."

"I'm good. Ayaw kasi ng girlfriend ko." At nginitian ko siya.

"Balik ulit kayo Sir, may iba pa po kaming offer na drinks para sa inyo."

Ngumiti ako sakanya.

"No thanks."

The End.

-yayayyyyy hihi! Hope you like it.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon