"Kabute"

4.7K 40 1
                                    

"Kabute"

"What's this?"

Ngumiti siya sakin. "You badly need that."

"I don't need that. Ayoko. Ayokong takbuhan ang problema ko."

"Hindi mo naman tatakbuhan eh. Kaya ka nga kita binigyan ng ganyan para makapag-isip isip ka."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ayokong tanggapin pero mukha nga na kailangan ko ito.

"Fine."

Kinuha ko yung sobre na nakalagay sa mesa.

"Wait, two tickets?"

Tumango siya. "Yup. Kasama ako."

Napakunot noo naman ako.

"Seriously? Alam mo ba ang kakalabasan nito kapag nalaman nila na magkasama tayo?"

"Yes. At ready naman na ako sa mga bashers at rants ng fans mo. Moe, I'm not the bad girl here. I'm here to help you because you are my friend at alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon. Just please let me help you. Ito nalang siguro yung pangbawi ko sa palagi mong pagtatanggol sakin."

Napailing nalang ako. Wala na akong magagawa. Mapilit siya eh.

"Ok. Sige. Teka, bakit nga ba Hongkong?"

Ngumiti lang siya sakin. Tinalikuran niya ko.

"See you! Mag pack ka na ng things mo ah?"

Umalis na siya. Naiwan naman ako na tulala. Ano bang balak niya? Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Mabilis ang oras at ito na ang araw ng pag-alis namin.

"Janine."

Tumingin siya sakin. Nakangiti siya.

"Hey Moe! Akala ko hindi ka pupunta eh."

Pilit akong ngumiti. "Ahm..gusto ko lang malaman kung tayo lang bang dalawa ang pupunta sa Hongkong?"

Ngumiti siya bago sumagot sakin. Tinuro niya ang isang lalaki na nakatayo doon.

"Don't worry. Hindi naman kayo mag-aaway ng dahil dito, I'm with my boyfriend. At wag mo ding isipin na loner ka kasi makakasama mo yung iba mong friends."

"Hi Pare."

Nakipag shakehands ako sa boyfriend niya.

"Hello din."

"Salamat sa pag-aalaga mo kay Janine. Sorry din kung hindi kayo okay ni..."

"Hon? Mag check in na tayo." Sabat ni Janine.

Tumango naman ang boyfriend niya at nauna na.

"Tara?"

Tumango ako at sinundan siya. Nakasakay na kami sa eroplano. Ilang sandali lang nakarating na kami agad sa Hongkong.

"Let's have some fun?"

Binigyan ko lang sila ng matipid na ngiti. Goodluck talaga kung mag-enjoy ako dito. Hindi ako nagpaalam sakanya. Dapat nga ba? May karapatan pa ba ako? Sumunod ako sakanila. Nakarating kami sa hotel na tahimik lang ako.

"Gusto ko muna mag pahinga, mamaya nalang ako sasama sainyo para mamasyal."

"No Moe. Mamasyal tayo. As in now na. Wag ka ng maarte ok? You need this."

Dahil makulit siya napapayag niya ako. Umalis kami at namasyal. Hawak ko ang cellphone ko. Nagbabakasakali na makita kung nagtext siya.

"Enough na muna yan. Hongkong disneyland tayo."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon