"Past Tense"

1.1K 47 0
                                    

"Past tense"

Nagulat ako ng may nag lapag ng tubig sa harap ko. Tumingin ako kung sino yun.

"Hi."

Pilit akong ngumiti sakanya. Tumabi siya sakin. Umusog naman ako ng kaunti.

"Kamusta ka?"

Tumingin ako sa paligid. "Ako ba ang tinatanong mo?"

Natawa naman siya. "Meron pa bang ibang tao dito sa harap ko maliban sayo?"

Pilosopo.

"Joke lang. Oo ikaw nga."

Pilit akong ngumiti. "Okay lang."

Tumango tango siya. "Talaga? Mabuti naman kung ganun. Hmm, magkakasama tayo sa isang show, mabuti naman pumayag ka."

"Trabaho lang naman ito. Wala naman akong magagawa kapag sinabi na ng management."

"Dahil sa management.."

"Oo."

Ngumiti lang siya sakin. Bumalik ako sa ginagawa ko. Cellphone mode ulit.

"Julie? Galit ka parin ba sakin? Hindi parin ba tayo okay?"

Napatingin naman ako sakanya.

"Gawin nalang natin ang trabaho natin. Yun lang naman ang dapat nating gawin."

Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ko sa kamay ko. Nilagay niya yun sa pisngi niya. Hinalikan niya ang palad ko.

"I'm sorry.."

Nakatingin lang ako sakanya. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Past is past, Alden."

Naglakad na ko palayo sakanya pero naramdaman ko naman ang yakap niya mula sa likuran ko.

"Please. Julie, ako naman ang piliin mo ngayon. Pangako ko sayo hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon."

Pinilit kong kumawala sakanya. Nagawa ko naman yun at hinarap ko siya.

"Matagal na yun, Alden. Ayoko ng balikan so please wag mo ng ipaalala. Okay na tayo sa ganito. Trabaho lang."

"Pero.."

Biglang bumukas yung pinto. Nakita ko siya na nakatayo dun at napakunot noo ng makita kaming magkasama. Tumakbo ako sakanya at niyakap siya. Tiningala ko siya at nakita ko na nakatingin siya sakin. Para namang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Alden."

"Moe."

Narinig ko na sagot ni Alden. Tumango lang si Elmo at umalis na kami. Nakakapit ako ngayon sakanyang braso.

"Anong meron at magkasama kayo?"

Napatigil ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.

"Kinausap niya lang ako. Hindi ko din alam kung bakit basta nanghihingi lang siya ng tawad."

"Good."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yun. Naglakad na ulit kami.

"Hindi ka galit?"

"Hmm. Hindi. Dapat ba?"

Tumigil ako at humarap sakanya.

"Hindi ka talaga galit? Magkausap kaya kami."

Mabuti na yung hindi siya galit pero baka mamaya dinadamdam na pala niya ang nakita niya kanina. Ayokong makitang magalit si Elmo. Lalo na kung si Alden ang usapan. Makakapatay siya.

Umiling siya. "Hindi baby. Mas malaki naman ang tiwala ko sayo. And diba nga, past na?"

Napangiti naman ako. "Oo past na yun. Hindi ko na kailangan pang balikan ang masamang ala-ala."

"Tama. Hindi naman importante si Alden. Ang importante, tayong dalawa. Kaya nga pumayag ako na kunin mo ang trabaho na yan eh. Na makasama siya."

"Galit at nagseselos ka sakanya pero hinayaan mo kong makatrabaho siya? Bakit?"

"Hmm. Para masanay ka. Hindi naman sa lahat ng oras iiwasan mo siya. Magkikita at magkikita kayo basta ang akin lang wag na wag lang siyang mag iisip ng kung ano ano tungkol sainyong dalawa kundi malalagot siya sakin."

Natawa naman ako. "Hindi daw nagseselos ah?"

Ngumiti lang siya sakin sabay naglakad na ulit kaming dalawa. Kakatapos lang ng pre presscon tungkol sa magiging new show namin. And yes, mukhang magkakasama nga talaga kami ni Alden pero okay lang, tulad nga ng sabi ni Moe, wag lang siyang mag-iisip ng kuno ano ano dahil wala naman siyang mapapala sakin.

"Moe? Thank you ah."

"Hmm?"

Napatigil siya sa pagkain.

"Thank you kasi mahal mo ko at nandyan ka pa din sa tabi ko."

"Hindi na kasi magbabago pa ang nararamdaman ko para sayo. Ganyan kita kamahal."

Tumango tango ako at ngumiti sakanya.

"Basta lagi mong tatandaan, si Alden ay isang past tense nalang. Ikaw ang present tense at future tense ko."

Bigla niya naman akong hinalikan sa labi. Nagulat ako.

"MOE!"

Tumawa lang siya. Ako naman hinampas siya.

"Ikaw! Kapag may nakakita satin baka sabihin.."

Sinubuan naman niya ko ng red velvet cake. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry baby. Ang daldal mo kasi. Ang dami dami mong sinabi kung sabihin mo nalang na Moe, mahal na mahal kita. Edi tapos ang usapan o kaya naman ikiss mo ko para mas maparamdam mo sakin yung love mo."

Bigla naman siya nag pout. Napailing nalang ako at napangiti.

"Gusto mo lang maka score eh."

"Dali na"

Nag pout ulit siya. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Ikaw Elmo Magalona! Ano nalang kaya ang future ko kung ikaw na talaga ang makakatuluyan ko?"

At hinalikan ko siya sa labi. Tumingin ako sakanya.

Ngumisi siya. "Ako na talaga ang future mo at ang future mo sakin ay marami tayong anak."

Napakunot noo ako. "Maraming anak?"

Tumango siya. "Every year sisiguraduhin kong buntis ka."

Namula naman ako tapos pinagpapalo ko naman siya.

"ELMOOOOOO!"

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon